San Isidro Bay, Laguna

Directions

San Isidro Bay, Laguna Updates

ANUNSYO!!!
12/09/2026

ANUNSYO!!!

11/09/2026

Magandang Umaga po!

Magkakaroon po ng Blood Sugar Testing sa darating na Sabado Setyembre 12, 2026 ganap na 7:00 ng umaga ito po ay 25 slots lang sa mga nais po magpalista makipag ugnayan lang po sa ating Barangay Health Worker na sina Gng. Virgilia Romasanta at Gng. Victoria Lapitan Villagracia.

πŸ“’ ANUNSYO!!!
03/09/2026

πŸ“’ ANUNSYO!!!

Sama sama po nating suportahan ang ating kandidata para sa Binibining Bay 2026 Fiesta BayeΓ±a, Coronation night mamayang ...
26/08/2026

Sama sama po nating suportahan ang ating kandidata para sa Binibining Bay 2026 Fiesta BayeΓ±a, Coronation night mamayang 7pm.

10/08/2026

πŸ“’ PAUNAWA SA LAHAT NG MAGULANG

Sa mga magulang na may mga anak na edad 6–59 buwan, magkakaroon po ng MEASLES BOOSTER (MMR) VACCINATION.

πŸ’‰ MEASLES BOOSTER – MMR
πŸ“… Araw: Agosto 11, 2026
⏰ Oras: 8:00 AM hanggang 3:00 PM
πŸ“ Lugar: Barangay Health Center

Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa Health Center upang mabigyan ng kinakailangang bakuna.

Huwag po nating palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!

30/07/2026

πŸ“£ PAANYAYA AT ANUNSYO

DALAW PATRON NI SAN AGUSTIN SA ATING KAPILYA

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Dalaw Patron ni San Agustin sa ating Kapilya.

πŸ™ BANAL NA MISA
πŸ“… Agosto 1, 2026 (Sabado)
πŸ•“ Ika-4:00 ng Hapon

Matapos ang Banal na Misa ay magkakaroon ng Prusisyon bilang pagpaparangal kay San Agustin.

Halina't magsimba at makiisa sa banal na pagdiriwang bilang isang nagkakaisang pamayanan ng pananampalataya.

Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal sa pamamagitan ng ating Patrong si San Agustin.

25/07/2026

πŸ“’ ATTENTION PO SA LAHAT NG OFW, EX-OFW AT KANILANG MGA PAMILYA!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng OFW, Ex-OFW at kanilang pamilya na makiisa at dumalo sa isang mahalagang pagtitipon ngayong Linggo, alas-3:00 ng hapon sa Barangay Hall ng San Isidro.

MAY ELECTION PO!

Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga upang maging bahagi ng pagpili at pagbuo ng isang mas aktibo at nagkakaisang samahan para sa ating mga OFW, Ex-OFW at kanilang mga pamilya.

πŸ“… Araw: Linggo
⏰ Oras: 3:00 PM
πŸ“ Lugar: Barangay Hall, San Isidro

πŸ‘‰ Kaya naman, mga Ka-OFW, huwag po nating palampasin!
Hinihikayat po namin ang lahat na dumalo, makiisa at makibahagi.

Maraming salamat po!

15/06/2026

Magandang Umaga po!

PASENSYA NAPO, itutuloy nadaw po ang hakot ng basura ngayong araw salamat po.

15/06/2026

Magandang Hapon po!

Bukas po ay wala po munang hakot ng basura kaya wala po munang maglalabas ng mga basura sa kalsada (bukas lamang po) ang hakot po natin ay sa Miyerkules napo Salamat po!

15/06/2026

Address

Bay

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Bay, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share