PWD Organization of San Jose Sico, Batangas City

PWD Organization of San Jose Sico, Batangas City

Share

Persons with Disabilities Page

Photos from Barangay San Jose Sico, Batangas City's post 06/10/2025
Photos from PWD Organization of San Jose Sico, Batangas City's post 24/01/2025

PWD Christmas Party 2024


Noong ika 21 ng Disyembre, 2024 ay idinaos ang Christmas party ng samahan ng mga PWD at Senior Citizen sa Barangay San Jose Sico, Batangas City.

Naging matagumpay ang programang ito dahil sa pagtutulungan at pangunguna ng ating Sangguniang Barangay.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng ating sponsor, mga opisyales at miyembro ng ating samahan.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Photos from PWD Organization of San Jose Sico, Batangas City's post 06/12/2024

Pormal na Anunsyo para sa mga PWD ng Brgy. San Jose Sico

Magandang araw po sa lahat ng miyembro ng ating PWD community!

Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa Registration at Profiling Campaign para sa mga PWDs na magaganap sa Disyembre 10, 2024, sa Multipurpose Hall (katabi ng Barangay Hall) simula 8:30 ng umaga. Libre din po ang Physical Therapy services na maibibigay sa araw na ito.

Bukod dito, narito rin po ang proseso para sa pagkuha ng PWD ID, Senior ID, at PhilHealth ID:
1. Pagkuha ng Form – Bisitahin ang Barangay Hall o PWD Organization Office para sa application form at listahan ng requirements.
2. Paghahanda ng Mga Dokumento – Siguraduhing kumpleto ang mga dokumentong hinihingi tulad ng birth certificate, medical certificate, at 1x1 ID picture (para sa PWD ID).
3. Pag-submit ng Form – Dalhin ang mga napunan na form at requirements kay Sir Angelito o sa iba pang opisyal ng PWD Organization.
4. Pagproseso ng Dokumento – Ang Barangay Councilor ang maghahanda ng inyong mga dokumento para isumite sa gobyerno.
5. Pagkuha ng ID – Hintayin ang abiso mula sa Barangay o PWD Organization kung kailan maaring kunin ang inyong ID.

Para po sa iba pang katanungan o impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa opisina ng ating PWD Organization.
Maraming salamat po, at umaasa kaming makasama kayong lahat sa ating mga gawain!

– CBR Program, College of Allied Medical Professions – LPU-Batangas

15/03/2024

Ay siyang tunay naman nga po!
DIOS lng ang dapat katakutan ng mga tao.

15/03/2024

Tama po Amen.

14/03/2024

Tama po.Ang dapat po nating ipagmalaki ay ang DIOS, na syang nagkaloob ng lahat na meron tayo.Lalo na po ang buhay na patuloy na ipinahihiram sa bawat isa po sa atin.

04/03/2024

Tunay po! Walang bagay na hindi alam ang DIOS sa bawat puso at isipan ng mga tao.

Photos from PWD Organization of San Jose Sico, Batangas City's post 23/12/2023

Matagumpay na naidaos ang Christmas Party ng mga PWD ngayong araw, ika - 23 ng Disyembre, 2023.

Ang PWD Organization ng San Jose Sico ay taos pusong nagpapasalamat sa bawat isa na tumulong, nakibahagi at nakisaya sa pagdiriwang na ito kabilang na ang ating mga masisipag na KONSEHAL ng Sangguniang Barangay at PWD OFFICERS at MEMBERS.

Special Thanks sa ating mga Sponsor 🙂🙏

• Punong Brgy. Edwin Perez
• Mr. Jose Rizal Tejada
• San Jose Sico Landfill Multi-purpose Cooperative
• Zumba sa Cumba
• RM Tejada Construction
• TETR Construction
• Tricon Builders
• SK Chairman Sherwin Tejada
• ARC Rizalyn Tejada

Maraming maraming salamat at Maligayang Pasko.

22/12/2023

Tama po...

04/12/2023

Maligayang Pasko po 🌲🌲🌲.

Sa darating na December 23, Sabado ay magkakaroon po ng Christmas Party ang mga PWD sa Multi - Purpose Hall ng San Jose Sico.
Ito ay magsisimula sa ganap na ika-1 ng hapon.

Sa mga karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga PWD Officers.

Maraming salamat po.

04/12/2023

Our representative, Ms. Myra Nava attending the 2024 Annual SDMP Planning of Republic Cement with other Stakeholders @ Ka Sebbya Restaurant last November 21, 2023.

Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


San Jose Sico
Batangas City
4200