10/09/2026
𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓, 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐄𝐑𝐒! 🤝💚
𝑻𝒂𝒐𝒔-𝒑𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝑬𝑬𝑫𝑶 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑻𝑼𝑷𝑨𝑫 𝒃𝒆𝒏𝒆𝒇𝒊𝒄𝒊𝒂𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒐𝒓𝒂𝒔 𝒂𝒕 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒎𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔 𝒂𝒕 𝒄𝒍𝒆𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑪𝒆𝒎𝒆𝒕𝒆𝒓𝒚.
Sa tulong ng Municipal Public Employment Service Office - Bataraza at sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, naging katuwang natin sila sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating pampublikong sementeryo.
Hindi lamang trabaho ang kanilang ipinagkaloob, kundi serbisyo para sa komunidad. 🌿🧹
Sa bawat pawis at oras na inilaan ninyo, maraming salamat sa inyong malasakit at pakikiisa. Mabuhay ang inyong sipag at dedikasyon!
Maraming salamat, MPESO, at higit sa lahat, sa ating mga TUPAD beneficiaries! 💚