18/09/2026
ISANG ANUNSYO ‼️ 📣📣📣
Magkakaroon po muli tayo ng Malawakang paglilinis bukas, ika-19 ng Setyembre 2026, 6am, bilang pakikilahok sa gaganaping International Coastal Clean Up sa ating lungsod. Dahil dito, inaanyayahan po namin kayong lahat na makilahok sa gagawing malawakang paglilinis sa ating Barangay bukas, katulong na din ang ibat ibang samahan dito sa ating Barangay.
Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at pakikilahok sa gagawing aktibidad na ito.
Maraming salamat po at mabuhay po ang Barangay Balagtas 💚