15/09/2026
20% DEVELOPMENT PROJECT - BARANGAY TULO
Patuloy ang pag-unlad ng Barangay Tulo!
Ngayong araw, petsa ika 15 ng Setyembre 2026 dumating sa Tanggapan ng Punong Barangay ang mga kinatawan mula sa City Engineer's Office - Construction Department na sina Architect Marites Ceniza, Engr. Alvin Jose Gomez, Engr. Jelyn Dinglasan, Niรฑo Balmes at Sir Russel Villena ng Planing Division para sa pagbisita at pagsasagawa ng pagsusuri sa nakatakdang 20% Development Project ng Barangay Tulo.
Kabilang sa mga proyektong kanilang bibisitahin at susuriin ang Farm-to-Market Road na matatagpuan sa Sitio Buli -Road 2 na pangungunahan ng butihing ๐๐ช๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ, ๐๐ฃ๐๐ง. ๐ผ๐๐๐ก๐ข๐ค ๐๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐ค ๐พ๐๐จ๐๐ค kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Barangay, upang makita at mapag-usapan ang mga kinakailangang hakbang para sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto.
Ang pondo para sa mga proyektong ito ay mula sa 20% Barangay Development Fund para sa taong 2025 at 2026 na nakalaan para sa proyektong makakatulong sa pagpapabuti ng ating kalsada at pagpapadali ng pagbiyahe ang mga kalakal mula sa ating mga kabarangay.
Mula sa pagpaplano tungkol sa aktuwal na pagpapatupad--sama-sama nating isinusulong ang mas maayos, ligtas at progresibong Barangay Tulo.
#20%DevelopmentFund