BRGY. GULOD LABAK

Call Directions Contact the organization

BRGY. GULOD LABAK The Official Page of Brgy. Gulod Labak, Batangas City

October 7, 2026..BRGY. GULOD LABAK ❤Makiiisa...inaanyayahan po ang lahat sa isasagawang pagbabakuna para sa ating mga  a...
07/10/2026

October 7, 2026..

BRGY. GULOD LABAK ❤

Makiiisa...inaanyayahan po ang lahat sa isasagawang pagbabakuna para sa ating mga alagang aso at pusa. Maging responsable po tayong pet owner. Bastat hindi po umulan tuloy ang ating pagbabakuna. Mahalaga pong mabakunahan ang ating mga alagang so at pusa upang hindi makapaminsala.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maasahang pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 7, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Bahagi ng Tranparency ng ating barangay isang Budget Hearing ang matagumpay na nais...
07/10/2026

October 7, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Bahagi ng Tranparency ng ating barangay isang Budget Hearing ang matagumpay na naisakatuparan ng ating Sanggunang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad katuwang ang ating mga sektor at organisasyon.

Ang bawat isa ay may tinig at boses na pinakinggan at mga isyu at pangunahing pangangailangan ay tunay na pinaglaanan ng pondong makakatulong sa kapakanan ng bawat mamamayan sa barangay. Lahat ay kaiisa sa mga programa at plano tungo sa ibayong kaunlaran ng ating barangay.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 5, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Nagkaroon ng buwanang pagpupulong ang mga Presidente ng bawat Civil Society Organiz...
05/10/2026

October 5, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Nagkaroon ng buwanang pagpupulong ang mga Presidente ng bawat Civil Society Organization (CSO) ngayon araw ganap na alas-3 ng hapon. Kabilang sa mga dumalo ang ating Punong Barangay Martbien Macalalad Brgy. Sec. Jenny Zara Carlos Brgy. Treas. Mherlynda Alcones at sina SB member BK Felipa Lumanglas BK Tessie Espina At BK Tess Marasigan.

Ditoy napagpulong ang ang kahalagahan ng bawat sektor ng ating barangay. Ganun din ang kani kanilang bahagi upang walang maiwan. Napagtalakayan din ang mga budget na nakapaloob sa Gender and Development (GAD) na kung saan ang bawat sektor ay kabilang sa usaping ito. Mahalaga ang pagpupulong na ito sapagkat kitang kita ang pagiging integridad transparent at pananagutan ng barangay sa bawat pondong nakalaan at inilalabas par sa mga programa at proyekto ng ating barangay.

Natapos ng maayos at may pagkakaisa ang bawat sektor. At ganun na lamang ang malaking pagpapasalamat ng ating Punong Barangay sa kanilang malaking ambag sa paglago at pag-unlad ng atong barangay.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos.para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 5, 2026...Taos pusong pagbati ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad sa pagsapit ng kaarawan ng ating dalaw...
05/10/2026

October 5, 2026...

Taos pusong pagbati ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad sa pagsapit ng kaarawan ng ating dalawang kasamahan sa paglilingkod.

Salamat sa inyong buhay paglilingkod ng buong sigla katapatan at dedikasyon. Dalangin naming lahat ang inyong magandang kalusugan malusog na katawan at kaisipan. Biyayang siksik liglig at naguumapaw para sa inyong pamilya at mapuno ng kasiyahan ang bawat araw at sandali ng inyong buhay.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahamg pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 5, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Nagkaroon ng First Regular Session ngayon ang Sannguniang Barangay na pinangunhanng...
05/10/2026

October 5, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Nagkaroon ng First Regular Session ngayon ang Sannguniang Barangay na pinangunhanng ating Punong Barangay Martbien Macalalad .

Napagusapan ang ibat ibang isyu sa bawat cluster at agad namang nabigyang katugunan ang mga iyon. Ganun din ang pag gawa at pagbalangkas ng taunang budget para sa atong 2027-2028.

Pag uupdate ng RBI o Record of Barangay Inhabitants sa bawat cluster sa pammaagitan ng isasagawang cluster visitation nagmagsisimula bukas October 6, 8am sa cluster 1.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 5, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Pinangunahan ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad ngayon araw ng Lunes ang i...
05/10/2026

October 5, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Pinangunahan ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad ngayon araw ng Lunes ang isinagawang Flag Ceremony na dinaluhan ng mga barangay functionaries at ibat ibang sektor ng ating barangay.

Pinangasiwaang naman ito ng Sektor ng Kababaihan (KALIPI) na pinangunahan ng kanilang Presidente Gng. Ester Villanueva at mga opesyales.

Nagkaroon din nmn ng mensahe ang ating Punong Barangay para sa mga programa at aktibidades ngayong buwan ng Oktubre at pinasalamatan ang lahat sa partisipasyon at suportang ibinibigay sa barangay sa bawat programa nito.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 2, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Mabiyayang pagbati po sa Ama at Ina ng Lungsod nating Mahal sa pagsapit ng kanilang...
02/10/2026

October 2, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Mabiyayang pagbati po sa Ama at Ina ng Lungsod nating Mahal sa pagsapit ng kanilang kaarawan mula sa Barangay Gulod Labak sa pangunguna ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad .

Happy birthday po sa inyo Cong. Beverley Rose A. Dimacuha at Mayor Marvey Mariño. Puspusin nawa po kayo ng ating Panginoon at biyayaan ng malusog na isipan at katawan sa pagsapit ng inyong kaarawan upang lalo pang mapaglingkurang ang Lungsod ng Batangas ng buong husay at pagmamahal. Salamat sa inyong buhay na punong punong ng pagmamahal at malasakit sa bawat batangueño.

Ang Barangay Gulod Labak po ay tunay nagpapasalamat sa inyo dahil palagi kayong nariyan upang kamiy damayan at suportahan. Tunay ngang magkatuwang kayong naglilingkod ng Matino Mahusay at Maaasahan. Mahal na mahal po namin kayo.
💚💚💚


❤💙💚💛

October 2, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Bumisita ngayong araw ang mga kinatawan ng Philipoine Red Cross. Malugod naman sila...
02/10/2026

October 2, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Bumisita ngayong araw ang mga kinatawan ng Philipoine Red Cross. Malugod naman silang tinanggap at nakipagpulong din sa ating Punong Barangay Martbien Macalalad upang ipabatid ang kanilang proyektong Red Cross 143 at iba pa na may kaugnayan sa pagiging handa sa ibat ibang uri ng emergency na maaaring nating manaranasan sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ayon sa ating Punong Barangay maganda itong pagkakataon at oportunidad sa ating barangay upang magkaroon ng maraming volunteer na magiging katuwang natin sa oras ng pangangailangan.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

October 1, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng ating barangay sa pangunguna ng ating Punong B...
01/10/2026

October 1, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng ating barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad kay Bokal Doc Jun Berberabe sa pagkakaloob niya ng wheelchair sa ating kabarangay na nangangailangan nito.

Ang wheelchair pong kaloob ninyo ay tunay na malaking tulong para sa amin kabarangay. Naway ang inyong kagandahang-loob ay gantimpalaan ng Panginoon ng biyayang siksik liglig at naguumapaw pa.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos para sa ating barangay


❤💙💚💛

October 1, 2026...BRGY. GULOD LABAK ❤Sa unang araw ng Oktubre nagkaloob ang pamunuan ng ating barangay sa.pangunguna ng ...
01/10/2026

October 1, 2026...

BRGY. GULOD LABAK ❤

Sa unang araw ng Oktubre nagkaloob ang pamunuan ng ating barangay sa.pangunguna ng ating Punong Barangay Martbien Macalalad ng Barangay Medical Assistance.

Ang barangay medical assistance ay bahagi ng ating SAMA Program na mula sa pondo ng ating barangay na sadyang inilaan upang higit na maramdaman ng mamamayan ng ating barangay ang malasakit pagkalinga at pagdamay sa mga taong nasa mahigpit na pangangailangan.

Ang ganitong programa ay direktang pagtulong ng ating barangay. Nasimulan ito sa pamamagitan ng ating kasalukuyang punong barangay.

Sama-sama sa tuloy tuloy na Matino Mahusay Maaasahang pagkilos para sa ating barangay.


❤💙💚💛

Address

Gulod Labak
Batangas City
4200

Telephone

+639770186844

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY. GULOD LABAK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BRGY. GULOD LABAK:

Shortcuts

Share

Category