Barangay Calo

Directions Contact the organization

Barangay Calo ILoveBrgyCalo

π€πŠπ’π˜πŽπ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐄𝐋 ππˆΓ‘πŽ πŸŒ±β˜€οΈNakiisa sina Hon. Kae Anne Claveria, Hon. Yena Camille Ebron, at Hon. Angelo Curibot sa progr...
22/10/2026

π€πŠπ’π˜πŽπ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐄𝐋 ππˆΓ‘πŽ πŸŒ±β˜€οΈ

Nakiisa sina Hon. Kae Anne Claveria, Hon. Yena Camille Ebron, at Hon. Angelo Curibot sa programang β€œπ€πŠπ’π˜πŽπ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐄𝐋 ππˆΓ‘πŽβ€ na may temang β€œEmpowering Communities: Preparedness and Climate-Smart Management,” noong October 22, 2026, sa Bay Municipal Hall.

Bilang kinatawan ng Barangay Calo, ipinakita nila ang kahalagahan ng pakikiisa at paghahanda upang maging mas matatag at climate-resilient ang komunidad. πŸŒΏβ˜€οΈ

Barangay Calo β€” Sama-sama sa paghahanda at pag-unlad! πŸ€πŸ’š

πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† π€ππ”ππ’π˜πŽ πŒπ†π€ π‚π€π‹πŽπ„Γ‘πŽπ’! πŸ“’πŸ“’πŸ“’Mga minamahal na ka-barangay sa darating na Sabado at Linggo pinapaalalahanan namin ...
19/10/2026

πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† π€ππ”ππ’π˜πŽ πŒπ†π€ π‚π€π‹πŽπ„Γ‘πŽπ’! πŸ“’πŸ“’πŸ“’

Mga minamahal na ka-barangay sa darating na Sabado at Linggo pinapaalalahanan namin ang lahat na ating pagbubukod-bukodin ang ating mga basura.

Narito ang bagong schedule ng ating garbage collection 🧹

♻️ π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ - π‡πˆππƒπˆ ππ€ππ”ππ”π‹πŽπŠ
𝐓𝐔𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 :
ππ‹π€π’π“πˆπ‚
ππŽπ“π„
𝐋𝐀𝐓𝐀
πƒπˆπ€ππ„π‘ 𝐀𝐓 ππ€ππŠπˆπ
ππ‹π€π’π“πˆπ‚ ππŽπ“π“π‹π„π’

♻️ π’π”ππƒπ€π˜ -ππ€ππ”ππ”π‹πŽπŠ
𝐓𝐔𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆:
π†π”π‹π€π˜
πƒπ€πŒπŽ
πƒπ€π‡πŽπ
𝐁𝐀𝐋𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐔𝐓𝐀𝐒
π“πˆπ‘π€-π“πˆπ‘π€ππ† ππ€π†πŠπ€πˆπ

🚯 𝐍𝐎 π’π„π†π‘π„π†π€π“πˆπŽπ, 𝐍𝐎 π‚πŽπ‹π‹π„π‚π“πˆπŽπ!

Paalala sa lahat na ilabas lamang ang inyong basura sa tamang araw ng koleksyon at ang mga basurang hindi pinaghiwa-hiwalay o halo-halong basura ay HINDI KOKOLEKTAHIN ng ating garbage collector.

Makipagtulungan tayo sa ating barangay para mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating kapaligiran.

Sama-sama nating isulong ang disiplina at kalinisan sa ating Barangay🌿

13/10/2026

Anti-Theft Prevention Tips


13/10/2026

Support Task Force Sanglahi Bravo


BARANGAY ASSEMBLY DAY2ND SEMESTER - CY 2026"Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sa...
12/10/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY
2ND SEMESTER - CY 2026

"Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Kumonidad”

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga CaloeΓ±ong nakiisa at dumalo sa ating State of the Barangay Address (SOBA) na ginanap noong October 11, 2026 sa Calo Elementary Covered Court.

Maraming salamat din po sa lahat ng ating mga sponsor ng raffle prizes na bukas-palad na nagbahagi ng kanilang suporta upang mas maging masaya at makabuluhan ang ating pagtitipon. Malaking bahagi po kayo ng tagumpay ng ating programa!

Sa ating mga panauhin, mga opisyal, katuwang, at sa bawat mamamayang naglaan ng oras upang makiisa, maraming-maraming salamat po sa inyong suporta at tiwala.

Ang inyong presensya ay patunay na sa sama-samang pagkilos, mas napagtitibay natin ang pagkakaisa at malasakit para sa ating minamahal na Barangay Calo.

Hindi lamang po ito tungkol sa mga ulat at nagawa, kundi tungkol din sa patuloy nating pagsisikap na makapaglingkod at makapaghatid ng maayos na programa para sa bawat CaloeΓ±o.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! Sama-sama po nating ipagpatuloy ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-unlad ng ating barangay.

Mabuhay ang Barangay Calo! Mabuhay ang mga CaloeΓ±o! πŸ¦…

11/10/2026
11/10/2026

STATE OF THE BARANGAY ADDRESS (SOBA) 2026

Tara, CaloeΓ±o! Sama-sama tayo sa SOBA 2026!

INAANYAYAHAN ANG LAHAT!
Maraming salamat po at magkita-kita tayo!

PAUNAWA SA MGA KA-BARANGAY! πŸ“£πŸ“£πŸ“£Magkakaroon po ng scheduled electrical activity sa ating lugar sa October 13, 2026 (Marte...
08/10/2026

PAUNAWA SA MGA KA-BARANGAY! πŸ“£πŸ“£πŸ“£

Magkakaroon po ng scheduled electrical activity sa ating lugar sa October 13, 2026 (Martes), mula 3:30 PM hanggang 4:30 PM.

πŸ”§ Gawain: Uprating ng transformer mula 50kVA hanggang 75kVA
πŸ“ Lugar: National Road, Calo, Dila, Bay, Laguna

Inaasahan po ang pansamantalang pagbagal ng daloy ng trapiko dahil sa paggamit ng heavy equipment at pag-okupa ng bahagi ng kalsada. Mahigpit din pong ipatutupad ang pag-iwas ng mga pedestrian sa work area para sa kaligtasan ng lahat.

πŸ™ Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa, pakikiisa at pagtutulungan upang maging maayos at ligtas ang nasabing gawain.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa.

β€” Barangay Calo

Address

J. P. Rizal Street
Bay
4033

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Calo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Calo:

Shortcuts

Share