Cong. Beverley Rose A. Dimacuha

Directions Website Contact the organization

Cong. Beverley Rose A. Dimacuha "Cong BRAD kita, SAGOT kita"
Representative, 5th District of Batangas

Happy Birthday Cong. Beverley Rose A. Dimacuha & Mayor Marvey A. Mariño! 💚🎂
03/10/2026

Happy Birthday Cong. Beverley Rose A. Dimacuha & Mayor Marvey A. Mariño! 💚🎂

Gov Vi and Ako, LUV namin kayo! 💙💚
28/09/2026

Gov Vi and Ako, LUV namin kayo! 💙💚

Huling araw na po ng plenary debates para sa 2027 General Appropriations Bill sa Kamara de Representante. 🇵🇭Ngayong Sety...
26/09/2026

Huling araw na po ng plenary debates para sa 2027 General Appropriations Bill sa Kamara de Representante. 🇵🇭

Ngayong Setyembre 25, 2026, patuloy po tayong nakikibahagi sa talakayan at pagsusuri sa ating pambansang budget. Bawat tanong at panukala po ay mahalaga upang matiyak na ang pondo ng bayan ay mapupunta sa mga programang tunay na makatutulong sa ating mga kababayan.

PAALALA SA PUBLIKO:Pormal nang napirmahan ang Republic Act No. 12326 at isa na itong ganap na batas. Itinatakda nito ang...
25/09/2026

PAALALA SA PUBLIKO:
Pormal nang napirmahan ang Republic Act No. 12326 at isa na itong ganap na batas. Itinatakda nito ang limang (5) taong termino ng panunungkulan ng Barangay Officials at Sangguniang Kabataan (SK) Members. Ang Barangay at SK Elections ay magsisimula sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.
Maging updated at alamin ang mga probisyon ng bagong batas.

Patuloy ang pagsasagawa ng drainage system sa kahabaan ng Palico-Balayan-Batangas Road, na mas kilala sa bansag na Lawas...
24/09/2026

Patuloy ang pagsasagawa ng drainage system sa kahabaan ng Palico-Balayan-Batangas Road, na mas kilala sa bansag na Lawas ng mga taga-Lungsod ng Batangas. Ang proyektong ito ay inaasahang makumpleto pagdating ng Disyembre ng taong ito. Inaasahan na maiibsan ang pagbaha sa naturang lugar pag nagawa na ito kasama ang iba pang flood management projects ng DPWH.

Sisimulan na rin ngayong Septyembre ang pagsasaayos ng drainage system sa Manila - Batangas Pier Road na kung saan nakapaloob ang intersection ng DJPMM Access Road at Rizal Avenue at malapit sa Batangas State University. Layunin ng proyektong ito na mapabilis ang daloy ng tubig baha mula sa lugar na ito papunta sa outfall ng Santa Clara Creek. Kasabay din nito ang panukalang proyekto ng Lungsod ng Batangas na magkaron din ng outfall sa Calumpang River. Dahil komplikadong gawain ang kinakailangan sa “catchment basin” na ito, tinatayang aabot ng sampung buwan ang pag gawa nito ayon sa DPWH.

Ang mga proyektong ito ay iminungkahi na maipasok sa 2026 General Appropriations Act ni Cong. Beverley Rose A. Dimacuha noong binabalangkas ang budget noong nakaraang taon sa Kamara de Representante pagkatapos konsultahin ang integrated flood management plan ng DPWH at ng Lungsod ng Batangas.

Karagdagang Free Skills Training Opportunity!  25 Slots para sa Caregiving NCII📣Hatid natin ang mga libreng training pro...
23/09/2026

Karagdagang Free Skills Training Opportunity! 25 Slots para sa Caregiving NCII📣

Hatid natin ang mga libreng training programs sa pakikipagtulungan ng TESDA, para makatulong sa dagdag na kasanayan at mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

📍 Para sa inquiries at registration, pumunta lamang sa Congressional District Office ni Cong. Beverley Rose A. Dimacuha sa Xentro Mall, Diversion Road, Batangas City.

📌 Para sa mga Batangas City residents lamang. First come, first served! &SkillsTraining

Cong. Beverley Rose A. Dimacuha taking her turn as Assistant Majority Leader in directing the flow of the Plenary Delibe...
23/09/2026

Cong. Beverley Rose A. Dimacuha taking her turn as Assistant Majority Leader in directing the flow of the Plenary Deliberations on the proposed 2027 General Appropriations Act last Tuesday, September 22 at the House of Representatives.

Nitong nakaraang dalawang linggo, inilunsad ang isa sa pinakamalaking local drainage decongestion at community clean-up ...
21/09/2026

Nitong nakaraang dalawang linggo, inilunsad ang isa sa pinakamalaking local drainage decongestion at community clean-up program sa Lungsod ng Batangas sa pangunguna ni Cong. Beverley Rose A. Dimacuha, na siyang nakalingap ng pondo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para maisagawa ang TUPAD program sa Ika-limang Distrito ng Batangas. Ang CDRRMO, kasama ang mga Civil Society Organizations katulad ng KALIPI, ERPAT at CADRE ang siyang naging benepisyaryo nitong programa para magsagawa ng mga trabahong nabanggit para maibsan ang epekto ng habagat at ng pagbaha na dulot nito.

Ngayong September 11, 2026, nakiisa si Congresswoman Beverley Rose A. Dimacuha, kasama sina Mayor Marvey A. Mariño, Vice...
11/09/2026

Ngayong September 11, 2026, nakiisa si Congresswoman Beverley Rose A. Dimacuha, kasama sina Mayor Marvey A. Mariño, Vice Mayor Allysa Cruz, Batangas City Councilor Claudette Ambida, Team EBD, at mga volunteers, sa taunang Alay Lakad 2026.

Layunin ng Alay Lakad na mapalawak at mapalakas ang suporta para sa mga kabataang nangangailangan ng tulong sa kanilang pag-aaral, gamit ang mga pondong nalilikom mula sa mga donasyon.

Sa bawat hakbang at bawat donasyon, mas maraming kabataan ang nabibigyan ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap.

Driving Toward Safer Roads, One License at a Time! 🚗🛣️Matagumpay na naisagawa ang 4-Day FREE Theoretical Driving Course ...
09/09/2026

Driving Toward Safer Roads, One License at a Time! 🚗🛣️

Matagumpay na naisagawa ang 4-Day FREE Theoretical Driving Course (TDC) and Student Permit Caravan, handog at inisyatiba ni Congresswoman Beverley Rose A. Dimacuha, sa pakikipagtulungan ng LTO Region IV-A CALABARZON. Noong September 5–6, isinagawa ang TDC, medical examination, at iba pang requirements, habang noong September 7–8, isinagawa naman ang releasing ng Student Permits para sa mahigit 500 qualified applicants sa 5th Congressional District Office, Xentro Mall Diversion, Batangas City. Naging maayos at ligtas din ang buong 4-day caravan sa tulong ng mga personnel mula sa Revitalized Pulis sa Barangay, 403rd AMC, at RMFB 4A na nagbigay ng seguridad at assistance sa mga dumalo.

Layunin ng programang ito na makatulong na mabawasan ang bilang ng mga indibidwal na nagmamaneho nang walang lisensya, habang binibigyan sila ng tamang kaalaman at paghahanda tungkol sa responsableng pagmamaneho, road safety, at traffic rules. Isang hakbang tungo sa mas ligtas na kalsada at mas responsableng mga motorista para sa ating komunidad.

Address

Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cong. Beverley Rose A. Dimacuha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cong. Beverley Rose A. Dimacuha:

Shortcuts

Share