04/06/2026
Provides information about the city government and community events. The official page of the City Government of Batangas.
04/06/2026
04/06/2026
Ngayong Huwebes sa Palakat Streamline - June 04, 2026
03/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐,๐ฌ.๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Inaprubahan ng City Development Council (CDC) sa pangunguna ng CDC Chairperson, Mayor Mario Vittorio A. Mariรฑo, ang mga panukalang City Supplemental Annual Investment Program (AIP) No. 1 para sa 2026 at ang City Annual Investment Program (AIP) para sa 2027 sa ginanap na Full Council Meeting kahapon, Hunyo 2, 2026.
Ang City Supplemental Annual Investment Program No.1,s.2026 ay naglalaman ng mga listahan ng mga karagdagang panukalang programa at proyekto ng pamahalaang lungsod na siyang basehan ng gagawing Supplemental Budget No. 1,s.2026. Ang City Annual Investment Program (AIP) ay hindi Budget ng City kundi ito ay basehan ng mga proyekto at programang lalagyan ng kaukulang pondo kapag ginawa at pinagtibay na ang City Supplemental Budget No.1,s.2026. Kabilang dito ang pagtatatag ng Local Education Office at Mayorโs Action Center sa ilalim ng Office of the City Mayor, pagpapatupad ng mga programa para sa pabahay o socialized housing program, at pagpapalakas ng programang โMag-Aral at Mananghalian,โ na tumutulong sa mga mag-aaral habang nagbibigay rin ng suporta sa mga kooperatiba, magsasaka at iba pang sektor na nagsusuplay ng mga gulay at pagkain para sa programa.
Kasama rin sa mga panukala ang mga proyektong pang-edukasyon na maaaring pondohan ng Special Education Fund (SEF), tulad ng pagkukumpuni at pagtatayo ng mga bagong gusali ng paaralan, pagbili ng lupa para sa mga itatayong bagong paaralan, at konstruksyon ng karagdagang gusali ng Colegio ng Lungsod ng Batangas. Kabilang rin ang listahan ng mga panukalang inprastraktura at development projects tulad ng mga kalsada, waterworks at covered walkways na iminungkahi ng mga barangay para malagyan ng pondo sa Supplemental Budget No.1,s.2026.
Samantala, nakatuon naman ang inilahad na City Annual Investment Program for 2027 (AIP 2027) sa pagpapatuloy na pagpapalawak ng mga programa sa edukasyon, kalusugan, social welfare, disaster risk reduction and management, turismo, agrikultura, pangangalaga sa kalikasan at iba pang serbisyong panlipunan. Kabilang din dito ang mga proyektong pang inprastraktura tulad ng drainage systems, covered courts, health centers, multi-purpose buildings at iba pang gender-responsive at sustainable development projects. Ang City AIP 2027 naman ang pagkukunan ng mga prioridad na programa at proyekto na popondohan sa panukalang City Budget para sa taong 2027.
Ang paglalahad ng dalawang nabanggit na AIP ay isinagawa ni EnP Gilda L. Godoy, City Planning and Development Coordinator ng lungsod para sa kaalaman ng lahat ng kasapi ng City Development Council na binubuo ng 105 Punong barangay at mga kinatawan ng 38 SP-Accredited Civil Society Organizations/NGOs.
Dumalo rin sa pagpupulong si Cong. Beverley Rose Dimacuha bilang isang kasapi.
Ayon kay Mayor Mariรฑo, mahalagang maisama sa City Annual Investment Program ang lahat ng mga panukalang programa at proyekto upang magkaroon ng legal na batayan ang kanilang pagpapatupad sa oras na maging available ang kinakailangang pondo at maihanap kung sakali ng mga pwede pang pagkuhanan ng pondo para sa gagawing budget para sa taong 2027.
Ang inaprubahang Supplemental AIP No. 1,s.2026 at AIP 2027 ay isusumite sa Sangguniang Panlungsod para sa kaukulang deliberasyon at pag-apruba.
Sa nasabing pagpupulong, nag-ulat din ng kanilang mga nagawa ang Buklod Unlad ng Batangas, Inc. (BUBI), na nagpahayag ng kasiyahan na mapabilang sa Batangas City Peopleโs Council (BCPC) habang nagbigay naman ng mga updates hinggil sa mga memorandum circular at iba pang requirements ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si City Local Government Operations Officer (CLGOO) Mylene Follero, gayundin ang pagbabahagi ng ilang administrative reminders ni City Administrator, Engr. Sonny Godoy.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na magtanong at humingi ng paglilinaw tungkol sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan, na direktang tinugunan ni Mayor Marvey Mariรฑo."
03/06/2026
๐จ ๐ฒ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, inaanyayahan namin ang lahat ng mahuhusay at malikhaing alagad ng sining na makibahagi sa Kulay ng Kalumpang: Mural Art Competition sa July 16-20, 2026.
Ipakita ang inyong talento at pagkamalikhain sa pamamagitan ng sining na nagbibigay-buhay sa kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng ating lungsod.
๐ Para sa kumpletong mekaniks at iba pang detalye, maaaring tingnan ang link na nakalagay sa post.
https://drive.google.com/file/d/1hbY57U9TtIEoejJTbNDmS_dJWVcgpR9I/view?usp=drive_link
03/06/2026
03/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
HUWAG MANINIWALA sa anumang text message o private message na inyong natatanggap o maaaring matanggap na gumagamit ng Facebook account na ito.
Ito ay isang FAKE ACCOUNT at hindi pagmamay-ari o opisyal na Facebook account ni Congresswoman Beverley Rose Dimacuha.
Maging maingat at huwag magbigay ng personal na impormasyon o makipag-ugnayan sa mga kahina-hinalang account.
I-report agad ang mga pekeng account na ito sa Facebook.
03/06/2026
TINGNI: Pormal na nilagdaan nina Batangas City Mayor Marvey Mariรฑo at Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas ang isang Memorandum of Agreement (MOA) upang higit pang palakasin ang rehabilitasyon at reintegration program para sa mga indibidwal na nalulong sa ilegal na droga, June 3.
Sa ilalim ng kasunduang ito, magkakaroon ang Batangas City ng direktang access sa Balay Silangan Facility na matatagpuan sa lungsod ng Santa Rosa sa Laguna.
Ang pasilidad ay bahagi ng pambansang programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng interbensyon, rehabilitasyon, at reintegration support sa mga dating gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga na kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad.
Layunin ng kolaborasyong ito na matiyak ang tuluy-tuloy, organisado, at epektibong pagpapatupad ng reintegration program upang matagumpay na makabalik sa lipunan at maging produktibong mamamayan ang mga drug surrenderers sa loob ng kanilang mga komunidad.
Saksi sa MOA signing ang mga opisyal at kawani ng dalawang lokal na pamahalaan, gayundin ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A. (PIO Batangas City)
03/06/2026
Power Interruption
03/06/2026
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |