Isa sa Ten-point agenda ng ating minamahal na punumbayan Mayor Admiral Art M. Abu na ang "Kabataan ay Gagabayan" kaya naman lubos po ang pasasalamat ng pamunuan ng Sangguniang Kabataan ng San Pioquinto sa palaging pag-gabay at pag-suporta ninyo sa mga programa at layunin na maipakita ang pagkakaisa at malasakit sa bawat isa dito sa ating barangay. Ika nga po ni Mayor ang pondo na ipinagkatiwala ng taumbayan ay nararapat lang na maramdaman ng mamamayan at kami po ay tumatalima dito. Muli po maraming salamat po Mayor โจ๐ซถ๐ป
Ganundin po ang pasasalamat ng aming samahan sa ating butihing punong barangay Kapitan Vic Villanueva at lalo na po sa mga masisipag na Konsehal. Sama sama po tayo sa iisang layunin na makatulong at mapaglingkuran ang ating nasasakupan. โฃ๏ธโจ
Sangguniang Kabataan ng San Pioquinto-Malvar,Batangas
Kabataan ang Bida ng Kinabukasan โจ
22/04/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐พ๐บ
"๐ฝ๐๐๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐, ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ"
Ang panahon ng krisis ay panahon din upang maipakita ang ating pagkakaisa kaya naman nandito ang Sangguniang Kabataan ng San Pioquinto upang maghandog ng isang programa para sa mga tunay na apektado ng pagtaas ng gasolina ang ating mga masisipag na TODA DRIVERS. โจโค๏ธ
Hindi man direkta ang benepisyo sa kabataan ngunit alam po natin na ang mga driver na ito ay may mga anak at kapatid na miyembro ng katipunan ng kabataan kung kaya't magiging kapaki-pakinabang pa rin sa kanila ang munting programang ito. ๐ซถ๐ป
Sa bawat butil ng bigas na ihahandog ng Sangguniang Kabataan ay may dalang pag-asa sa ating mga drivers at nawa'y magdulot ng pagbabago sa ating komunidad. Ngayon ang panahon upang magtulungan at maiparamdam sa ating kapwa na ang pagbibigay ang pinakamahalagang hakbang upang malampasan ang pagsubok na ating kinahaharap. ๐ฉตโฃ๏ธ
Mabuhay ang Sangguniang Kabataan,
Mabuhay ang Barangay San Pioquinto ๐ฅณ
31/03/2026
OFFICIAL ANNOUNCEMENT ๐ฃ๐ฃ
In light of the declaration of a State of National Energy Emergency under Executive Order No. 110, s. 2026, issued by President Ferdinand R. Marcos Jr., all scheduled activities for Bb. San Pioquinto 2026 are hereby CANCELLED.
This decision is made in support of the governmentโs directive to conserve energy and ensure the stability of essential services amid the ongoing energy crisis affecting the country.
We ask for the understanding and cooperation of all participants, organizers, and supporters. Further updates regarding rescheduling or alternative arrangements will be announced once the situation improves. Thank you for your continued support and cooperation.
30/03/2026
Isang espesyal na araw ng pagtatapos para sa mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng San Pioquinto ๐๐
Lagi po ninyong kaagapay ang Sangguniang Kabataan sa mga magagandang adhikain para hubugin ang ating mga kabataan sa kanilang determinasyon sa pag-aaral. Ang Sangguniang Kabataan Academic Excellence Awardee ay sumisimbolo sa pagsuporta ng inyong lingkod sa mga batang nagpakita ng kanilang husay at dedikasyon sa pag-aaral. Kalakip ng pagkilalang ito ang sertipiko, medalya at pinansyal na insentibo para sa kanilang natatanging husay. ๐๐
Mabuhay ang Kabataan ng ating barangay! โค๏ธ
15/03/2026
CLEAN AND GREEN (March 15, 2026) ๐๐
โIsang makabuluhang araw para sa aming komunidad!"๐ฟ๐ง
Matagumpay at makabuluhang programa ng paglilinis sa San Juan River ang isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng San Pioquinto kasama ang Sangguniang Barangay kabilang si Konsehal Queencie Balita na may hawak ng committee on Environment at Konsehal Oping Gonzales, BPSO at ang mga kabataan ng komunidad. Sa sama-samang pagkilos, naipakita natin ang malasakit sa kalikasan at sa ating komunidad. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! ๐โจโ
Patuloy nawa nating pangalagaan ang ating kalikasan para sa ikakaunlad ng ating bayan. ๐
09/03/2026
๐ฟ Kabataan, tayo na para sa kalikasan! ๐ฟ
Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na makiisa sa River Clean-Up Drive sa San Juan River sa Kapitan Mariangayong March 15, 2026.
Sama-sama nating linisin at pangalagaan ang ating ilog para sa mas malinis, mas ligtas, at mas magandang komunidad.
Hindi lang ito simpleng paglilinisโito ay pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at sa ating kinabukasan. ๐
๐
Petsa: March 15, 2026๏ฟฝ๐ Lugar: San Juan River, Kapitan Maria๏ฟฝ๐ฅ Inaanyayahan: Lahat ng kabataan na gustong tumulong at makibahagi
Magdala ng sigla, kaibigan, at malasakit sa kalikasan!๏ฟฝAng maliit na aksyon ng bawat isa ay malaking pagbabago para sa ating ilog. ๐ฑ
16/02/2026
ษชแดแดแดษชแดแด แดษดษข ษชสแดษดษข สแดแดแด๊ฑ, แดแดสษชษดแด แดแด แดแดษดษชษดษชษดแด
ษชษขแดษด แดแดสแด ๊ฑแด สแดสแดษด.
"๐๐๐๐๐ฃ๐๐๐, ๐ฃ๐๐จ๐ ๐๐." ๐ซถ๐ป
Bilang kabataan, mahalaga ang ating papel dahil tayo ang may lakas, bagong pananaw, at malasakit para sa pagbabago. Sa pamamagitan ng pagpaparehistro, ipinapakita nating handa tayong makilahok, makialam, at manindigan para sa mga isyung mahalaga sa atin.
Ang isang pirma sa rehistro ay katumbas ng isang boses na may kapangyarihang pumili ng tama, managot ang mali, at magtaguyod ng mas maayos na kinabukasan. Kaya huwag nang mag-atubiliโmagparehistro na sa Commission on Elections at maging bahagi ng pagbabagong nais mong makita. ๐ณ๏ธโจ
FEBRUARY 19, 2026 - BRGY. HALL OF SAN PIOQUINTO ๐
12/02/2026
๐๐ต๐ฒ๐ท๐ผ๐พ๐ท๐ธ๐ญ ๐ผ๐ช ๐ถ๐ช๐ท๐ญ๐ช๐ฝ๐ธ ๐ท๐ฐ ๐ข๐ช๐ต๐ฒ๐ฐ๐ช๐ท๐ฐ ๐๐ช๐ฝ๐ช๐ผ ๐ซ๐ฒ๐ต๐ช๐ท๐ฐ 10742 o ๐ข๐ช๐ท๐ฐ๐ฐ๐พ๐ท๐ฒ๐ช๐ท๐ฐ ๐๐ช๐ซ๐ช๐ฝ๐ช๐ช๐ท ๐ก๐ฎ๐ฏ๐ธ๐ป๐ถ ๐๐ฌ๐ฝ ๐ธ๐ฏ 2015, ๐ฒ๐ผ๐ฒ๐ท๐ช๐ผ๐ช๐ฐ๐ช๐๐ช ๐ช๐ท๐ฐ ๐๐ ๐๐ป๐ธ๐ฏ๐ฒ๐ต๐ฒ๐ท๐ฐ ๐ซ๐ฒ๐ต๐ช๐ท๐ฐ ๐ซ๐ช๐ฑ๐ช๐ฐ๐ฒ ๐ท๐ฐ ๐น๐ช๐ฐ๐น๐ช๐น๐ช๐ฑ๐ช๐ต๐ช๐ฐ๐ช ๐ผ๐ช ๐น๐ช๐ป๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ฒ๐น๐ช๐ผ๐๐ธ๐ท ๐ช๐ฝ ๐ฝ๐ช๐ถ๐ช๐ท๐ฐ ๐ป๐ฎ๐น๐ป๐ฎ๐ผ๐ฎ๐ท๐ฝ๐ช๐ผ๐๐ธ๐ท ๐ท๐ฐ ๐ด๐ช๐ซ๐ช๐ฝ๐ช๐ช๐ท๐ฐ ๐ท๐ช๐ผ๐ช๐ผ๐ช๐ด๐พ๐น๐ช๐ท. ๐ธ
Para sa mga kabataan ng Barangay San Pioquinto na may edad 15-30 yrs old, Sagutan ang KK Profiling at makibahagi sa pagbuo ng mas inklusibo at makabuluhang proyekto para sa ating barangay. ๐ซถ๐ป๐โจ
Maging bahagi ng datos na magsisilbing basehan ng mga programa at proyekto para sa atin.
Sama-sama tayo sa paghubog ng mas aktibong kabataan! ๐งโ๐งโ๐ง๐ข
๐ธ๐๐ ๐๐ช๐ ๐๐ ๐๐ ๐ค๐๐ค, ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ธ๐๐ ๐๐ช๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ค, ๐๐๐ช ๐ค๐๐๐๐.
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSePirT0OCEmOAMw_4DTVdE6ZCLuHYiT2Z-13G0ALjjeDg93DA/viewform?usp=publish-editor
24/01/2026
Sama-sama po nating tunghayan kung sino ang kokoronahan bilang Queen of Queens 2026. ๐โค๏ธ
Halina't makisaya at bigyang kulay natin ang kapistahan ng Sitio Kapitan Maria! ๐
Sa pangunguna ng ating LGBTQIA+ San Pioquinto na si President Joey A. Tala at Sir John Carlo E. Bisarez, Lpt. at sa suporta ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Vicente Villanueva at lahat ng bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng San Pioquinto! โจ
24/01/2026
Isang maligayang pagbati ng kapistahan Sitio Kapitan Maria ๐ฅณ๐ซถ๐ป
08/01/2026
Magandang umaga mga ka-barangay! Atin pong sama-samang suportahan ang ating kandidata ng Bb. Malvar 2026 sa darating na Enero 9, 2026 sa ganap na ika-6:00 ng hapon sa Malvar Sports Arena! ๐ฅณโค๏ธ
Go Rinzen Chrystal Pioquid! ๐ฅณ Bring home the crown ๐
๏ฟฝ 4-DAYS COUNTDOWN ๏ฟฝ
The queens are set to slay. The crowns are ready to be claimed!
This is more than a pageantโitโs a celebration of beauty, talent, and pure Malvar pride! ๏ฟฝ๏ฟฝ
17/12/2025
Sa pagdiriwang ng Pasko, ang Sangguniang Kabataan ay naglulunsad ng isang makabuluhang programa upang bigyan ng saya at pag-asa ang ating mga kabataan. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng kasiyahan para sa mga bata. ๐ฅณ๐
Kami ay naniniwala na ang Pasko ay isang panahon ng pag-ibig, pag-asa, at pagkakaisa. Sa pamamagitan ng programang ito, nais naming ipakita ang ating pagmamahal at suporta sa ating mga kabataan. ๐
Kaya't tara na makilahok at makisaya sa gaganaping "Paskuhan ng Kabataan 2025" sa purok riles, Disyembre 20 sa ganap na ika 4:00 ng hapon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Batangas City
