Liga ng mga Barangay San Juan Batangas

Liga ng mga Barangay San Juan Batangas

Share

Here's the Official page of Liga ng mga Barangay San Juan, Batangas. HON. LIWELYNDO A.

VERGARA
LnB President- San Juan, Batangas
PLnB Treasurer- Batangas Chapter

Chairperson:
Committee on Health and Sanitation
Committee on Barangay Affairs

Photos from Batangas PIO's post 19/06/2026
Photos from Liga ng mga Barangay San Juan Batangas's post 18/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍|𝟎𝟔.𝟏𝟖.𝟐𝟔

Nagsagawa ng pagpupulong para sa mga Barangay Health Workers (BHW) na hindi pa kabilang sa VSR Program upang talakayin ang mga benepisyong maaaring makuha, mga kinakailangang dokumento, at mga hakbang para sa kanilang posibleng pagsali sa programa.

Pinangunahan ng Tanggapan ng Pangbayan Pangkalusugan at ni Municipal Nurse Coordinator Vilma Limpo ay kasamang dumalo si LnB President at Chairman ng Committee on Health Liwelyndo A.Vergara gayundin si SB Member Miljun Magadia na miyembro ng naturang kumitiba.

Naging mahalaga ang pagtitipong ito upang mabigyan ng malinaw na impormasyon ang bawat BHW at matugunan ang kanilang mga katanungan.

Ipinakita rin sa pagpupulong ang kahalagahan ng kanilang patuloy na paglilingkod sa komunidad at ang suporta ng pamahalaan sa kanilang kapakanan at propesyonal na pag-unlad.

Photos from Liga ng mga Barangay San Juan Batangas's post 17/06/2026

𝟎𝟔.𝟏𝟕.𝟐𝟔|𝟐𝐧𝐝 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠
Isinagawa ang pagpupulong ng Local Health Board sa pangunguna ni MHO Dr. Nestor Q Alidio Jr. kasama si LnB President at Chairman on Committee on Health Liwelyndo A. Vergara, SB member Miljun Magadia na kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usaping pangkalusugan sa ating lokalidad.

Tinalakay ng mga miyembro ang kasalukuyang kalagayan ng mga programang pangkalusugan, mga hakbang sa pag-iwas sa sakit, pagpapabuti ng serbisyong medikal, at iba pang mga proyektong naglalayong mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

Nagbahagi rin ang bawat kinatawan ng kanilang mga rekomendasyon at mungkahi upang higit na mapalakas ang koordinasyon at maipatupad nang epektibo ang mga programa ng pamahalaang lokal.

Ang pagpupulong ay naging mabunga at nagsilbing daan upang mapagkaisahan ang mga susunod na hakbang para sa isang mas malusog at ligtas na komunidad.

Photos from Liga ng mga Barangay San Juan Batangas's post 16/06/2026

𝟎𝟔.𝟏𝟔.𝟐𝟔|𝐋𝐧𝐁 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠
Isinagawa ang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni LnB President Liwelyndo A. Vergara na kung saan tinalakay ang implementasyon at patuloy na monitoring ng Socio Civic Projects Fund (SCPF) upang matiyak ang maayos, transparent, at epektibong paggamit ng pondo para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng programang ito, Bawat Bayan makikinabang, ang bawat barangay ay makakatnggap ng ₱200,000 na pondo na nahahati sa dalawang bahagi:

Educational Assistance (₱100,000): Ibinibigay sa limang (5) kwalipikadong mag-aaral sa bawat barangay. Bawat estudyante ay tumatanggap ng ₱20,000 na tulong-pinansiyal.
Community Development (₱100,000): para sa mga kagamitan o proyektong prayoridad ng komunidad.

Kasunod nito ay napag-usapan ang mga mahahalagang probisyon ng Magna Carta for Barangay Officials, kabilang ang mga benepisyo, karapatan, at kapakanang nararapat matanggap ng mga opisyal ng barangay bilang pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo sa komunidad.

Tinalakay rin ang iba't ibang programang pangbarangay na nakatuon sa pagpapaunlad ng kalinisan, kalusugan, kapayapaan at kaayusan, paghahanda sa sakuna, kabuhayan, at iba pang proyektong naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat residente at maisulong ang mas maunlad at maayos na pamayanan.

Photos from Liga ng mga Barangay San Juan Batangas's post 15/06/2026

06.15.26|Sangguniang Bayan Regular Session

Presiding Officer: Hon. Wenilo Ada- Acting Municipal Vice Mayor

14/06/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Batangas City
4226