07/10/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Nagsagawa ngayong araw ng pagpupulong ang Municipal Community-Based Monitoring System Coordinating Board (MCCB) ng Bayan ng Bataraza upang talakayin ang mahahalagang usapin para sa mas epektibong pagpapatupad, koordinasyon, at monitoring ng Community-Based Monitoring System (CBMS) sa antas-munisipyo.
Isinagawa ang pagpupulong sa Conference Room, 3rd Floor ng New Municipal Hall, kung saan tinalakay ang mga sumusunod na pangunahing agenda: overview ng CBMS, presentasyon ng map boundaries ng bawat barangay ng Bataraza, at certification para sa pagsasagawa ng 2027 CBMS.
Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, kasama ang mga kinauukulang miyembro ng MCCB at mga Punong Barangay, ang talakayan na naglalayong higit pang mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng munisipyo para sa susunod na CBMS implementation.
Ang CBMS ay mahalagang mekanismo sa pagkalap at paggamit ng datos na magsisilbing batayan sa mas maayos na pagpaplano, pagbuo ng programa, at paghahatid ng serbisyong tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.