02/10/2026
🚨 MAG-INGAT SA ESTAFA! 🚨
Huwag basta magtiwala sa pekeng pangalan, maling pagpapakilala, pekeng negosyo, matatamis na pangako, o anumang panlilinlang na naglalayong makakuha ng pera o ari-arian.
🔎 Bago makipagtransaksyon, mag-verify muna!
❌ Huwag agad magbigay ng pera.
❌ Huwag basta maniwala sa pangako ng malaking kita.
✅ Suriin ang pagkakakilanlan at legalidad ng kausap o negosyo.
✅ Mag-ingat sa mga transaksyong gumagamit ng panlilinlang o pang-aabuso sa tiwala.
⚖️ BATAS: Article 315 – Revised Penal Code, as amended by R.A. No. 10951
Ang mga gawaing panloloko o pandaraya na nagdudulot ng pinsalang pinansyal sa ibang tao ay maaaring pumasok sa Estafa, depende sa mga elemento ng kaso.
Maging mapanuri. Mag-isip bago magtiwala. Huwag maging biktima ng panloloko.