Brgy. Ataynan Bayambang Page

Directions

Brgy. Ataynan Bayambang Page Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Ataynan Bayambang Page, Government Organization, Purok 1 Ataynan Bayambang Pangasinan, Bayambang.

SUCCESSFUL ORIENTATION: PAGPAPALAKAS NG VAW DESK SA BARANGAY ATAYNAN AT BARANGAY BACNONOGinanap kanina September 21, 202...
21/09/2026

SUCCESSFUL ORIENTATION: PAGPAPALAKAS NG VAW DESK SA BARANGAY ATAYNAN AT BARANGAY BACNONO

Ginanap kanina September 21, 2026 sa Barangay Ataynan ang isang mahalagang Oryentasyon patungkol sa Violence Against Women and Their Children (VAWC) na dinaluhan ng mga opisyal at lingkod-bayan ng Barangay Ataynan at Barangay Bacnono.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mas mapalawak pa ang kaalaman ng ating mga lokal na lider at frontliners sa pagtataguyod ng karapatan at kaligtasan ng mga kababaihan at kabataan sa ating komunidad.
Nakiisa sa nasabing oryentasyon ang mga sumusunod:
• Barangay Officials ng Ataynan at Bacnono
• Barangay Health Workers (BHW)
• Child Development Workers (CDW)
• Teacher Aides
• Barangay Tanod / Civil Security Officers (CVO)

Isang tapat at pasasalamat po sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pagbabahagi ng kanilang oras at kaalaman, at sa paggabay upang matagumpay na maisagawa ang oryentasyong ito.Sama-sama nating panatilihing ligtas, mapayapa, at protektado ang bawat pamilya sa ating mga barangay! āš–ļøšŸ¤




Nakiisa ang Barangay Ataynan sa World Cleanup Day at International Coastal Cleanup Day! šŸŒšŸ§¹Ngayong araw, September 20, 20...
20/09/2026

Nakiisa ang Barangay Ataynan sa World Cleanup Day at International Coastal Cleanup Day! šŸŒšŸ§¹

Ngayong araw, September 20, 2026, sama-samang kumilos ang ating mga Barangay Officials, Barangay Health Workers (BHW), at Barangay Tanod(CVO) para sa isang Clean-up Drive along Agno River dito sa ating barangay.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng ating patuloy na kampanya upang mapanatiling malinis, ligtas, at malusog ang ating ilog. Ang kalinisan ng Agno River ay responsibilidad nating lahat para sa mas magandang kinabukasan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nag-alay ng kanilang oras ngayong araw! Ipagpatuloy natin ang pagkakaisa para sa isang malinis at magandang Barangay Ataynan! šŸ’ššŸ’Ŗ



ANUNSYO MULA SA BARANGAY ATAYNAN šŸ“¢Magandang araw sa ating mga ka-barangay at sa mga residente ng mga ibang barangay! Nai...
19/09/2026

ANUNSYO MULA SA BARANGAY ATAYNAN šŸ“¢

Magandang araw sa ating mga ka-barangay at sa mga residente ng mga ibang barangay!
Nais po naming ipabatid na mayroon po tayong mga AVAILABLE NA GAMOT at VITAMINS ngayon sa ating Barangay Hall. Para sa mga nangangailangan, narito po ang mga detalye kung paano makakuha:

šŸ“ SAAN PUPUNTA: Magtungo lamang po sa Barangay Ataynan Hall / Health Center.
šŸ§‘ā€āœˆļø PAANO MAG-ASSIST: Lumapit po sa mga naka-duty upang kayo ay maasikaso agad.
šŸ‘„ SINO ANG PWEDE: Bukas po ito para sa lahat ng residente ng Barangay Ataynan.

Bukod dito, PWEDE RIN PONG KUMUHA ANG MGA TAGA-IBANG BARANGAY na nangangailangan ng mga gamot at vitamins.

Maraming salamat po at manatili tayong malusog at ligtas! Maari ninyong i-share ang post na ito para sa kaalaman ng lahat.

MATAGUMPAY NA PAMAMAHAGI NG AYUDA MULA SA DSWD AT PAGSALUDO SA ATING MGA MASISIPAG NA BHW! šŸ‡µšŸ‡­āœØNgayong araw, Setyembre 18...
18/09/2026

MATAGUMPAY NA PAMAMAHAGI NG AYUDA MULA SA DSWD AT PAGSALUDO SA ATING MGA MASISIPAG NA BHW! šŸ‡µšŸ‡­āœØ

Ngayong araw, Setyembre 18, 2026 kasama ang ating barangay Officials ay matagumpay at maayos na naisagawa sa ating barangay ang pamamahagi ng ayuda na nagmula sa DSWD.
Kasabay ng tagumpay na ito, ang Pamahalaang Barangay ay nagpapaabot ng isang malaki at taos-pusong PASASALAMAT sa ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHW) at ng ating CDW.
Kahit inabot na ng overtime sa barangay hall, hindi nila inalintana ang pagod at patuloy pa ring nagtiyaga sa pagsusulat at pag-ayos ng mga form. Ginawa nila ito upang matiyak lamang na maging organisado ang proseso para sa ating mga kabarangay.
Maaaring hindi nakikita ng iba ang inyong mga sakripisyo at effort sa likod ng kamera, ngunit ang buong pamunuan ng barangay ay lubos na nagpupugay at nagpapasalamat sa inyong walang-sawang kasipagan at dedikasyon sa serbisyo.
Mabuhay po kayo, mga BHW! Saludo po kami sa inyo! šŸ¤ā¤ļø



šŸ“¢ ABISO SA ATING MGA KA-BARANGAY (RICE DISTRIBUTION UPDATE)Para sa kaalaman ng lahat, matagumpay pong naisagawa kahapon,...
17/09/2026

šŸ“¢ ABISO SA ATING MGA KA-BARANGAY (RICE DISTRIBUTION UPDATE)

Para sa kaalaman ng lahat, matagumpay pong naisagawa kahapon, September 16, 2026, ang pamimigay ng ayudang bigas para sa bawat tahanan dito sa ating barangay.
Ang programang ito ay pinondohan gamit ang ating Barangay Calamity Fund upang agarang makapaghatid ng tulong sa bawat sambahayan matapos ang nagdaang kalamidad.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at sa ating mga Barangay Officials, BHW, BSPO and BNS na naging katuwang sa maayos at mabilis na distribusyon.
Patuloy po tayong magtulungan at mag-ingat!



Ngayong araw, September 13, 2026, buong-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay sa lahat ng ating mga lokal na ma...
13/09/2026

Ngayong araw, September 13, 2026, buong-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay sa lahat ng ating mga lokal na magsasaka na nakiisa at sumama sa ating Clean-Up Drive (CUD).
Ang inyong aktibong paglahok ay patunay ng inyong walang-sawang pagmamahal sa ating komunidad. Dahil sa inyong tulong at bayanihan, mas naging malinis, ligtas, at maayos ang ating barangay.Mabuhay po kayo, ang mga itinuturing nating bayani ng bukid at ng ating komunidad!

šŸ“¢ ANUNSYO SA ATING MGA KABARANGAY! šŸ“¢Matagumpay pong naipamahagi ang mga libreng gamot kahapon, September 10, 2026, kasab...
11/09/2026

šŸ“¢ ANUNSYO SA ATING MGA KABARANGAY! šŸ“¢

Matagumpay pong naipamahagi ang mga libreng gamot kahapon, September 10, 2026, kasabay ng naganap na payout para sa ating mga Senior Citizen.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Joseph C. AƱasco Sr. at ng ating Barangay Kagawad Vilma Retuya, katuwang ang ating masisipag na Barangay Health Workers (BHW) at BNS Rodelyn Aborde.

šŸ’Š PARA SA MGA NAIS PONG HUMINGI NG GAMOT:

Huwag po kayong mag-alala dahil AVAILABLE pa rin po ang mga gamot sa ating Barangay.Magtungo lamang po sa ating barangay hall at lumapit sa BHW on duty upang kayo ay maassist nang maayos.

Maraming salamat po at manatili tayong malusog, mga Kabarangay!





šŸ“¢ MATAGUMPAY NA PAGSASAGAWA NG NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) SA ATING BARANGAY!Ginanap kahapon, Septembe...
11/09/2026

šŸ“¢ MATAGUMPAY NA PAGSASAGAWA NG NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) SA ATING BARANGAY!

Ginanap kahapon, September 10, 2026, ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa ating barangay. Ito ay matagumpay na pinangunahan ng ating masipag na Punong Barangay Joseph C. AƱasco kasama ang ating mga aktibong Barangay Officials na sina Kagawad Richard Fernandez , Kagawad Vilma Retuya, BHW, BNS,BSPO,CVO at Senior Citizen.
Layunin ng aktibidad na ito na ihanda at sanayin ang bawat isa sa tamang pag-aksyon sa oras ng lindol sa pamamagitan ng "Duck, Cover, and Hold."

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng pagsasanay na ito tungo sa isang ligtas at handang komunidad!




AKSYON AGAD! šŸ¤Isang mapagpalang araw sa ating mga ka-Barangay!Nais po naming ipabatid sa publiko ang naging mabilis na a...
10/09/2026

AKSYON AGAD! šŸ¤

Isang mapagpalang araw sa ating mga ka-Barangay!
Nais po naming ipabatid sa publiko ang naging mabilis na aksyon ni Kapitan Joseph C. AƱasco Sr. kasama ang mga CVO hinggil sa isang concern na ipinost sa Facebook kamakailan ng isa nating residente ukol sa maputik at mahirap na daan sa Purok 6.
Ngayong araw, personal na pinuntahan ni Kapitan Joseph C. AƱasco Sr. ang naturang lokasyon upang makaharap at makausap ang ating concern citizen. Layunin po ng pagbisitang ito na personal na ipaliwanag ang tunay na sitwasyon ng nasabing daanan.

Ang Katotohanan ukol sa Daan:

Ipinaliwanag ni Kapitan na ang naturang daan ay isang private property o pagmamay-ari ng isang pribadong indibidwal. Ayon sa batas, hindi po basta-basta makakapagpagawa o makakapag-semento ang pamahalaan sa mga lupang pribado nang walang pahintulot ng may-ari.

Ang Solusyon at Kasunduan:

Sa kabila nito, hindi po umuwing bigo ang ating Punong Barangay. Kinausap po ni Kapitan Joseph C. AƱasco Sr. ang residente at ang mga apektadong kapitbahay na tulungang makuha ang matamis na "OO" o pahintulot (Right of Way) mula sa may-ari ng lupa.Nangako po si Kapitan AƱasco na sa oras na pumayag ang may-ari at maayos ang dokumento, agad na aksyonan ng Barangay para mapasemento ang nasabing daan upang maging komportable na ang pagdaan ng lahat.

Salamat sa ating concern citizen sa pagpaparating ng mensahe, at salamat kay Kap AƱasco sa mabilis na pagtugon! Patuloy po tayong magtulungan para sa ikauunlad ng ating barangay.




Address

Purok 1 Ataynan Bayambang Pangasinan
Bayambang
2423

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Ataynan Bayambang Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share