Taal Lake Aquaculture Alliance Inc.,
A duly registered non-government organization promoting environmental protection through sustainable aquaculture practice in Taal Lake
13/07/2025
https://www.facebook.com/share/p/1ZvEeDVNDa/
In an exclusive interview with Manila Standard, Taal Lake Aquacultural Alliance Inc. (TLAAI) spokesperson Mario Balazon cleared false information on the fishes caught in taal lake.
“Our products are certified by the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) such that it is safe to eat,” he said.
Link to the story in the comment section.
Merry Christmas and Happy New Year po sa ating Lahat!
19/11/2023
20/12/2022
Maligayang Pasko at Manigong bagong taon po sa ating Lahat!
15/09/2021
https://businessmirror.com.ph/2021/09/13/galunggong-too-pricey-try-cheaper-bangus-or-tilapia/
‘Galunggong’ too pricey? Try cheaper ‘bangus’ or tilapia | Jovee Marie de la Cruz FISH producers on Monday appealed to Filipino consumers to patronize local bangus and tilapia amid weak demand for locally grown fish. In a news statement, food security advocacy group Tugon Kabuhayan said two of the country’s biggest producers of bangus and tilapia in Batangas and Pampanga have r...
Ang pamunuan at miyembro po ng TLAAI ay nakikidalamhati at nakikiramay sa mga naiwang kapamilya ng dating Butihing Mayor ng bayan ng San Nicolas na si Mayor Peping Sandoval.
Lubos po ang aming pagsaludo sa inyong di matatawarang serbisyo para sa mamamayan ng San Nicolas.
Rest in Peace po.
Magandang buhay po!
Fyi po. Kahapun po(July 07, 2021 ) ay nagkaroon ng zoom meeting ang PAMB Execom., para pag usapan kung pahihintulutan na magkaroon ng Window hour. kapag alert level 3 dapat ay wala ng activity sa taal lake at may ilan kasama sa meeting na talagang ayaw na tayong bigyan ng window hour. Ang ating Pang. Roding Cacao ( TLAAI President )ay kasama sa pulong at kanyang ipinaliwanag kung bakit dapat tayo ay mabigyan ng window hour at katulong din nya ang ibang Mayor kaya po tayo ay napag bigyan. kaya lahat po ng mangingisdang ay pinapayagan upang magbisita, magpakain at magharvest ng kanilang mga alagang isda. Mula 8am hanggang 2pm po ang Window Hour na binigay sa atin.
Maraming salamat po, ingat po tayong lahat at patuloy po tayong manalangin para sa mahal nating bulkan.
18/03/2021
https://www.facebook.com/283303355111903/posts/3618774248231447/
TAAL VOLCANO BULLETIN
Ika-18 ng Marso 2021
Ika-8 ng umaga
Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng isang daan at animnapu’t apat (164) na volcanic earthquakes, kabilang ang animnapu’t pito (67) na volcanic tremors na tumagal nang isa (1) hanggang dalawa (2) na minuto at tatlong (3) hybrid events. Samantala, mahinang pagsingaw, na may taas na dalawampung (20) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 na humigit-kumulang sa 605 tonelada kada araw ang nasukat noong ika-17 ng Marso 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan batay sa electronic tilt, continuous GPS at InSAR data ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ang kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.
Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure. Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.
DOST-PHIVOLCS
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Website
Address
Poblacion 6, Talisay, Batangas
Batangas City
4220
Opening Hours
| Monday | 9am - 4pm |
| Tuesday | 9am - 4pm |
| Wednesday | 9am - 4pm |
| Thursday | 9am - 4pm |
| Friday | 9am - 4pm |
