Brgy Mahacot Kanluran

Brgy Mahacot Kanluran

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy Mahacot Kanluran, Government Organization, Mahacot Kanluran, Batangas City.

25/05/2026

โ€œFlores de Mayo 2026 ๐ŸŒธ
Isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon kay Mama Mary na ginanap sa Holy Trinity Parish Church, Batangas City noong Mayo 24, 2026. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at pagmamahal sa banal na pagdiriwang na ito. ๐Ÿ™๐Ÿ’™โ€

Photos from Brgy Mahacot Kanluran 's post 25/05/2026

๐™ˆ๐™–๐™ฎ 25, 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Isinagawa ngayong araw ang regular na Flag Ceremony bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan. Sama-samang dumalo ang mga opisyal at kawani ng barangay upang simulan ang linggo na may malasakit, serbisyo, at dedikasyon para sa mamamayan.

Patuloy nating pairalin ang pagtutulungan at maayos na paglilingkod para sa ikauunlad ng ating komunidad. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ




25/05/2026
24/05/2026

๐†๐จ๐จ๐ ๐ฆ๐จ๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ญ๐จ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐ž!
Wishing all residents a peaceful, healthy, and productive day ahead. May we continue to work together in unity for a stronger and more progressive community.

24/05/2026

๐Ÿ€๐Ÿ”ฅ CONGRATULATIONS, BARANGAY MAHACOT KANLURAN! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ€
Panalo kontra Barangay Bolbok, 92โ€“37!
Isang solidong laban na nagpakita ng husay, disiplina, at tunay na teamwork ng bawat manlalaro. ๐Ÿ’›๐Ÿ’ช
Hindi lang basta panalo โ€” dominasyon ito sa court! Patunay na ang sipag sa ensayo at pagkakaisa ng koponan ay nagbubunga ng tagumpay.
๐Ÿ‘ Congratulations sa players, coaches, SK officials, supporters, at buong Barangay Mahacot Kanluran!
Patuloy ninyong ipinapakita ang tunay na sportsmanship at pride ng barangay. ๐Ÿ†





Photos from Brgy Mahacot Kanluran 's post 24/05/2026

๐™ˆ๐™–๐™ฎ 23, 2026

Nakibahagi ang Barangay Mahacot Kanluran sa pagdiriwang ng Novena para sa Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad. Ginanap ang ikalawang araw ng Novena kung saan kabilang ang barangay sa mga nag-alay ng offertory.

Naging mga Hermana at Hermano Menores naman sina Gng. Arlene Untalan at ang mag-asawang G. Priscilo Almero at Gng. Marieta Almero bilang suporta at pakikiisa sa banal na pagdiriwang.

23/05/2026

Muli nating suportahan ang ating mga manlalaro sa darating na bukas
MAY 24, 2026
9am po
KUMINTANG IBABA COVERED COURT!!

Photos from Brgy Mahacot Kanluran 's post 23/05/2026

๐‘ด๐’‚๐’š 23, 2026

Nagpakita ng makakalikasang pagkakaisa at bayanihan ang mga residente ng barangay sa isinagawang sama-samang pagwawalis at pagpupulot ng mga plastik at iba pang basura sa paligid. Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan, naging mas malinis, maayos, at kaaya-aya ang kapaligiran ng komunidad. Ang aktibidad na ito ay patunay ng malasakit ng bawat residente sa kalikasan at suporta sa mga programang pangkalinisan ng barangay para sa mas ligtas at mas malusog na pamayanan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa โค๏ธ




Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Mahacot Kanluran
Batangas City
4200