20/10/2025
𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 | 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬
Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng Committee Hearing kaugnay ng request para sa Conversion and Lateral Transfer of Positions alinsunod sa Local Budget Circular (LBC) No. 137 dated July 13, 2021, na inihain ni Ms. Rhodora D. Ilagan.
Pinangunahan ang pagdinig ng 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬, na pinamumunuan ni 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐩𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐆𝐢𝐦𝐞𝐧𝐨 Chairperson, kasama ang mga dumalong SB Members na sina 𝐇𝐨𝐧. 𝐍𝐞𝐢𝐥 𝐕𝐚𝐥𝐝𝐞𝐳, 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐞𝐧𝐧𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐂𝐥𝐚𝐫𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐆𝐮𝐞𝐧𝐧 𝐀𝐛𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐩𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐆𝐢𝐦𝐞𝐧𝐨, 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐄𝐧𝐝𝐚𝐲𝐚, 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐫𝐣𝐨𝐫𝐢𝐞 𝐉𝐞𝐥𝐥𝐲 𝐀𝐝𝐞𝐥, 𝐇𝐨𝐧. 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐂𝐚𝐠𝐮𝐞𝐭𝐞, 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐞𝐧𝐢𝐬𝐬𝐞 𝐉𝐚𝐝𝐞 𝐀𝐠𝐮𝐢𝐥𝐞𝐫𝐚, at 𝐒𝐁 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐃𝐫. 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐂. 𝐁𝐚𝐮𝐭𝐢𝐬𝐭𝐚.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga Department Heads ng LGU Bauan upang magbigay ng kanilang mga komento at rekomendasyon sa nasabing personnel action proposal. Layunin ng pagtalakay na masiguro na ang conversion at lateral transfer ng positions ay nakabatay sa organizational needs, kwalipikasyon, at tamang proseso, alinsunod sa Civil Service rules and regulations at umiiral na budgetary guidelines.
Ang committee hearing ay nagbigay-daan sa malinaw na talakayan at konsultasyon upang matiyak na ang hakbang ay makakatulong sa pagpapalakas ng manpower structure ng LGU at sa mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko sa Bauan.