Barangay Otso - Poblacion, Batangas City

Barangay Otso - Poblacion, Batangas City

Share

Ang Barangay 8 ay isa sa mga pangunahing lugar na matatagpuan sa sentro ng Batangas City.

Photos from Barangay Otso - Poblacion, Batangas City's post 14/03/2026
Photos from Barangay Otso - Poblacion, Batangas City's post 14/03/2026

🔸Barangay Assembly | Brgy. 8 Poblacion

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly noong ika-8 ng Marso 2026, na dinaluhan ng mga residente at ilang panauhing tagapagsalita upang magbigay ng mahahalagang impormasyon at paalala para sa komunidad.

🔹 Unang Tagapagsalita: Si FO3 Val Dimaano mula sa Bureau of Fire Protection ay nagpaalala sa publiko ng mga contact number ng BFP: 0915-602-1984 at 043-425-7163. Ibinahagi rin niya ang wastong paggamit ng fire extinguisher, na dapat ay nakalagay sa lugar na madaling makita at maabot ng mga tao, at kinakailangang kalugin isang beses bawat buwan upang mapanatili ang maayos na kondisyon nito.

🔹 Ikalawang Tagapagsalita: Si Mam Maricar Amparo mula sa PAAD ay nagpaalala tungkol sa EBD Hotline: 0999-222-6626, na maaaring tawagan para sa mga kaugnay sa mga emergency at inquiries.

🔹 Ikatlong Tagapagsalita: Mula sa Philippine National Police, ibinigay ni PLTCOL Ira A. Morello sa ating Punong Barangay ang Barangay Drug Clearing Program (Manual of Operations) bilang gabay sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga sa komunidad.

🔹 Ikaapat na Tagapagsalita: Si Engr. Esther Dator ay nagpaalala tungkol sa pagsunod sa Anti-Epal policy, barangay road clearing operations, at ang kahalagahan ng pagtitipid sa kuryente. Kaugnay nito, ipatutupad na ang 4-day work week simula Marso 9, 2026, maliban sa mga tanggapan na nagbibigay ng emergency services tulad ng pulisya, Cavite Disaster Risk Reduction and Management Office, at Bureau of Fire Protection.
Ipinahatid din ni Sir Jonvic Remulla ang kanyang mensahe ng pasasalamat:
“Salamat sa walang humpay na paglilingkod at sa patuloy na pakikiisa sa mga opisyal na namumuno.”

Nagbigay rin ng ulat ng mga nagawang proyekto at mga programa ang ating Punong Barangay na si Kgg. Roy Robie Cometa kasama ang iba pang mga opisyal ng barangay.

Sa pagtatapos ng programa, nagkaroon ng raffle kung saan 10 sako ng bigas mula kay Mayor Marvey Mariño ang ipinamahagi sa mga mapapalad na residente.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa ating Barangay Assembly. Ang inyong pakikiisa ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad at kaayusan ng ating komunidad.


07/03/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa Barangay Assembly na gaganapin bukas.

♦️Petsa: March 8, 2026
♦️ Registration: 8:00 AM
♦️Lugar: Sa tabi ng Barangay Hall

Ang Barangay Assembly ay mahalaga dahil ito ang pagkakataon na makinig sa ulat ng pamahalaang barangay, malaman ang mga proyekto at programa, at maipahayag ang mga suhestiyon at saloobin para sa ikauunlad ng ating komunidad.

Ang inyong presensya at pakikilahok ay napakahalaga upang mas mapalakas ang pagkakaisa at maayos na pamamahala sa ating barangay.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo. 💚

07/03/2026

Declogging of canals


Photos from Barangay Otso - Poblacion, Batangas City's post 07/03/2026

Isang matagumpay na Declogging Activity ang isinagawa sa Barangay 8 kung saan 60 katao ang nakiisa upang linisin ang ating mga kanal partikular sa Street ng C. Tirona, P. Mendoza, Natividad at ilang bahagi ng P. Dandan at D. Atienza. Ito ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa atingkomunidad.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa City Government of Batangas sa pangunguna ni Mayor Marvey Mariño para sa ipinagkaloob na food packs sa ating mga volunteers bilang suporta sa gawaing pangkomunidad.

Malaking pasasalamat din sa Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pangunguna ni Sir Rod Dela Roca sa patuloy na pakikiisa sa mga programang pangkaligtasan at pangkalinisan ng ating barangay.

Personal ding nasaksihan ang aktwal na paglilinis ng kanal ng mga kinatawan ng CDRRMO na sina Bb. Christene Cabañas at G. Sherwin Bagon, kasama ang ilan pang staff mula sa kanilang tanggapan.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa mula sa Sanggunian ng Barangay 8 at sa bawat residenteng naglaan ng oras at lakas upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Sa sama-samang pagkilos, mas napapanatili nating malinis, ligtas, at maayos ang ating barangay.

� �

04/03/2026

📣 Magkakaroon po ng DECL0GGING ACTIVITY bukas sa ating Barangay bilang bahagi ng ating pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas sa pagbaha.

♦️ Petsa: March 5, 2026
♦️ Oras: 6:00 AM
♦️ Lugar: Kanal sa C. Tirona Street, P. Mendoza Street, Natividad Street at Makokak

Inaanyayahan po ang lahat ng residente na makiisa at makipagtulungan sa gawaing ito. Ang simpleng pagtulong ay malaking ambag para sa mas maayos, malinis, at ligtas na komunidad.

Maari pong magdala ng sariling kagamitan tulad ng pala, kalaykay, at gloves kung mayroon.

Ang inyong kooperasyon ay lubos naming pinahahalagahan. Sama-sama po tayo para sa mas maayos na Barangay!

Maraming salamat po. 💚

Photos from Barangay Otso - Poblacion, Batangas City's post 23/02/2026

Happy Birthday SK Iñigo Gonzales 🎂

Photos from Barangay Otso - Poblacion, Batangas City's post 23/02/2026

Lubos po nating ipinagpapasalamat ang karagdagang digital blood pressure monitor na handog ni Doc Jun Berberabe para sa Barangay 8.

Malaking tulong po ito sa ating mga kabarangay, lalo na sa regular na health monitoring ng ating mga senior citizens at mga may hypertension. Dahil dito, mas mapapalakas pa ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad.

Maraming salamat po, Bokal Doc Jun, sa patuloy ninyong suporta at malasakit sa aming barangay.



Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Evangelista Street, Barangay 8
Batangas City
4200