27/05/2026
‼️‼️‼️🎉 Papalapit na ang masaya at makulay na Fiesta ng Barangay! 🎊‼️‼️‼️
Inaanyayahan po namin ang lahat na suportahan ang INDAK SALIW DANCE GROUP ngayong June 13, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating kapistahan. 💃🕺
Taos-pusong pasasalamat sa buong Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan sa walang sawang suporta sa mga programa at talento ng ating barangay. Gayundin, sa mga magulang sa suporta sa bawat ensayo, sakripisyo, at pag-unawa.
Lalo’t higit na pasasalamat sa aming mahusay na choreographer na si John Lenard Cueto sa kanyang dedikasyon at husay sa paggabay sa grupo.
Sama-sama nating ipagdiwang ang fiesta na puno ng saya, talento, at pagkakaisa! ✨🎶
26/05/2026
Taos-pusong pasasalamat sa Office of the City Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Felicito D. Sawali para sa matagumpay na "Anti-Rabies Vaccination" dito sa ating barangay.
Nabakunahan ang kabuuang 219 a*o at 68 pusa bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at serbisyo! 🐶🐱💉
26/05/2026
Para sa lider na may malasakit, sipag, at tunay na serbisyo publiko — ibigay po natin ang ating suporta sa ating Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan
Paki-click po ng mismong photo, then saka po i-like & share, para ma-count po ang inyong vote.
Maraming Salamat Po!
LET THE VOICE OF THE PEOPLE BE HEARD! 🇵🇭
The Philippine Leaders Award 2025 is now open for nominations!
This prestigious recognition honors CEOs, Entrepreneurs, and Public Servants whose stories of hope, inspiration, and contribution to the nation have created lasting impact in their communities and beyond.
If the negative feedback is found to be valid, credible, and with sufficient basis, the nominee will be automatically removed from the list of official nominees
Voting System (Engagement-Based)
👍 Like = 1 Vote
🔁 Share = 2 Votes
Celebrate those who lead with compassion, integrity, and vision — the men and women who prove that true leadership begins with service.
📝 Submit your nomination here: forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8
🗓️ Deadline for Nomination: August 20, 2026
📍 Venue: Centennial Hall, The Manila Hotel
Let’s honor the stories that inspire and the leaders who bring hope to our nation.
https://forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8
25/05/2026
Flag Raising Ceremony
May 25, 2026
Barangay MAHABANG PARANG
25/05/2026
‼️‼️UPDATE - Anti-rabies Vaccination ‼️‼️
Para sa kaligtasan ng ating mga alagang a*o at pusa, narito po ang iskedyul ng Anti-Rabies Vaccination bawat Sitio.
📌 SITIO SCHEDULE:
Sitio 1 – Sulok (likod ng chapel)
Sitio 2 – Old Court
Sitio 3 – Covered Court
Sitio 4 – Dhorie Dimaunahan
Sitio 5&6 - Likod ng Barangay Hall
Sitio 7 - Delia Guda
22/05/2026
FLORES DE MAYO: TAPUSAN 2026 💐✨
Buong-puso po naming inaanyayahan ang buong barangay na makiisa sa pagtatapos ng ating isang buwang debosyon sa gaganaping Flores de Mayo: Tapusan 2026.
Magsama-sama po tayo sa panalangin, pananampalataya, at pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob sa ating mga pamilya.
📍 Saan: Alliance of the Two Hearts Chapel
(Brgy. Mahabang Parang, Batangas City)
📅 Kailan: Mayo 31, 2026 (Linggo)
⏰ Call-time: 3:00 PM
⛪ Simula ng Prusisyon: 4:00 PM
👑 MAHALAGANG PAANYAYA PARA SA MGA BATA: 👑
Inaanyayahan po namin ang mga bata sa ating prosisyon sa Tapusan!
Ipinapaalala po namin na hindi po pinahihintulutang sumama ang mga bata sa ating darating na prosisyon para sa Fiesta, kaya naman ito na ang opisyal na pagkakataon para sila ay makapag-alay ng bulaklak at makasama sa prusisyon. 🌸👶👧
21/05/2026
‼️‼️‼️📢 MAHALAGANG ANUNSYO 📢‼️‼️‼️
Para po sa mga may hawak ng voucher na na-KYC na hindi pa nakakatanggap ng kanilang bigas, maaari na po kayong magtungo sa Barangay Hall upang ito ay makuha.
Pakidala lamang po ang inyong voucher para sa maayos na pagkuha.
Maraming salamat po.
20/05/2026
Mula po sa mamamayan ng Barangay Mahabang Parang... maraming maraming salamat po💚
20/05/2026
‼️‼️‼️ ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️
🐶🐱 “Healthy Pets, Safe Community!” 🐱🐶
Magkakaroon po ng Anti-Rabies Vaccination sa:
📅 May 26, 2026
⏰ 8:00 AM
📍 At the back of our Barangay Hall
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dalhin ang kanilang mga alagang hayop para sa libreng bakuna kontra rabies. 💉🐾
19/05/2026
‼️‼️‼️ PAMAMAHAGI NG 10KG RICE ‼️‼️‼️
📅 MAY 20, 2026
🕣 8:30 AM
📍 MAHABANG PARANG MULTI-PURPOSE COVERED COURT
👉Pakihintay lang po ng mga Kagawad na namamahagi ng voucher sa bawat Sitio
REMINDER:
📌 Dalhin ang voucher at valid ID
📌 Para po ito sa mga HOUSEHOLD HEAD na nakapag-KYC.
📌 Para po sa mga REPRESENTATIVE ng household na nakapag-KYC. (Ibibigay nila ang bigas sa kanilang nirepresenta)
📌 Para po sa mga may hawak ng voucher na hindi makakapunta sa nasabing schedule, maaaring magpadala ng representative. Siguraduhing dala ang valid ID ng kukuha at ng ikukuha
📌 Ang mga FUNCTIONARIES ng barangay na nakakuha na ng bigas, ay hindi na muling nakakakuha bukas.
Maraming salamat po!