DepEd Tayo Hermoza ES 101293

Call Directions Website Contact the organization

DepEd Tayo Hermoza ES 101293 Official page of Hermoza Elementary School

SELF HELP FEEDING PROGRAM
28/10/2026

SELF HELP FEEDING PROGRAM

Isang taos-pusong pasasalamat kay Engr. Florante O. Bautista sa kanyang kabutihang-loob at pagbibigay ng tinapay(nutribu...
28/10/2026

Isang taos-pusong pasasalamat kay Engr. Florante O. Bautista sa kanyang kabutihang-loob at pagbibigay ng tinapay(nutribun) para sa mga mag-aaral ng Kinder, Grade 1, at Grade 2 ng Hermoza Elementary School bilang bahagi ng ating Self-Help Feeding Program.

Ang simpleng handog na ito ay malaking tulong sa pagtataguyod ng kalusugan, wastong nutrisyon, at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Ang ganitong uri ng pagkalinga ay nagpapakita na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mas napaglilingkuran natin ang pangangailangan ng ating mga bata.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat kay Gng. Loida J. Macanas, Principal II, sa patuloy na paggabay at pagsuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po, Engr. Florante O. Bautista, sa inyong mapagkalingang puso at patuloy na suporta sa edukasyon at nutrisyon ng ating mga bata.

🍲 SELF-HELP FEEDING PROGRAM NG GRADE 1-CATALAN Sa bawat pagkaing masustansiya, kalusugan ng mga bata ay pinahahalagahan....
28/10/2026

🍲 SELF-HELP FEEDING PROGRAM NG GRADE 1-CATALAN

Sa bawat pagkaing masustansiya, kalusugan ng mga bata ay pinahahalagahan.

Patuloy ang Grade 1-Catalan sa pagsusulong ng wastong nutrisyon sa pamamagitan ng Self-Help Feeding Program. Mula sa masayang paghahanda at pagsasalo-salo ng pagkain, naipapakita natin ang kahalagahan ng pagkain ng masustansiya para sa malusog na pangangatawan at aktibong pagkatuto ng mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa mga magulang sa kanilang walang sawang suporta, pakikiisa, at pagmamahal sa ating mga mag-aaral. Maraming salamat din sa patuloy na paggabay ni Gng. Loida J. Macanas, Principal II, sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga bata.

Sa pagtutulungan ng paaralan at tahanan, sama-sama nating itaguyod ang batang malusog, masigla, at handa sa pagkatuto!

23/10/2026
🎉 ARAL MATH – WEEK 1 DONE! | ARAL READING – WEEK 4 DONE! 📚➕Congratulations to our ARAL participants for their active par...
23/10/2026

🎉 ARAL MATH – WEEK 1 DONE! | ARAL READING – WEEK 4 DONE! 📚➕

Congratulations to our ARAL participants for their active participation and continuous progress in learning! 👏

Thank you to our dedicated and supportive teachers for their guidance and commitment to improving learners’ literacy and numeracy skills.

Together, we learn and grow! ❤️

🍲PROJECT LUTOMuling naisakatuparan ang ikatlong Self-Help Feeding ng Grade 1-Catalan sa ilalim ng Project LUTO — Lusog n...
23/10/2026

🍲PROJECT LUTO
Muling naisakatuparan ang ikatlong Self-Help Feeding ng Grade 1-Catalan sa ilalim ng Project LUTO — Lusog ng katawan, Ugnayan ng Paaralan at Tahanan, Tamang Nutrisyon, at Oportunidad sa Pagkatuto.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, patuloy nating itinataguyod ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain, wastong nutrisyon, at pagtutulungan ng paaralan at tahanan upang mapanatiling malusog, masigla, at handa sa pagkatuto ang ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat kay Gng. Loida J. Macanas, Punongg**o II, sa patuloy na paggabay at suporta sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral. Gayundin, maraming salamat sa ating mga magulang sa kanilang walang sawang pakikiisa, oras, at pagsisikap sa paghahanda at pagluluto ng masustansiyang pagkain para sa mga bata.

PROJECT LUTO: Busog ang tiyan, malusog ang katawan, handa sa pagkatuto!

PROJECT MILK: 2nd Wave of Self-Help Feeding Activity! From Gulayan sa Paaralan to Laman ng TiyanAnother day of healthy e...
23/10/2026

PROJECT MILK: 2nd Wave of Self-Help Feeding Activity!

From Gulayan sa Paaralan to Laman ng Tiyan

Another day of healthy eating for our 27 Grade 2 learners under the guidance of Madam Mylene D. Sabangan.

Heartfelt thanks to our active and dedicated parents for their hands-on participation in cooking and preparing nutritious meals for our learners. We also appreciate our school principal, Madam Loida J. Macanas, for her continued support.

Together, let us nurture healthy learners, one meal at a time!

🏆 ISANG KARANGALAN, ISANG TAGUMPAY! 🏆Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Hermoza Elementary School ang pagkakamit ng I...
22/10/2026

🏆 ISANG KARANGALAN, ISANG TAGUMPAY! 🏆

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Hermoza Elementary School ang pagkakamit ng Ikatlong Gantimpala (3rd Place) sa Division Search for Best Reading Implementers (Elementary) sa kategoryang Medium School! 📚🎉

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pagmamahal ng ating mga g**o, punong-g**o, mag-aaral, magulang, at mga katuwang sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa sa paaralan.

Patunay ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan, mas napauunlad natin ang kakayahan ng bawat batang bumasa, umunawa, at matuto.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito! Patuloy nating palakasin ang literasi at hubugin ang mga batang may kakayahan, kaalaman, at pagmamahal sa pagbabasa.

Hermoza Elementary School — sama-samang nagbabasa, sama-samang umaangat! 🌟

KELVIN JAY M. CATALAN
School Filipino Coordinator

LOIDA J. MACANAS
Principal II

CANDRA E. PENOLIAR, DA
Public Schools District Supervisor

It Takes a Village to Nurture a Learner! 🤝🍛Warm meals, bright smiles, and big dreams! Hermoza Elementary School successf...
22/10/2026

It Takes a Village to Nurture a Learner! 🤝🍛

Warm meals, bright smiles, and big dreams! Hermoza Elementary School successfully launched Project F.E.E.D. (Food for Education, Energy, and Development) for our Grade 5 learners.

We extend our deepest gratitude to our School Principal, Ma’am Loida J. Macanas, for her steadfast leadership, and to our passionate Grade 5 Advisers and ever-supportive PTA officers and parents. Your dedication to cooking, serving, and caring for our learners reflects the true spirit of Bayanihan.

Here's to nourishing intelligence and sparking success—one meal at a time! 🌟

 #2026
21/10/2026

#2026

Address

Bayambang
2423

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639469398385

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Hermoza ES 101293 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Hermoza ES 101293:

Shortcuts

Share