03/06/2026
May nakaiwan po ng OPPO cellphone sa byaheng Balagtas-Batangas City jeepney with plate # DXK 993 na minamaneho ni Mr. Efren Caiga, kanina 1:00pm June 3, 2026.
Sa nagmamay-ari po ng cellphone makipag ugnayan po kay Mr. Efren Caiga. Mangyaring tawagan lamang po ang inyong cellphone na pansamantalang nasa pag-iingat ni Mr. Efren Caiga, wala po siyang sariling cellphone kung kaya't wala po siyang maibigay na contact number.
Salamat po!
02/06/2026
City Development Council
Full Council Meeting
June 2, 2026 at Grand Acacia Pavillion, Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City
01/06/2026
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony ngayong araw ng Lunes, Hunyo 1, 2026, ganap na ika-7:00 ng umaga sa Barangay Alangilan Covered Court.
Nagsimula ang programa sa isang ehersisyo sa pangunguna ni Kag. Ramon B. Gualberto na sinundan ng panalangin na pinangunahan ni Brgy. Lupon Eddie Q. Arce . Ang pagkumpas naman ng Pambansang Awit ay isinagawa ni Kagawad Aurea D. Bautista.
01/06/2026
𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐄𝐗𝐀𝐌 & 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐗𝐀𝐌 𝐅𝐄𝐄, 𝐀𝐏𝐏𝐋𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐀𝐑𝐄 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐏𝐄𝐍✨✨✨
The official submissions of all 𝐀𝐏𝐏𝐋𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 for the first batch shall commence face-to-face this coming 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘) - 𝟐𝐏𝐌 𝐭𝐨 𝟓𝐏𝐌 at the 𝐀𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥 😉
See you, mga iSKolars ni SK ng Barangay Alangilan
P.S. Print and fill up this official 𝐀𝐏𝐏𝐋𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 form to be submitted together with all the other requirements with your envelop on 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘)
Sangguniang Kabataan ng Alangilan, Batangas City kindly contact SK Member Hon. Gertrude Patrice Alea or SK Chairman Hon. Jon Mikael Alea for more information.
https://docs.google.com/document/d/1m5m-tidt3AtfHdrh9ETvKCPPNviDbzR-2trv15NgjTQ/edit?usp=drivesdk
01/06/2026
Nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Alangilan sa Brigada Eskwela 2026 ng Alangilan Senior High School sa ilalim ng Project RISE (Rehabilitate, Inspect, Support, Empower).
Bilang katuwang sa pagpapaunlad ng edukasyon, buong puso nating sinuportahan ang programang ito upang makatulong sa paghahanda ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral sa nalalapit na pasukan.
Sama-sama tayong umaangat para sa edukasyon.
Tara na, Brigada na! 📚🏫💙
01/06/2026
Magkatuwang para sa mas magandang kinabukasan ng kabataan.
Ang Sangguniang Barangay ng Alangilan ay patuloy na nakasuporta sa mga programa ng ating mga paaralan, kaya naman tayo po ay masayang nakiisa sa Brigada Eskwela ng Alangilan Central Elementary School ngayong araw. 🏫📚✨
01/06/2026
𝗧𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔, 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔! 📚🏫
Bilang patuloy na suporta ng Barangay sa larangan ng edukasyon, ang Sangguniang Barangay ng Alangilan ay nagkaloob ng Tulong Pinansyal para sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela ng 𝗔𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 at 𝗔𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹.
Naniniwala po tayo na ang maayos, malinis, at ligtas na paaralan ay mahalaga upang mas maging handa ang ating mga mag-aaral sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.
Tara na, Brigada na! Para sa mas maayos at mas maliwanag na edukasyon ng ating mga kabataan. 💙🇵🇭📖
31/05/2026
May 31,2026, 4:00pm
Sunday
Updates:
Kasalakuyan pong nag-lilinis ng ating Covered Court at nag-aayos ng sound system bilang paghahanda sa mga Barangay Activities gaya ng Pagtataas ng Watawat sa unang araw ng Lunes sa buwan ng Hunyo 2026..
Yessss to Serve!!!