Brgy. Sto. Tomas Biñan Information Unit

Directions

Brgy. Sto. Tomas Biñan Information Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Sto. Tomas Biñan Information Unit, Government Organization, Sto. Tomas, Binãn.

📣 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐭𝐨. 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬 📣Magkakaroon po ng BPI Booth sa Barangay Hall ng Santo Tomas Biñ...
27/10/2026

📣 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐭𝐨. 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬 📣

Magkakaroon po ng BPI Booth sa Barangay Hall ng Santo Tomas Biñan City upang magbigay ng pagkakataon sa ating mga mamamayan na makapagbukas ng BPI account nang walang initial deposit at walang maintaining balance.

-Kinakailangan lamang magdala ng isang (1) valid ID at cellphone

-18 yrs old pataas

Lugar: Barangay Santo Tomas Hall
Petsa: October 28-30, 2026
Oras: 8am onwards

Tinatanggap na Valid IDs:
• National ID (PVC and Temporary ID only)
• Driver’s License
• Passport
• Postal ID
• PRC ID
• UMID/SSS

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito upang maging bahagi ng serbisyong pinansyal ng Bank of the Philippine Islands (BPI).


Na naganap ngayong araw sa ating Health Center:📌Libreng  Bunot ng Ngipin 🦷📌Breast Cancer Awareness!💜Programa ng Sangguni...
27/10/2026

Na naganap ngayong araw sa ating Health Center:

📌Libreng Bunot ng Ngipin 🦷
📌Breast Cancer Awareness!💜

Programa ng Sangguniang Barangay ng Sto.Tomas ❤

❤

𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬 | 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗗𝗗𝗥𝗘𝗦𝗦 (𝗦𝗢𝗕𝗔) 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗧𝗢. 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥 , 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟱:𝟬...
27/10/2026

𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬 | 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗗𝗗𝗥𝗘𝗦𝗦 (𝗦𝗢𝗕𝗔)
𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗧𝗢. 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦
𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥 , 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲
𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠
𝗕𝗜Ñ𝗔𝗡 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗢𝗙 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗗 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗜𝗖𝗦

Sa diwa ng pagkakaisa, kultura, at makabuluhang paglilingkod, naisagawa ang Barangay Assembly ng Barangay Sto. Tomas, na dinaluhan ng ating mga kabarangay upang talakayin ang mga programa, proyekto, mga nagawa, at mga susunod pang hakbang tungo sa mas maunlad na Barangay Sto. Tomas.

Naging mas makabuluhan at makulay ang pagtitipon sa temang 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗶𝘀𝘆𝘂𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝘀𝘂𝗼𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, kung saan buong pagmamalaking nagsuot ng kani-kanilang kasuotang Filipino ang mga bumubuo sa Sangguniang Barangay, mga panauhing pandangal, mga bisita, at lahat ng empleyado ng barangay. Isang magandang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kultura at ng pagkakaisa sa kabila ng iba't ibang tungkulin sa paglilingkod sa barangay.

Sa pamumuno ni 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗛𝗼𝗻. 𝗩𝗮𝗻𝗲𝘀𝗮 𝗭𝗮𝗯𝗮𝗹𝗹𝗮,
mga kagawad:
𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗚. 𝗗𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿
𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗼 𝗗. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗿𝗶𝗻
𝗛𝗼𝗻. 𝗗𝗶𝗼𝗻𝗶𝘀𝗶𝗼 𝗩. 𝗕𝗮𝘀𝗺𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗿.
𝗛𝗼𝗻. 𝗘𝗹𝗶𝘇𝗮𝗯𝗲𝘁𝗵 𝗥. 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼
𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗔. 𝗕𝗲𝗹𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘀
𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝗺𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗠. 𝗗𝗶𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗻
𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗗. 𝗥𝗼𝗺𝗮𝗻𝘁𝗶𝗴𝘂𝗲
Kalihim, 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗹 𝗖. 𝗚𝗼𝗻𝘇𝗮𝗹𝗲𝘀
Ingat Yaman, 𝗠𝗿. 𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗼 𝗕. 𝗔𝗴𝘂𝗹𝘁𝗼
Sk Chairman, 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗗. 𝗥𝗼𝗺𝗮𝗻𝘁𝗶𝗴𝘂𝗲

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa ating mga panauhing pandangal na sina 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗟𝗚𝗢𝗢 𝗠𝗮'𝗮𝗺 𝗟𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗥. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, 𝗣𝗟𝗘𝗕 𝗦𝗶𝗿 𝗠𝗮𝗿 𝗦𝗶𝗴𝘂𝗲, 𝗿𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗡𝗣 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗿𝗻𝗼𝗹𝗱 𝗗𝗲 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀, 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗕𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗲𝗷𝗮𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗕𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗝𝗶𝗴𝗰𝘆 𝗣𝗲𝗰𝗮ñ𝗮, sa kanilang pagdalo at pakikiisa sa mahalagang pagtitipong ito.

Sa lahat ng ating mga kabarangay, mga bisita: Akhro, Tau Gamma, 1 Ganap Guardian, Guardian Granada Chapter, Senior Coordinators, HOA representatives, PWD, Solo Parent, Likas kababaihan representatives, Principal of BSSAA, Principal of STES, Principal of Senior Highschool - Sto. Tomas Campus, , SPTA, Toda at kawani ng barangay at iba pang mamamayan ng Brgy. Sto. Tomas na naglaan ng oras, nagbahagi ng mga suhestiyon, at nakiisa sa ating pagtitipon, maraming-maraming salamat po! Ang inyong pakikilahok ay patunay na sa sama-samang pagkilos, mas marami tayong kayang makamit para sa ating barangay.

Sa bawat hakbang ng paglilingkod, iisa ang ating layunin: ang isang Barangay Sto. Tomas na mas maunlad, mas nagkakaisa, at patuloy na umaangat.

𝗟𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗪𝗮𝗴𝗮𝘀, 𝗔𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗦𝘁𝗼. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀! ❤️
𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆 𝗣𝘂𝘀𝗼
- 𝗞𝗮𝗽 𝗩𝗮𝗻𝗲𝘀𝗮 𝗭𝗮𝗯𝗮𝗹𝗹𝗮. 🤝

27/10/2026
26/10/2026

Mga kabarangay, bukas Oct. 27, 2026 (4th tuesday of the month) ay may libreng bunot ng ngipin sa ating Brgy. Health Center, from 8 to 10am . Dentist:Dr. Vic Tacadao. Serbisyong May Puso ❤️
note: bring valid ID na taga Sto.Tomas

🎓🌟 ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI SA ATING BAGONG SUMMA CUM LAUDE! 🌟🎓Buong pagmamalaki at kagalakan, binabati ng Pamahalaang ...
15/10/2026

🎓🌟 ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI SA ATING BAGONG SUMMA CUM LAUDE! 🌟🎓

Buong pagmamalaki at kagalakan, binabati ng Pamahalaang Barangay ang ating kabarangay na nagtapos bilang Summa Cum Laude! 🏅👏

Ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag, tiyaga, disiplina, at dedikasyon sa pag-aaral. Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa kapwa kabataan na patuloy mangarap, magsikap, at maniwala sa sariling kakayahan.

Ipinagmamalaki ka ng ating barangay! Nawa’y mas marami ka pang makamit na tagumpay at magamit ang iyong karunungan sa paglilingkod sa kapwa at sa ating pamayanan. 💙

Muli, congratulations! Ang iyong tagumpay ay tagumpay rin ng ating barangay! 🎉

Address

Sto. Tomas
Biñan
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sto. Tomas Biñan Information Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share