Bahay Pag-asa ng Batangan

Directions

Bahay Pag-asa ng Batangan Isa rin itong plataporma para marinig ang iyong mga boses, reaksyon, at opinyon. Mga posts o comments na ipinagbabawal sa page na ito.

A Level 2 DSWD-accredited residential care facility that operates 24/7 to provide comprehensive rehabilitation program and services for male Children in Conflict with the Law (CICL) of Batangas Province

Main FB Page: Batangas PSWDO Kami, sa BP Batangas ay naglalayong ipaalam sa publiko ang mga adbokasiya ng Juvenile Justice, mga patakaran, at mga balita at impormasyon na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act. Gayunpaman, nagtakda kami ng ilang kondisyon para magkaroon tayo ng maayos at produktibong talakayan. Pakitandaan na aalisin namin ang mga posts at/o komento ng mga users na hindi susunod sa patakaran. Nakakasakit o Mapanira na mga posts/comments - Nakakainsulto, mapanirang-puri, mapang-abuso, o mapanirang komento laban sa sino mang indibidwal o grupo. Ang mga mapanirang komento tungkol sa mga bagay tulad ng relihiyon, kasarian o pagkakakilanlan ay hindi papahintulutan

Pornograpiko o Malalaswang mga nilalaman

Paglalantad ng mga confidential na impormasyon o pagkikilanlan ng aming mga CICL (Children in Conflict with the Law)

Mga hindi naangkop na mga impormasyon, pagbebenta ng mga produkto o pagsusulong ng mga bagay o adhikain na walang kinalaman sa aming tanggapan

Maraming Salamat. BP Batangas Social Media Team

Noong ika-26 ng Oktubre, nagsagawa ng Outreach Program ang Canossa Academy of Lipa, Inc., sa pangunguna ng Section St. E...
27/10/2026

Noong ika-26 ng Oktubre, nagsagawa ng Outreach Program ang Canossa Academy of Lipa, Inc., sa pangunguna ng Section St. Elizabeth, para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.

Sinimulan ang gawain sa pagpapakilala ng mga mag-aaral sa kanilang patron na sinundan ng mga masasayang palaro, pakikisalamuha sa mga residente, at munting salu-salo. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral at residente na magsama-sama, magkuwentuhan, at magbahagi ng masasayang sandali.

Nagpapasalamat ang Multi-Disciplinary Team ng Bahay Pag-asa ng Batangan sa Canossa Academy of Lipa, Inc. sa pangunguna ng Section St. Elizabeth, sa oras, pagsisikap, at malasakit na kanilang ipinakita sa mga residente. Ang ganitong mga pagbisita ay malaking bagay upang maramdaman ng mga kabataan ang suporta at pakikiisa ng komunidad sa kanilang patuloy na pagbabago at pag-unlad.



Ngayong ika-18 ng Oktubre, nagsagawa ang Jesus Our Abundant Life ng Guitar Lessons para sa mga residente ng Bahay Pag-as...
18/10/2026

Ngayong ika-18 ng Oktubre, nagsagawa ang Jesus Our Abundant Life ng Guitar Lessons para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.

Layunin ng aktibidad na ito na malinang ang talento at kakayahan ng mga residente sa larangan ng musika, gayundin ang mahikayat silang tuklasin ang kanilang mga interes, mapaunlad ang kanilang tiwala sa sarili, at magamit ang musika bilang isang positibong paraan ng pagpapahayag ng damdamin.

Ang mga ganitong programa ay nagbibigay ng makabuluhang pagkakataon sa mga residente na matuto, malinang ang kanilang mga talento, at magkaroon ng mga positibong karanasan na makatutulong sa kanilang personal na pag-unlad.

Ang mga aktibidad na ito ay patuloy na isinasagawa sa ilalim ng paggabay ng Center Head, Ms. Ailyn L. Araño, RSW, at sa pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW.



Ngayong araw, ika-17 ng Oktubre, muling nagkaroon ng Spiritual Formation para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batan...
17/10/2026

Ngayong araw, ika-17 ng Oktubre, muling nagkaroon ng Spiritual Formation para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan sa pangunguna ng Missionary Family of Christ.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na naipapaalala sa mga residente ang kahalagahan ng pananampalataya, paggawa ng mabuti, at pagsasabuhay ng mga aral ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Lubos ang pasasalamat ng Bahay Pag-asa ng Batangan sa Missionary Family of Christ sa patuloy na paglalaan ng oras at pagbabahagi ng Salita ng Diyos sa ating mga residente.



Ngayong araw, ika-17 ng Oktubre, muli nagsagawa ng aktibidad ang Good Shepherd Baptist para sa mga residente ng Bahay Pa...
17/10/2026

Ngayong araw, ika-17 ng Oktubre, muli nagsagawa ng aktibidad ang Good Shepherd Baptist para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.

Sinimulan ang gawain sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, na sinundan ng friendly basketball game at board game. Naging pagkakataon ito upang magsama-sama ang mga residente, makipagkaibigan, at magkaroon ng masayang samahan.

Taos-pusong pasasalamat ang Multi-disciplinary Team ng Bahay Pag-asa ng Batangan sa Good Shepherd Baptist sa patuloy na pagbibigay ng oras at suporta para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.



Pagpapalakas sa mga Kabataan Tungo sa Gender and DevelopmentIsinagawa noong ika-15 at 16 ng Oktubre ang dalawang araw na...
16/10/2026

Pagpapalakas sa mga Kabataan Tungo sa Gender and Development

Isinagawa noong ika-15 at 16 ng Oktubre ang dalawang araw na Gender Sensitivity Training para sa mga residente at Multi-Disciplinary Team (MDT) ng Bahay Pag-asa ng Batangan. Naging tagapagsalita sa pagsasanay si Mr. Mark Francis P. Donato, Director of Gender Equality and Development ng Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo. Tinalakay sa pagsasanay ang Gender and Development, Values Formation, Leadership, at Mental Health Awareness, na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, paggalang sa kapwa, at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng bawat isa.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Vilma Santos-Recto at sa pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, Department Head, na isulong ang kapakanan, pag-unlad, at pantay na pagtingin sa bawat kabataan.



Ngayong araw, ika-13 ng Oktubre, isinagawa ang Quarterly Medical and Dental Check-Up para sa mga residente at miyembro n...
13/10/2026

Ngayong araw, ika-13 ng Oktubre, isinagawa ang Quarterly Medical and Dental Check-Up para sa mga residente at miyembro ng Multi-Disciplinary Team ng Bahay Pag-asa ng Batangan sa pangunguna ng Provincial Health Office. Layunin ng gawaing ito na masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng bawat residente at matiyak na natutugunan ang kanilang mga pangangailangang medikal.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga kabataan. Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Vilma Santos-Recto at sa pamamagitan ng PSWDO sa pangangasiwa ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, patuloy ang pagbibigay ng suporta sa mga programang nagtataguyod ng maayos na kalusugan at pangangalaga sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.

Maraming salamat sa Provincial Health Office sa patuloy na pakikiisa at pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabataan.



Noong ika-4 ng Oktubre, nagsagawa ng Basic Sketching and Oil Pastel Workshop ang Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura...
05/10/2026

Noong ika-4 ng Oktubre, nagsagawa ng Basic Sketching and Oil Pastel Workshop ang Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura, Inc. (BAGSIK) para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong mabigyan ang mga residente ng pagkakataong maipahayag ang kanilang pagkamalikhain at sarili sa pamamagitan ng sining, gayundin ang malinang ang kanilang mga kasanayan, pasensya, konsentrasyon, at tiwala sa sariling kakayahan. Naging makabuluhan din itong pagkakataon para sa mga residente na matuto ng mga pangunahing kaalaman sa sketching at paggamit ng oil pastel sa isang masaya at malikhaing paraan.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng BAGSIK, sa pakikipagtulungan at suporta ng Shakey’s Batangas - Diversion Road at Luis Bakery, na nagpaabot ng kanilang tulong at suporta para sa kapakinabangan ng mga residente.

Ang mga ganitong programa ay patuloy na isinasagawa sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, at pag gabay ng Center Head, Ms. Ailyn L. Araño, RSW bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng mga makabuluhang programa at aktibidad para sa holistic na pag-unlad ng mga residente ng Bahay Pag-asa.



Ngayong ika-1 ng Oktubre, nagsagawa ng Life Skills Intervention Session tungkol sa Emotions and Stress Management ang mg...
01/10/2026

Ngayong ika-1 ng Oktubre, nagsagawa ng Life Skills Intervention Session tungkol sa Emotions and Stress Management ang mga Field Instruction (F.I.) Students ng St. Bridget College para sa mga residente ng Bahay Pag-asa.

Ang aktibidad na ito ay bilang tugon sa ginawang Training Needs Assessment sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan at naglalayong makatulong sa mga residente na mas maunawaan at mapamahalaan ang kanilang emosyon at stress, gayundin ang patuloy na paglinang ng kanilang kaalaman, kasanayan, at mabuting pag-uugali habang sila ay nasa Center.

Ang mga ganitong programa ay patuloy na isinasagawa sa ilalim ng paggabay ng Center Head, Ms. Ailyn L. Arano, RSW, at sa pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, Department Head.



PAMILYA: KASAMA SA PAGHUBOG NG LIGTAS AT MATATAG NA BATA 💙👨‍👩‍👧‍👦Ngayong ika-29 ng Setyembre, ipinagdiwang ng Bahay Pag-...
29/09/2026

PAMILYA: KASAMA SA PAGHUBOG NG LIGTAS AT MATATAG NA BATA 💙👨‍👩‍👧‍👦

Ngayong ika-29 ng Setyembre, ipinagdiwang ng Bahay Pag-asa ng Batangan ang Family Day na may temang “Families, Equalities and Child Wellbeing” o “Pamilya, Pagkakapantay-pantay, at Kapakanan ng Bata.”

Sinimulan ang programa sa talakayan tungkol sa Safe Spaces Act, Anti-Sexual Harassment Act of 1995, at Anti-Bullying Act of 2013, na pinangunahan nina Atty. Roelito C. Garcia at Atty. Ben John A. Maralit ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Batangas Chapter.

Sinundan ito ng Legal Consultation, kung saan nakapagtanong at nakatanggap ng gabay ang mga residente at kanilang pamilya hinggil sa iba’t ibang usaping legal.

Nagkaroon din ng salo-salo, family bonding, at socialization upang mapalalim ang ugnayan ng mga residente at kanilang pamilya at makalikha ng masasayang alaala.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, PGDH-PSWDO, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapakanan, proteksyon, at pag-unlad ng mga batang nasa pangangalaga ng Bahay Pag-asa ng Batangan.



Sa patuloy na pagbibigay ng spiritual formation para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan, nakiisa ang Good She...
26/09/2026

Sa patuloy na pagbibigay ng spiritual formation para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan, nakiisa ang Good Shepherd Baptist ngayong araw, ika-26 ng Setyembre.
Sinimulan ang gawain sa pagbasa ng Bibliya, na sinundan ng pagbabahagi ng mensahe at pangangaral mula sa Salita ng Diyos.

Sa pamamagitan ng ganitong gawain, nabibigyan ang mga residente ng pagkakataong mapalalim ang kanilang pananampalataya, matuto ng mga aral mula sa Salita ng Diyos, at maisabuhay ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.



Address

Provincial Sports Complex, Bolbok
Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bahay Pag-asa ng Batangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services