14/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Isang mahalagang hakbang para sa planong pagtatayo ng Rice Processing Center (RPC) sa Looc, Occidental Mindoro ang isinulong sa pagbisita ni Municipal Mayor Marlon V. Dela Torre sa NFA Batangas upang makipag-ugnayan hinggil sa posibleng pagkakaloob ng lote ng Local Government Unit (LGU) para sa proyekto.
Sa pulong, tinalakay ang mga susunod na hakbang para sa land donation at iba pang kinakailangang koordinasyon upang maisulong ang planong pasilidad na makatutulong sa pagproseso ng palay at paglapit ng suplay ng bigas sa mga taga-Looc.