08/10/2026
🧹🎨 CLEAN-UP DRIVE AND REPAINTING OF SCHOOL PERIMETER FENCE 🎨🧹
Bayanihan at malasakit para sa ating paaralan! 💚
Isinagawa ang Clean-Up Drive at Repainting of the School Perimeter Fence na pinangunahan ng ating masisipag na SPTA Officers, sa pakikipagtulungan at tulong ng mga 4Ps Members.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nilinis ang paligid ng paaralan at muling pinaganda ang perimeter fence upang maging mas maaliwalas, malinis, at kaaya-aya ang ating school environment.
Ang gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan, pagkakaisa, at volunteerism, mas napapaganda at napapangalagaan natin ang ating paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.
Maraming salamat sa ating SPTA Officers at 4Ps Members sa kanilang oras, sipag, at buong pusong suporta. 💪❤️
Sama-sama para sa malinis, ligtas, at magandang paaralan! 🏫✨