28/10/2026
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION PROGRAM
Sinisian Elementary School
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa City Health Office ng Calaca City sa pangunguna ng mga health worker at medical personnel na nagsagawa ng School-Based Immunization Program sa Sinisian Elementary School.
Maraming salamat po sa inyong oras, dedikasyon, at serbisyong ipinagkaloob para sa kalusugan at kaligtasan ng aming mga mag-aaral. Malaking tulong po ang inyong programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata at maprotektahan sila laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa aming paaralan. Ang inyong serbisyo ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng isang malusog at ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.