05/10/2026
Batangas City, Pinalalakas ang HIV Prevention sa Pamamagitan ng Libreng Testing, Treatment, at Seminar
Patuloy na tinututukan ng Batangas City Local AIDS Council (LAC) ang tumataas na bilang ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lungsod, kasabay ng pagpapatibay ng mga programa para sa awareness at suporta sa mga taong apektado ng HIV.
Ito ang ilan sa mga tinalakay sa pagpupulong ng Local AIDS Council (LAC) noong Setyembre 17 sa Max’s Restaurant, P. Burgos St.
Sa presentasyon ni Dr. Allen Evangelio-Santos, STI/HIV-AIDS Medical Program Manager, tinalakay niya ang datos kaugnay ng HIV/AIDS situation sa Batangas City. Ayon sa datos para sa taong 2025, patuloy ang pagtaas ng naitatalang HIV cases, habang kabilang ang Batangas City sa mga lungsod na may mataas na bilang ng kaso sa probinsya at rehiyon.
Batay sa datos na tinalakay ni Dr. Santos, ang naitalang HIV cases sa buong Pilipinas, o nasa tinatayang 55 cases ang nadidiskubre kada araw noong 2025.
Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng malawak na information campaign at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga paaralan, upang mas mapalakas ang HIV awareness at prevention efforts sa komunidad.
Tinalakay rin ang pagsisikap ng City Health Office sa mga business sector, kung saan sasailalim ang mga empleyado sa Basic HIV 101 seminar. Nairaos na ng unang batch mula sa Citimart Group of Companies ang unang batch ng mga attendees, at may mga susunod pang batches para sa HIV prevention and awareness sa lungsod ng Batangas.
Samantala, isinusulong din ang kaparehong seminar para sa mga empleyado ng City Government bilang bahagi ng HIV in the Workplace Commitment. Sumailalim na sa seminar ang unang batch ng mga empleyado, at may mga susunod pang batches na sasailalim sa Basic HIV 101, na may humigit-kumulang 30 participants bawat batch.
Ayon din sa pagpupulong, mayroon nang 4 na HIV counselors at 35 HIV motivators na katuwang sa mga programa at serbisyo ng CHO at LGU.
Patuloy naman na hinihikayat ang mga kasapi ng konseho, sa pangunguna at direktiba ni Mayor Marvey, na suportahan ang isa sa kanyang mga priority program na naglalayong mapababa ang bilang ng mga taong may HIV at mas maparami ang mga matutulungan upang magkaroon ng libreng gamutan sa lungsod. Kabilang dito ang malawak na access sa Batangas City Social Hygiene Clinic, na nagbibigay ng libreng testing at treatment.
Layunin ng Local AIDS Council na mapalakas ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng HIV cases.