Office of the City Veterinarian - Batangas City

Office of the City Veterinarian - Batangas City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the City Veterinarian - Batangas City, Government Organization, Bolbok, Batangas City.

Photos from Palakat Batangas City's post 06/04/2026
Photos from Office of the City Veterinarian - Batangas City's post 18/03/2026

Matagumpay na naipamahagi ang mga fishery inputs sa anim na barangay ng Isla Verde sa kabila ng malakas na hangin at alon.

175 na rehistradong mangingisda mula sa anim na barangay ng Isla Verde ng Lungsod ng Batangas ang tumanggap ng mga β€œfishing gears” mula sa Provincial Government of Batangas thru Office of the Provincial Agriculturist under Regular Program and the Department of Energy (DOE) Fund in partnership with PCLEDO ngayong Marso 18, 2026 sa San Andres Covered Court.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ay 40 sets ng gill nets, 60 sets ng hook and line at, 75 sets ng squid jigger na magagamit nila sa kanilang pamamalakaya.

Ayon sa pamahalaang lalawigan, ito ay simula pa lamang at makakaasa ang mga taga-Isla Verde na masusundan pa ang programang ito.

Samantala, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga mangingisda sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si G. Jessie Roxas.

Ang pamamahagi ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan at maayos na koordinasyon sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Marvey MariΓ±o at Congresswoman Beverley Rose Dimacuha (sa pamamagitan ng Fisheries Division ng Office of the City Veterinarian) at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Vilma Santos Recto.

Photos from Office of the City Veterinarian - Batangas City's post 12/03/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may temang β€œπ‘Ήπ’‚π’ƒπ’Šπ’†π’”-𝑭𝒓𝒆𝒆 𝒏𝒂 𝑷𝒖𝒔𝒂’𝒕 𝑨𝒔𝒐, π‘²π’‚π’π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’”π’‚π’ π’π’ˆ π‘·π’‚π’Žπ’Šπ’π’šπ’‚π’π’ˆ π‘·π’Šπ’π’Šπ’‘π’Šπ’π’!”, ay nagsagawa ng libreng kapon sa (30) tatlumpong a*o at pusa ang Tangapan ng Panglunsod na Beterinaryo katuwang ang Philippine Coast Guard - Veterinary Service na pinangungunahan ni Capt. Erick Binauhan.

Ang gawaing ito ay bahagi pa rin ng programa ng Lokal na Pamahalaan upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng populasyon ng a*o at pusa sa lungsod.

Photos from Office of the City Veterinarian - Batangas City's post 11/03/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may temang β€œπ‘Ήπ’‚π’ƒπ’Šπ’†π’”-𝑭𝒓𝒆𝒆 𝒏𝒂 𝑷𝒖𝒔𝒂’𝒕 𝑨𝒔𝒐, π‘²π’‚π’π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’”π’‚π’ π’π’ˆ π‘·π’‚π’Žπ’Šπ’π’šπ’‚π’π’ˆ π‘·π’Šπ’π’Šπ’‘π’Šπ’π’!”, ngayong Marso 11, 2025 ay nagsagawa ang Office of the City Veterinarian ng Rabies Awareness activity sa Barangay Mahakot Kanluran. Dinaluhan ito ng 40 residente na nakiisa upang mapalawak ang kaalaman ng komunidad hinggil sa pag-iwas sa rabies at sa kahalagahan ng responsableng pag-aalaga ng alagang a*o’t pusa.

Kasunod nito, nagsagawa rin ng anti-rabies vaccination kung saan 79 a*o at 21 pusa ang matagumpay na nabakunahan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapigilan ang pagkalat ng rabies sa komunidad.

Namahagi rin ng Information, Education, and Communication (IEC) materials na tumatalakay sa rabies at sa mga mahahalagang probisyon ng Batangas City Ordinance No. 10 s. 2018 upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga residente tungkol sa wastong pag-aalaga ng alagang hayop at pagsunod sa mga umiiral na regulasyon ng lungsod.

Nakibahagi rin sa isinagawang pagbabakuna ang tatlong OJT mula sa Cavite State University, College of Veterinary Medicine and Biomedical Sciences, na tumulong sa maayos na pagsasagawa ng vaccination activity at sa iba pang kaugnay na gawain sa pakikipagtulungan ng mga opisyales ng Barangay Mahacot Kanluran.

Nauna rito, may 4,200 na a*o at 1,208 na pusa mula sa 24 na barangay ng Poblacion at 21 iba pang barangay ang nabakunahan noong nakaraang buwan ng Enero at Pebrero, 2026.

Ang gawaing ito ay bahagi pa rin ng programa ng Lokal na Pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng rabies sa lungsod.

Photos from Palakat Batangas City's post 15/12/2025

π‘ͺπ’π’π’ˆπ’“π’‚π’•π’–π’π’‚π’•π’Šπ’π’π’” 𝑴𝒓. π‘Ήπ’π’š 𝑨. 𝑴𝒆𝒏𝒅𝒐𝒛𝒂!
𝑻𝒉𝒆 π‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’† 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 π‘ͺπ’Šπ’•π’š π‘½π’†π’•π’†π’“π’Šπ’π’‚π’“π’Šπ’‚π’ π’‡π’‚π’Žπ’Šπ’π’š π’Šπ’” π’•π’“π’–π’π’š 𝒑𝒓𝒐𝒖𝒅 𝒐𝒇 π’šπ’π’–.

Photos from Office of the City Veterinarian - Batangas City's post 27/11/2025

Bilang pagpapatuloy ng pamamahagi ng Fuel Subsidy ng BFAR para sa mga fisherfolks ng Lungsod ng Batangas, mula sa kabuuang bilang ng benepisaryo ng Fuel Subsidy ,may 32 pang fisherfok ang nagpa-interview upang makatanggap ng nasabing benepisyo noong ika-26 ng Nobyembre, sa OCVAS Training Center. Kabilang sa mga ito ang mga taga Santa Rita Aplaya, Santa Clara, Cuta, Wawa, Malitam, Libjo, Tabangao Aplaya, Pinamucan Proper, Pinamucan Ibaba, Simlong, Mabacong, Pagkilatan, Ilihan, Dela Paz, Talahib Pandayan, San Andres, San Agustin Silangan, San Agustin Kanluran, San Antonio, San Agapito, at Liponpon.

Sa pakikipagtulungan ng Fisheries Division ng Office of the City Veterinarian, naging maayos at mabilis ang proseso at natanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang fuel subsidy card na ini-issue ng USSC na maaari nilang gamitin sa Petron, Shell, Total, Phoenix, UniOil, SeaOil, PTT at G'Little.

09/11/2025

Prayer for Deliverance from Typhoons. Sto. NiΓ±o ng Batangan, please pray for us. πŸ™

09/11/2025







28/10/2025

Nakamit ng Batangas City Slaughterhouse ang ikatlong pwesto bilang Cleanest Slaughterhouse sa lalawigan ng Batangas sa AA/AAA category noong October 3, 2025.

I-click lamang ang link na nasa comment section para sa karagdagang detalye.

Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Bolbok
Batangas City
4200