One San Miguel

One San Miguel

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from One San Miguel, Government Organization, New Barangay Hall building, 2nd Floor, F. Layacan Sr. Street , San Miguel, Rizal, Baras.

Photos from Municipality of Baras, Rizal's post 21/05/2026

Tara na sa Banggandang Baras

Baras Kasarinlan Eco-Park

21/05/2026

Digital na ang bill mo with Manila Water Paperless Billing!

Going paperless doesn’t change how you pay—pwede ka pa ring magbayad using the digital copy, no physical bill needed.

Mas mabilis, mas convenient, at hassle‑free!

Switch to paperless today! I-scan lamang ang QR Code sa baba o i-tap ang link na ito: https://t.ly/eNEaA

11/05/2026

Flores De Mayo sa Pamayanan

Barangay San Miguel
May 12, 2026

4:00 Pm - Prusisyon
5:00 Pm - Katekesis tungkol sa Flores De Mayo
5:30 Pm - Padrasal ng Santo Rosaryo
6:00 Pm - Misa at Pag-aalay ng Bulaklak

Sa kauna-unahang pagkakataon, iikot sa ating mga barangay ang pagpuprusisyon ng Banal na Krus at Mahal na Birhen, kalakip ang katekesis tungkol sa Santacruzan at Flores de Mayo, pagdarasal ng Santo Rosaryo, pagdiriwang ng banal na misa, at pag-aalay ng bulaklak ng ating komunidad.

Inaanyayahan ang bawat pamayanan na makiisa at maging bahagi ng mga gawaing magpapatibay sa ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang Simbahan. Tingnan ang iskedyul at alamin kung kailan ang gawain sa inyong barangay at lugar. Sama-sama nating salubungin ang biyaya ng Flores de Mayo sa ating pamayanan.

Photos from Municipality of Baras, Rizal's post 07/05/2026

Tara na sa BangGandang Baras.

Photos from One San Miguel's post 02/05/2026

AGAPE SA BARANGAY SAN MIGUEL!

Maraming salamat po sa lahat na nagbigay ng pagkain at naglaan ng oras para pagsasalu-salo sa ating Barangay.


One San Miguel

Photos from One San Miguel's post 02/05/2026

TROMBA FESTIVAL 2026!
TROMBA SA KATI..

Nakiisa ang Barangay San Miguel sa taunang Tromba Festival. Ngayon taon ay ating isinusulong ang pagsayaw ng kultura, sining at tradisyon upang hikayatin ang mga sambayanan na pahalagagan ang sinimulan at pasalamatan ang Poong Maykapal para sa biyaya ng buhay at pagpapalaganap. Patuloy po natin isapuso at isabuhay ang mensahe ng Tromba Festival. Ang taunang pagdiriwang ng Tromba sa ating Bayan ng Baras ay sumasailalim sa ating pagkakakilanlan bilang isang Bayan na masaya at ubos na nagkakaisa. Sama-Sama tayong magbunyi at magpasalamat sa biyaya ng buhay, tagumpay at pag asa para sa patuloy na pagpapa unlad.

Maraming salamat po at Taos-puso po kaming nagpapasalamat mula sa Sangguniang Barangay sa pangungunan ng ating Punong Barangay Ray An Tesoro kasama ang Opisyal ng Barangay, mga Kawani at mamamayan na nakiisa sa pagdiriwang ng Tromba.

@05012026
One San Miguel

21/04/2026

Maligayang Kaarawan Kapitan Ray An C. Tesoro!

Pagbati mula sa Pamahalaang Barangay San Miguel, Sangguniang Barangay Members at mga mamamayan.

Mtbc and God bless..

Photos from One San Miguel's post 10/04/2026

Mas Maliwanag na Humps, Mas Ligtas na Kalsada 🚸

Isinagawa ang repainting ng road humps sa F. Layacan Sr. St., bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap para sa kaligtasan ng bawat motorista at mamamayan.

Sa pangungunan ng TAU GAMMA PHI. BARAS CHAPTER, ang Barangay San Miguel ay Taos puso ng nagpapasalamat sa inyong samahan, matagumpay na naisagawa ang inyong aktibidad upang mas maging visible ang mga humps at maiwasan ang aksidente sa aming kalsada.

Maraming Salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at serbisyo para sa kapakanan ng aming komunidad.

One San Miguel ☝️

Photos from One San Miguel's post 10/04/2026

Mula po TAU GAMMA PHI. BARAS CHAPTER ay Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyong samahan sa paglalagay ng karagdagan Solar Street Light sa Sitio Haligionan.

Ang bawat ilaw na inilagay ay simbolo ng kaligtasan, pag-asa at pagkakaisa.

Sa tulong ng Solar Street Lights mas naging maliwanag at ligtas ang ating Barangay para sa ating lahat.

Sama-Sana natin liwanagin ang ating komunidad Para sa Mas maayos at Mas maliwanag na kinabukasan.

One San Miguel ☝️

Photos from One San Miguel's post 29/03/2026

KAGABI, MARCH 28, 2026 araw ng Sabado Ginanap ang 1st Semester, Barangay Assembly Day na may Theme: "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran" kung kaya't taos-puso po kaming nagpapasalamat mula sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kgg. Ray An C. Tesoro kasama ang bumubuo ng Sangguniang Barangay at sa lahat ng mamamayan na dumalo at nakiisa sa ginanap na Barangay Assembly Day. Ang inyong presensya at pakikilahok ay napakahalaga upang maging matagumpay ang pagtitipon na naglalayong maipabatid ang mga program, proyekto at mga ulat ng Pamahalaang Barangay.

Maraming salamat din po sa ating mga bisita mula sa Baras Pnp na si Pssg. Angelo L. Tomagan at si BFP na si SF03 Exequiel Banaag at sa atin din pong opisyal ng Barangay, mga Kawani at mga ka tuwang na nagbigay ng oras, pagod at suporta upang maisagawa nang maayos ang nasabing pagpupulong. Ang inyong pakikiisa ay pa tunay ng ating pagkakaisa at malasakit para sa ikauunlad ng ating komunidad.

Nawa'y patuloy tayong magtulungan, makiisa sa mga gawain at program ng Barangay para sa mas maayos, mapayapa at maunlad na pamayanan.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating Barangay!

Want your business to be the top-listed Government Service in Baras?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


New Barangay Hall Building, 2nd Floor, F. Layacan Sr. Street , San Miguel, Rizal
Baras
1970

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm