21/04/2025
Dont miss the beat!
Join us for a dazzling Disco Night Party this April 26, 9:00 PM onwards at Barangay Covered Court, as we celebrate the Sto. Domingo Fiesta!
Get your groove on!๐บ๐ชฉ
05/10/2024
๐พ๐๐ก๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ก๐ก ๐๐ฃ๐๐ค๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐๐ 7 ๐จ๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐๐ค๐ง ๐.๐ 2025-2026!
DOST- Philippine Science High School CALABARZON Region Campus is still accepting applicants for PISAY SCHOLARSHIP until October 10, 2024. The examination will be on November 16, 2024.
๐๐๐ค ๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฉ๐ค ๐๐ฅ๐ฅ๐ก๐ฎ?
A current Grade 6 (SY 2024-2025) elementary pupil from a duly recognized school by the Department of Education who meets the following criteria is eligible to apply for the PSHS National Competitive Examination.
He / She must:
โข have a final grade of 85% or better in Science and Mathematics, evidenced by the student's report card; (If the student's grades in Science or Math are below 85%, then, he/she must provide evidence that he/she belongs to the upper 10% of the batch.)
โข a Filipino citizen with no pending or approved application as immigrant to any foreign country;
โข not be more than 15 years-old by June 30, 2025;
โข have at least a satisfactory rating (or its equivalent) in his/her Character Rating in his/her report card on S.Y. 2023-2024;
โข have not previously applied for admission in PSHS; and,
โข preferably in good health and fit to undergo a rigorous academic program.
๐๐๐๐ค๐ก๐๐ง๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ก๐๐๐๐จ:
โข Free tuition fee
โข Free loan of textbooks
โข Monthly stipend
โข Uniform, transportation and living allowances for low income groups
โข Dormitory accommodation (if applicable)
Interested student applicants to the Philippine Science High School may apply directly to the nearest PSHS campus, DOST Regional Offices, and Provincial Science and Technology Offices or apply via online platform through https://nce.pshs.edu.ph/
31/10/2023
Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up in honor.
- James 4:10
Taos pusong pasasalamat at pagpupuri sa Panginoon para sa katatapos na halalan ng BSKE 2023. Naging mapayapa ang naturang pagluklok ng bagong hanay ng mga lider na ginanap kahapon, Oktubre 30.
Gayundin, lubos na nagpapasalamat ang BAGWIS (Bayanihan Advocates in Growth and Welfare, Inclusivity, and Solidarity) sa lahat nang nakiisa, nanalangin, at nagtiwala sa bawat kinatawan nito. Idagdag pa rito ang lahat ng kawanggawa na hatid ng mga butihing indibidwal na nagpaabot ng kanilang suporta sa samahan.
Kung kaya't patuloy na isusulong ng BAGWIS ang serbisyong publiko para sa kapakanang panlahat na naglalayong mas mapaigting ang responsable, inklusibo, nagkakaisa, at progresong pangmatagalan sa ating komunidad. Walang maiiwang kabataan sa Brgy. Sto. Domingo, Batangas City, sulong kabataan!
Muli, ito ang samahan ng BAGWIS, para sa kabataan, para sa Brgy. Sto. Domingo, at para sa bayan. SULONG BAGWIS! ๐๐ป๐งกโจ
27/10/2023
The COMELEC Precinct Finder is now back online!
You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.
Scan the QR code or click this link:
๐ https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct
27/10/2023
"Ang taong marunong ay malakas, at dahil sa kaalaman, lalo pa siyang lumalakas."
-Kawikaan 24:5
Bilang kabataan na nagnanais ng progresibong komunidad, maging MARUNONG KA!
Kilatising mabuti ang bawat indibidwal na iluluklok sa nalalapit na halalan ng BSKE 2023 sa ika-30 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Kung kaya't narito ang ilang paalala ng samahang BAGWIS (Bayanihan Advocates for Growth and Welfare, Inclusivity, and Solidarity) upang maging maayos at mapayapa ang inyong pagboto:
a. Pumunta ng maaga sa Voting Precint;
b. Hanapin ang iyong pangalan sa listahan ng mga registered voters;
c. Siguraduhin na ikaw ay nasa tamang Voting Precint;
d. Huwag magdala ng campaign materials sa loob ng Voting Precint;
e. Ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa loob ng voting precint (e.g. vote buying and selling); at
f. Maging matalino at mapanuri sa pagboto para sa kinabukasan ng komunidad.
Batid din ng BAGWIS na ang eleksyon ay mahalaga na kinakailangang lahukan ng mga mamamayan bilang karapatan sa pagpili ng mga manunungkulang lider sa komunidad. Ang paglahok sa halalan at pagboto ng mga lider ay paraan ng pagbibigay direksyon sa lipunang ating ginagalawan.
Gayundin, narito ang samahang BAGWIS na handang manungkulan na hindi lamang mahusay sa salita, kundi subok na sa mahusay na paglilingkod, may takot sa Diyos, at kayang kumilala ng sariling pagkakamali.
Sulong BAGWIS, Sulong Kabataan! ๐๐ป๐งกโจ
25/10/2023
Malugod na inirerepresenta ang samahang BAGWIS (Bayanihan Advocates for Growth and Welfare, Inclusivity, and Solidarity) na tapat at may dedikasyon sa paglilingkod sa kapwa. Dala-dala ng bawat kinatawan ang kani-kanilang adbokasiya na naglalayong lumikha ng isang komunidad na puno ng pagkakapantay-pantay, oportunidad para sa lahat, respeto sa kabataan, at bawat sulok ng komunidad. Ito ay sina:
SK Chairman Aspirant:
- CHARLES ILUSTRE
SK Councilor Aspirants:
- REY DEXTER LOPEZ
- JOHN CARLO GUNO
- DANREV JOSEPH TOLENTINO
- ERIKA MAY ALEDO
- APRIL D. DE TORRES
- FHIONA GAIL SOBIDA
- KAREN ZARA
Kasama at kaisa ng Brgy. Sto. Domingo ang BAGWIS sa adhikaing magsilbing boses ng pagbabago at progresong pangmatagalan.
Sulong BAGWIS, Sulong Kabataan! ๐๐ป๐งก๐๐ป๐งก
23/10/2023
"Kabataang Pinoy, pagbutihan mo!
Pag-asa ka ng buong mundoโโ๐ป๐ต๐ญ
Opisyal na sinimulan ng BAGWIS (Bayanihan Advocates for Growth and Welfare, Inclusivity, and Solidarity) kasama ang mga mamamayan na boluntaryong nagkaloob ng kawanggawa sa isinagawang Grand Motorcade, kahapon, Oktubre 22 taong kasalukuyan.
Taas noong, iwinawagayway ang kulay kahel na BAGWIS ng bawat kinatawan. Ang bawat sulok ng Brgy. Sto. Domingo ay binisita upang makapagpakilala ang bawat kandidato na siyang tumanggap ng hamon para sa nalalapit na halalan ng BSKE 2023.
Patuloy pa rin ang pagsusumikap ng BAGWIS na maipahatid ang layuning kabutihang panlahat para sa mas maayos, responsable, inklusibo, nagkakaisa, at progresong pangmatagalan.
Sulong BAGWIS, Sulong Kabataan! ๐งก๐๐ป