Municipal Civil Registrar's Office - Local Government Unit of BASUD

Directions

Municipal Civil Registrar's Office - Local Government Unit of BASUD MCRO – BASUD: Gearing-up to be one of the best in civil registration

Joint Regular Monthly Meeting of PSA Camarines Norte and CANOCRELThe Joint Regular Monthly Meeting of the Philippine Sta...
16/09/2026

Joint Regular Monthly Meeting of PSA Camarines Norte and CANOCREL
The Joint Regular Monthly Meeting of the Philippine Statistics Authority (PSA) Camarines Norte and the Camarines Norte Civil Registrars League (CANOCREL) was successfully conducted and presided over by the Association President, MCR Arnilo A. Barrameda.
Various civil registration issues, concerns, and emerging matters were taken up and thoroughly discussed, with the collective aim of strengthening coordination between PSA and the local civil registrars and further improving the delivery of civil registration programs, services, and activities throughout the Province of Camarines Norte.
Through continued collaboration, open communication, and shared commitment, CANOCREL and PSA remain dedicated to providing efficient, responsive, and quality civil registration services to the people of Camarines Norte.

14/08/2026

📢 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐈𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐍𝐓𝐔𝐆𝐀𝐖𝐄

Matagumpay at magkatuwang na isinagawa ng 𝗣𝗦𝗔-𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗜𝗗 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝗿 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘀𝘂𝗱, sa pamumuno ni 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝗿 𝗔𝗿𝗻𝗶𝗹𝗼 𝗔. 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗮𝗺𝗲𝗱𝗮, ang 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙄𝘿 𝙍𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙈𝙤𝙗𝙞𝙡𝙚 𝘾𝙞𝙫𝙞𝙡 𝙍𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚𝙨 kasabay ng 𝙔𝘼𝙆𝘼𝙋 𝘾𝘼𝙍𝘼𝙑𝘼𝙉, sa pangunguna ng PhilHealth at Municipal Health Office ng Basud, na isinagawa sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝘁𝘂𝗴𝗮𝘄𝗲, 𝗕𝗮𝘀𝘂𝗱, 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 noong 𝗶𝗸𝗮-11 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 2026.

Layunin ng gawaing ito na mailapit sa mga mamamayan ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan na may kaugnayan sa civil registration at pagkakakilanlan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang pagpaparehistro ng kapanganakan, pagtanggap ng aplikasyon para sa mga dokumento mula sa PSA, pagproseso ng mga petisyon para sa pagtutuwid ng mga maling impormasyon sa birth at marriage records, pagpapalista para sa programang Libreng Kasal (Kasalang Bayan), at iba pang serbisyong may kaugnayan sa katayuang sibil ng bawat mamamayan. Kasabay rin nito ang National ID Registration, bilang bahagi ng layuning mabigyan ang bawat residente ng opisyal at legal na pagkakakilanlan.

Ang mga serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗸𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼 sa ilalim ng pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐒𝐡𝐮𝐧𝐧 𝐅𝐫𝐞𝐝𝐞𝐫𝐢𝐜𝐤 𝐒. 𝐃𝐚𝐯𝐨𝐜𝐨 at ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐬𝐮𝐝, sa pangunguna ni 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐚𝐦𝐢𝐫 𝐀. 𝐁𝐚𝐫𝐫𝐚𝐦𝐞𝐝𝐚.

𝐓𝐚𝐨𝐬-𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐧𝐭𝐮𝐠𝐚𝐰𝐞 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨. 🤝

Sa pamamagitan ng 𝐘𝐀𝐊𝐀𝐏 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 at sama-samang pagkilos ng mga tanggapan ng pamahalaan, mas maraming mamamayan ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng 𝐰𝐚𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐝𝐨𝐤𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐥𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐥𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨. 🇵🇭

30/07/2026

📢 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐍𝐆𝐀𝐇𝐀𝐍

Sa tulong at pakikiisa ng Pagsangahan Barangay Council, ay matagumpay nating naisagawa ang Mobile Civil Registration Services ngayong araw, ika-29 ng Hulyo, mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, upang mailapit sa ating mga kabarangay ang iba't ibang serbisyo ng Tanggapan ng Municipal Civil Registrar ng Basud.

Kabilang sa mga serbisyong naihatid ang libreng pagpaparehistro ng mga civil registry documents, pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga dokumento mula sa PSA, pagpapalista ng mga nais magpakasal sa programang Kasalang Bayan, at pagtanggap ng mga aplikasyon para sa National ID sa pamamagitan ng PSA-PhilSys National ID Team, na patuloy nating katuwang sa paghahatid ng serbisyong ito.

Nagbigay rin tayo ng kaukulang gabay at tulong sa mga kliyenteng nangangailangan ng pagwawasto ng mga datos sa kanilang birth at marriage certificates, gayundin sa mga nagnanais magproseso ng legitimation para sa mga batang ipinanganak bago ang kasal ng kanilang mga magulang.

Namahagi rin tayo ng mga flyers tungkol sa kahalagahan ng civil registration upang higit na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng ating mga kababayan hinggil sa kahalagahan ng wastong dokumentasyon at pagpaparehistro ng mga pangyayaring sibil.

Patuloy tayong mag-iikot sa iba't ibang barangay upang higit pang mailapit at mapalawak ang mga serbisyong pampamahalaan na nais ipaabot ng ating butihing Mayor Shunn Frederick S. Davoco at ng Sangguniang Bayan ng Basud, sa pamumuno ni Vice Mayor Ramir Barrameda.

Taos-pusong pasasalamat sa Pagsangahan Barangay Council, at sa lahat ng ating mga kabarangay sa kanilang kooperasyon at patuloy na suporta. 🤝

Serbisyo na lumalapit sa mamamayan—para sa mas maayos na dokumentasyon at mas accessible na serbisyo publiko! 🇵🇭

29/07/2026
27/07/2026
MOBILE CIVIL REGISTRATION SERVICES AT NATIONAL ID REGISTRATION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY BINATAGANMatagumpay ...
27/07/2026

MOBILE CIVIL REGISTRATION SERVICES AT NATIONAL ID REGISTRATION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY BINATAGAN

Matagumpay at magkatuwang na isinagawa ng PSA-PhilSys National ID Team at ng Tanggapan ng Municipal Civil Registrar ng Basud, sa pamumuno ni Municipal Civil Registrar Arnilo A. Barrameda, ang National ID Registration at Mobile Civil Registration Services sa Barangay Binatagan.

Layunin ng gawaing ito na mailapit sa mga mamamayan ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan na may kaugnayan sa civil registration at pagkakakilanlan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang pagpaparehistro ng kapanganakan, pagtanggap ng aplikasyon para sa mga dokumento mula sa PSA, pagproseso ng mga petisyon para sa pagtutuwid ng mga maling impormasyon sa birth at marriage records, pagpapalista para sa programang Libreng Kasal (Kasalang Bayan), at iba pang serbisyong may kaugnayan sa katayuang sibil ng bawat mamamayan. Kasabay rin nito ang pagpaparehistro para sa National ID, bilang bahagi ng layuning mabigyan ang bawat residente ng opisyal na pagkakakilanlan.

Ang mga serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na paghahatid ng dekalidad at maaasahang serbisyo publiko sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Shunn Frederick S. Davoco at ng Sangguniang Bayan ng Basud, sa pangunguna ni Vice Mayor Ramir A. Barrameda.

Taos-pusong pasasalamat sa Binatagan Barangay Council sa kanilang buong suporta at pakikiisa na naging daan upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, mas maraming mamamayan ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng wastong dokumentasyon at legal na pagkakakilanlan.

Address

Ground Floor, Basud Municipal Hall, Poblacion 2
Basud
4608

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Civil Registrar's Office - Local Government Unit of BASUD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share