04/06/2026
๐ง๐๐-๐จ๐๐๐ก ๐ก๐! | DOST-PAGASA on Thursday, 4 June 2026, officially announced the start of rainy season across the western sections of Luzon and the Visayas
According to the weather bureau, based on the weather observations and analyses, occasional to frequent rains associated with the Southwest Monsoon (Habagat) have been observed over the past five days. This signifies the onset of the rainy season across the western sections of Luzon and the Visayas.
However, monsoon breaks may still occur and last for several days or weeks.
๐น๐๐๐
๐๐๐๐: https://pagasa.dost.gov.ph/press-release/214
04/06/2026
๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: The Provincial Government of Batangas, through the Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), proudly joins the faithful in celebrating a historic milestone as the National Shrine and Parish of St. Padre Pio in the City of Sto. Tomas, Batangas receives the decree from the Holy See elevating it to an ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ก๐.
This recognition strengthens Batangas' position as a destination for pilgrimage, faith, and spiritual renewal. We join the faithful in thanksgiving as we look forward to the solemn declaration on September 23, the Feast Day of St. Padre Pio.
Source: https://www.facebook.com/share/1KTvBtbCXX/
04/06/2026
๐๐๐ซ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐ญ๐จ๐ซ, ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ๐ฌ
Mas lalo pang pinalalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Batangas matapos italaga ng Department of Health (DOH) Center for Health Development (CHD) CALABARZON ang mga bagong medical specialists sa ilang pampublikong ospital sa lalawigan sa ilalim ng Post-Residency Placement Program (PRPP).
Sa liham na ipinadala ng DOH CHD CALABARZON sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, inilahad na ang programa ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Act na naglalayong tugunan ang hindi pantay na distribusyon ng mga espesyalistang manggagamot sa mga pampublikong ospital, partikular sa mga Level I at Level II hospitals.
Mula Hunyo 1, 2026 hanggang Mayo 31, 2027, kabuuang labing-siyam (19) na Residency Training Program graduates ang itatalaga sa iba't ibang ospital sa lalawigan upang magbigay ng de-kalidad at mas accessible na serbisyong medikal para sa mga Batangueรฑo.
Kabilang sa mga makikinabang na ospital ang Batangas Provincial Hospital, Don Manuel Lopez Memorial District Hospital, Laurel Memorial District Hospital, Martin Marasigan District Hospital, San Jose District Hospital, at San Juan District Hospital.
Ang mga itatalagang espesyalista ay mula sa iba't ibang larangan ng medisina gaya ng Internal Medicine, Anesthesiology, General Surgery, at Obstetrics and Gynecology. Inaasahang malaki ang maitutulong ng kanilang serbisyo sa pagpapalawak ng access ng publiko sa specialized healthcare nang hindi na kinakailangang bumiyahe sa malalayong pagamutan.
Ayon sa DOH CHD CALABARZON, layunin ng programa na higit pang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapasidad ng mga pampublikong ospital at paglalapit ng mga espesyalistang serbisyo sa mga komunidad.
Matatandaang noong ika-9 ng Marso 2026, sa Dreamzone, Capitol Compound, Batangas City, ay nauna nang nanumpa ang mahigit 300 bagong katuwang ng pamahalaan sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Batangas. Kabilang sa mga ito ang mga doktor, nurse, midwife, dentista, pharmacist, medical technologist, nutritionist-dietitian, physical therapist, at radiologic technologist na magsisilbing mahalagang bahagi ng pagpapalawak at pagpapahusay ng mga programang pangkalusugan para sa mga Batangueรฑo.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa patuloy na suporta ng Department of Health sa pagpapahusay ng healthcare services sa lalawigan. Ang nasabing programa ay inaasahang magbibigay ng mas mabilis, episyente, at komprehensibong serbisyong medikal para sa mga Batangueรฑo.
Sheryl Mae Halili โ Batangas PIO Capitol
Karagdagang 19 Espesyalistang Doktor, Itinalaga sa Batangas Provincial Hospitals - Official Website of the Province of Batangas
Mas lalo pang pinalalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Batangas matapos italaga ng Department of Health (DOH) Center for Health Development (CHD) CALABARZON ang mga bagong medical specialists sa ilang pampublikong ospital sa lalawigan sa ilalim ng Post-Residency Placement Program (PR...
04/06/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐: ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐
Malugod na tinanggap ni Mayor Celsa B. Rivera at ng buong Pamunuang Bayan ng Padre Garcia ang delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na magsasagawa ng Assessment and Validation para sa Matatag na Batangas Award for Visionary Leadership towards Sustainable and Resilient Local Government Units (MBA-VSR) ngayong araw ng Huwebes, ika-4 ng Hunyo 2026.
Pinamunuan nina Provincial Administrator, Atty. Joel Montealto at MBA-VSR lead convenor and Chief of Staff, Pedrito Martin M. Dijan Jr., kasama ang mga department heads ng Kapitolyo at iba pang kasapi ng validation team, ang pagsasagawa ng pagsusuri at pagtatasa ng mga areas and best practices of governance ng nasabing bayan.
Layunin MBA -VSR na magkaroon ng isang epektibong paraan upang malaman ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ang kanilang mga areas of improvement para sa mas epektibong pamamahala tungo sa .
03/06/2026
๐๐ข๐-๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง: ๐๐จ๐๐ซ๐ ๐จ๐ ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐ฌ โ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ซ ๐ญ๐จ ๐๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐๐
The Province of Batangas proudly hosted the Department of Trade and IndustryโBoard of Investments (DTI-BOI) Awareness Seminar to Strengthen Investors and Stakeholders (BOI-ASSIST) on June 3, 2026 at Freedom Hall, Sotero H. Laurel Building, Lyceum of the Philippines UniversityโBatangas.
Now on its 12th year, BOI-ASSIST continues to serve as a premier platform for fostering meaningful dialogue between government agencies, investors, and key stakeholders. This yearโs program is being rolled out in four strategic locations nationwide, including Batangas Province for the CALABARZON Region.
For LGUs, BOI-ASSIST provides a valuable avenue to engage directly with both existing and potential investors while showcasing their localities as competitive and investment-ready destinations. By highlighting regional strengths, development opportunities, and business-friendly initiatives, these collaborations help strengthen efforts to attract both domestic and foreign investments, ultimately contributing to inclusive economic growth and job creation.
The event was conducted in partnership with the Provincial Government of Batangas, through the Office of the Provincial Governor and Provincial Planning and Development Office, Philippine Chamber of Commerce and Industry Region IV-A, PCCI Metro Batangas, and PCCI Lipa City.
03/06/2026
โฑ๐๐๐-๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐จ๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐๐-๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ "๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ" ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ง๐๐ฌ, ๐ข๐ง๐ข๐ข๐ฆ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐๐ก๐๐ง
BATANGAS CITY โ Iniimbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ang kontrobersyal na pagbebenta ng isang 29-ektaryang lupain sa Barangay Sta. Rita Aplaya, Batangas City na nagkakahalaga ng โฑ581 milyon sa administrasyon ni dating Governor at ngayon ay Vice Governor Hermilando Mandanas.
Sa isinagawang joint committee hearing ng mga komite ng Laws and Ordinances at Oversight and Special Concerns, tinalakay ang mga natuklasan ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng transaksyon. Ayon sa Audit Observation Memorandum na may petsang Marso 30, 2026, nailipat ang lupa sa pribadong pagmamay-ari sa loob lamang ng 70 araw nang walang isinagawang public bidding.
Nakasaad din sa audit na isinagawa ang transaksyon sa pamamagitan ng โDevelopment Contractโ at โDeed of Absolute Assignmentโ na umanoโy nagsilbing bentahan ng lupa at nakaiwas sa mga rekisito ng public bidding at prior approval ng COA. Naging sentro rin ng pagdinig ang usapin kung natuloy ba ang planong Regional Food Terminal sa nasabing lupain. Ayon kay Vice Governor Mandanas, nagpatuloy ang mga pag-aaral at nakinabang ang lalawigan sa development contract.
Gayunman, pinabulaanan ito ni Provincial Administrator Atty. Joel Montealto, na nagsabing walang naging aktuwal na development sa lugar at nanatiling idle ang lupain. Iginiit ni Atty. Montealto na naging daan lamang umano ang kasunduan upang mailipat ang lupa sa pribadong sektor. Aniya, kung tunay na development contract ang kasunduan, dapat ay nanatiling pag-aari ng lalawigan ang lupa.
Lumabas din sa audit ang sunod-sunod na paglilipat ng karapatan sa ibaโt ibang korporasyon. Mula sa Liberty Builders and Development Corporation, inilipat ito sa Libertad Logistics Integrated Zone Builders Development Corporation (LIBERTAD). Batay sa COA, sa prosesong ito ay isinuko ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng karapatan at interes nito sa lupain. Kalaunan, nakuha ng Abacore Capital Holdings Inc. ang LIBERTAD noong Marso 2021.
Ayon sa mga dokumentong sinuri ng COA, ang mga kalapit na lupain sa paligid ng Batangas Port ay tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang โฑ6.5 bilyon. Ipinahihiwatig nito na maaaring ang nasabing property ay nasa ganung halaga na rin, at naipasa ng lalawigan sa presyong mas mababa kaysa sa tunay nitong halaga.
03/06/2026
๐๐ข๐ข๐: Batangueรฑos show their love and support for DonBelle during the block screenings of at SM City Sto. Tomas and SM City Lipa.