18/07/2026
HAPPY SUNDAY | ARAW NG PASASALAMAT
Sa gitna ng ating mga gawain at mga hamon sa buhay, huwag nating kalimutang huminto sandali at magpasalamat.
✔Magpasalamat sa panibagong umaga.
✔ Magpasalamat sa ating pamilya.
✔ Magpasalamat sa mabuting kalusugan.
✔ Magpasalamat sa mga taong laging handang umalalay.
✔ At higit sa lahat, magpasalamat sa bawat pagkakataong maging mabuting tao sa ating kapwa.
Ang pusong marunong magpasalamat ay pusong puno ng pag-asa. Nawa'y maging payapa, masaya, at puno ng biyaya ang inyong Linggo.
Mula sa BeTHER Barangay, isang mapagpalang araw sa ating lahat!
17/07/2026
Handa na ba ang lahat para sa isa na namang makulay at masayang pagdiriwang ng ika-57 Anibersaryo ng Batangas City? Mula Hulyo 04 hanggang 23, iba't ibang aktibidad ang naghihintay, mga paligsahan, environmental events, food bazaar, cultural showcases, parade, at ang inaabangang Street Party. Planuhin na ang inyong pagpunta at sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaisa at pag-unlad ng ating lungsod.
I-save ang calendar na ito at i-share sa inyong pamilya at mga kaibigan para wala kayong mamiss na mga kaganapan. Kita-kits sa Sublian Festival 2026!
16/07/2026
❤️ Health is Wealth! ❤️
Ang pinakamagandang puhunan ay ang malusog na pangangatawan at isipan. Magsimula sa simpleng hakbang. Kumain ng masustansya, mag-ehersisyo, uminom ng sapat na tubig, at maglaan ng oras sa pamilya.
Sama-sama nating isulong ang isang mas malusog at mas masayang Barangay Tinga Itaas!
15/07/2026
𝐓𝐡𝐞𝐫𝐁𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐓𝐡𝐫𝐨𝐰𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲
Hindi lahat ng proyekto ay kailangang malaki para magkaroon ng malaking epekto.
Sa BeTHER Barangay, naniniwala tayo na ang bawat proyektong nakatutulong sa komunidad ay isang hakbang tungo sa mas maunlad na kinabukasan. At patuloy nating pagbubutihin ang paglilingkod na may malasakit, katapatan, at tunay na aksyon.
14/07/2026
KASANAYAN NGAYON, MAS MAUNLAD NA KINABUKASAN BUKAS!
Ngayong World Youth Skills Day, ipinaaalala natin na ang bawat bagong kasanayan ay isang hakbang tungo sa mas maraming oportunidad. Ang edukasyon, pagsasanay, at patuloy na pagkatuto ang susi sa pag-unlad ng ating kabataan at ng buong komunidad.
Mga taga-Tinga Itaas! Kung naghahanap kayo ng pagkakataong matuto at mag-upskill, may inihandang oportunidad para sa inyo. Basahin at i-check ang detalye rito: https://www.facebook.com/share/p/1EDEDpTtw9/
Ang bawat natututunan ngayon ay puhunan para sa tagumpay ng kinabukasan.
13/07/2026
Happy Tuesday, Tinga Itaas! Tulad ng mga kabuteng unti-unting tumutubo, ang bawat maliit na mabuting gawa ay nagdudulot ng malaking pagbabago. Patuloy tayong magtulungan, magmahal sa ating komunidad, at maging inspirasyon sa isa't isa.
🌱 Maliit man ang simula, malaki ang nagagawa.
Photo Background Credits to Sir Jun De Guzman, our Photo Challenge 2nd Prize Winner.
12/07/2026
Another fresh start, thank you God!
11/07/2026
This Sunday, choose moments over mobile phones. Minsan, ang pinakamagandang bonding ay hindi kailangan ng Wi-Fi, kundi ng oras, kwentuhan, tawanan, at pagmamahalan. Ilapag muna ang gadgets at gumawa ng mga alaalang mananatili habambuhay.
10/07/2026
Sabado Na! Ngayong tag-ulan, walang tatalo sa isang mainit na mangkok ng Bulanglang na puno ng sariwang gulay. Bukod sa masarap, nakakatulong pa itong palakasin ang ating resistensya.
Ikaw? Ano ang paborito mong gulay na ulam kapag maulan? I-share sa comments ang inyong paboritong gulay menu!
10/07/2026
ISANG HAKBANG TUNGO SA MAS MALINIS NA TINGA ITAAS!
Patuloy ang pagkilos para sa isang mas maayos at mas malinis na komunidad. Sa tulong ng BeTHER Barangay Team,meron na tayong waste collection cage / garbage holding cages na matatagpuan sa labasan ng Purok 1, 2 at 3. Ito ay upang makatulong sa mas maayos na pansamantalang paglalagyan ng mga nakolektang basura at maiwasan ang kalat sa ating barangay.
Ang proyektong ito ay bunga ng sama-samang malasakit at paglilingkod ng ating BeTHER Barangay Team: Konsehal Ther Faral, Konsehal Mario Plata, Konsehal Josefina Perez, SK Chairman Mervin Jesse Dimaano, Mr. Wilson Rivera at Ms. Shirley Festejo.
Inaanyayahan din namin ang bawat residente na makiisa sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura. Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.
BeTHER Barangay, Paglilingkod nang may Malasakit at Katapatan, Tungo sa Mas Maunlad na Pamayanan.