04/06/2026
COMMUNITY-BASED DIALOGUE ON ENACTING HUMAN RIGHTS ORDINANCES
Ginanap ngayong araw ang Community-Based Dialogue on Enacting Human Rights Ordinances sa Batangas Country Club.
Dinaluhan ito ng iba't ibang tanggapan at sektor na nagsilbing daan upang magkaroon ng makabuluhang dayalogo hinggil sa pagbuo at pagsusulong ng mga ordinansang magtitiyak sa paggalang, pagtataguyod, at pangangalaga sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.
04/06/2026
2๐๐
๐ธ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐ท๐ด๐ช๐ช) ๐ด๐๐๐๐๐๐
Ginanap ang 2nd Quarter Meeting ng Provincial Management Coordinating Committee (PMCC) ng Batangas sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas, na nagsilbing punong-abala sa nasabing pagpupulong.
Pinangunahan ng DILG, PMCC Chairperson, ang talakayan kasama ang mga kasaping ahensya ng komite. Sa pulong, ibinahagi ng DILG Tri-Bureaus ang kanilang mga ulat at mga naisagawang gawain kaugnay ng kapayapaan at kaayusan, pampublikong kaligtasan at lokal na pamamahala.
Tinalakay rin ang mga nakatakdang inisyatiba ng PMCC, kabilang ang pagsasagawa ng ๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ at ang ๐ป๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐
๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ na pangungunahan ng Provincial Assessment Committee (PAC).
Patuloy na pinagtitibay ng PMCC ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga kasaping ahensya upang maisulong ang mas epektibong paghahatid ng serbisyo at mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran sa buong lalawigan ng Batangas.
02/06/2026
Warmest greetings to one of the hardworking members of DILG Batangas, LGOO VI Rhea Ley G. Abit! ๐
Wishing you more success, good health, and happiness this year and beyond. Keep inspiring others through your service!
Much love from DILG Batangas family ๐
02/06/2026
๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ๐ฃ๐จ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐
Sa pagtatapos ng isang makabuluhang yugto ng kanilang propesyonal na buhay, buong-pusong nagpupugay ang DILG Batangas sa ating tatlong masisipag at dedikadong ๐๐ค๐๐๐ก ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐๐๐๐๐ง๐จ ๐๐ na ngayon ay pormal nang nagreretiro matapos ang maraming taon ng ๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐ค, ๐ข๐๐๐ช๐จ๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ.
Ang inyong sipag, katapatan, at hindi matatawarang ambag sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at pagpapaunlad ng mga lokal na pamahalaan ay nagsilbing inspirasyon sa inyong mga kasamahan at sa mga komunidad na inyong pinagsilbihan. Ang mga taong inilaan ninyo sa paglilingkod ay nag-iwan ng isang mahalagang pamana ng dedikasyon, propesyonalismo, at malasakit na mananatiling bahagi ng kasaysayan ng DILG Batangas.
Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod at sakripisyo. Nawaโy maging masaya, payapa, at makabuluhan ang panibagong yugto ng inyong buhay, na puno ng mga pagkakataong makapagpahinga, makasama ang inyong mga mahal sa buhay, at matamasa ang bunga ng inyong mga taon ng paglilingkod.
๐๐๐๐พ, ๐๐ถ๐๐-๐
๐๐๐๐๐ ๐
๐ถ๐๐ท๐ถ๐๐พ ๐ถ๐ ๐
๐ถ๐๐
๐๐
๐๐๐ถ๐ ๐๐ถ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐
๐ถ๐๐๐๐๐๐๐พ๐๐! ๐โจ
01/06/2026
๐๐ช๐ต๐พ๐ฐ๐ธ๐ญ ๐ท๐ช ๐น๐ช๐ฐ๐ซ๐ช๐ฝ๐ฒ ๐ถ๐พ๐ต๐ช ๐ผ๐ช ๐๐๐๐ ๐๐ช๐ฝ๐ช๐ท๐ฐ๐ช๐ผ! ๐
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang maipamalas ang ๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐ค, ๐ข๐๐๐ช๐จ๐๐ฎ, ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐ช๐ข๐ช๐ฃ๐ค sa pagtupad ng tungkulin para sa bayan.
Hangad namin ang iyong patuloy na tagumpay at higit pang makabuluhang paglilingkod sa publiko.
29/05/2026
| Thunderstorm Advisory No. 11
Issued at: 2:54 AM, 30 May 2026(Saturday)
Moderate to heavy rainshowers with lightning and strong winds are being experienced in Batangas(Batangas City, San Pascual, Bauan, San Luis, Alitagtag, Cuenca, San Jose, Ibaan, Mabini, Tingloy, Rosario, Mataasnakahoy, Lipa, Calatagan) and Quezon which may persist within 2 hours and may affect nearby areas.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DeFHdKLf1/
29/05/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas ang Management Committee Meeting (MANCOMM) para sa buwan ng Mayo 2026 upang talakayin ang mga pinakabagong kaganapan, mga naging tagumpay, at mga prayoridad na programa ng Tanggapan.
Nagsilbing daan ang pagpupulong upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon, mapag-isa ang mga estratehiya, at mapalakas ang dedikasyon ng Tanggapan sa pagbibigay ng mahusay at maagap na serbisyong publiko na nakabatay sa pagiging ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ค, ๐๐๐๐ช๐จ๐๐ฎ, at ๐๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ.
Sama-sama tungo sa mas epektibo, maagap, at makabuluhang paglilingkod para sa bawat Batangueรฑo.