DepEd Tayo - Youth Formation - Mamplasan NHS

Directions

DepEd Tayo - Youth Formation - Mamplasan NHS The Supreme Secondary Learners Government (SSLG) is the highest governing student body of Mamplasan National High School.

PROJECT SHARE-ACEBOOK no. 471🙏 Maka-diyos • Isaias 41:10 "Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; huwag kang manga...
16/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK no. 471

🙏 Maka-diyos
• Isaias 41:10
"Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; huwag kang mangamba, sapagkat ako ang iyong Diyos; palalakasin kita at tutulungan."

🤝 Makatao
• Igalang ang dignidad ng bawat tao anuman ang katayuan niya sa buhay.

🌱 Makakalikasan
• Pangalagaan ang kalikasan bilang utang na loob sa Maykapal at pamana sa susunod na salinlahi.

🇵🇭 Maka-bansa
• Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nakikita sa disiplina at malasakit sa kapwa Pilipino

PROJECT SHARE-ACEBOOK no. 470🙏 Maka-diyos • 1 Corinto 13:4"Ang pag-ibig ay mapagtiis, at mabait; ang pag-ibig ay hindi n...
14/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK no. 470

🙏 Maka-diyos
• 1 Corinto 13:4
"Ang pag-ibig ay mapagtiis, at mabait; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamalaki, hindi mapagpalalo."

🤝 Maka-tao
• Igalang mo ang kapwa kahit hindi mo kilala. Makinig bago manghusga. Tumulong kahit walang kapalit.

🌱 Makakalikasan
• Sa bawat punong pinutol na hindi pinapalitan, kinabukasan ang nasasakripisyo. Sa bawat basurang iniiwan nang walang pakundangan, kalusugan ng komunidad ang naaapektuhan.

🇵🇭 Maka-bansa
• Mahalin ang sariling wika, kultura, at bayan nang may gawa, hindi lang salita.

PROJECT SHARE-ACEBOOK no. 469🙏 Maka-diyos • Kawikaan 4:13Pakahawakan mo ang turo; huwag mong bitawan: ingatan mo siya; s...
13/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK no. 469

🙏 Maka-diyos
• Kawikaan 4:13
Pakahawakan mo ang turo; huwag mong bitawan: ingatan mo siya; sapagkat siya ang iyong buhay.

🤝 Makatao
• Hindi natin kailangang kilalanin ang lahat para igalang sila. Sapat na ang ngumiti, makinig, at hindi manakit ng kapwa sa salita o gawa.

🌱 Makakalikasan
• Hindi tayo pinaghiwalay ng tao at kalikasan, iisa lang tayo. Kapag siya ang nasaktan, tayo rin ang masasaktan.

🇵🇭 Maka-bansa
• Ang bayan ay hindi lang sa mapa nakikita. Nasa kamay mo kapag marunong kang bumoto nang tama. Nasa bibig mo kapag hindi mo sinisiraan ang kapwa Pilipino. Nasa paa mo kapag pinipili mong manatili at tumulong

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 468🙏 Maka-diyos• Josue 1:9Magpakalakas ka at magpakatapang... sapagkat kasama mo ang Panginoon...
12/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 468

🙏 Maka-diyos
• Josue 1:9
Magpakalakas ka at magpakatapang... sapagkat kasama mo ang Panginoong iyong Diyos saan ka man magpunta.

🤝 Maka-tao
• Matutong rumespeto kahit hindi ka nire-respeto. Ito ay ang hindi panghuhusga at marunong makinig. Ito ay ang pagpiling maging mabuti kahit mahirap. Dahil ang tunay na talino ay nasa puso, hindi lang sa isip.

🌱 Makakalikasan
• Hindi natin kailangang maging bayani para iligtas ang mundo. Sapat na ang pagpulot ng kalat at pagtitipid ng tubig. Mahalin mo ang mundo, dahil dito ka rin humihinga at nabubuhay.

🇵🇭 Maka-bansa
• Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lang isinisigaw tuwing may laban ang Pilipinas. Ito ay nasa pagtangkilik sa sariling atin at paggalang sa watawat. Ito ay ang hindi pagkalimot sa wikang kinagisnan kahit uso ang banyaga.

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 467🙏🏻 Maka-Diyos • “And everything you ask in a prayer, believe in it and you shall recieve”- ...
07/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 467

🙏🏻 Maka-Diyos
• “And everything you ask in a prayer, believe in it and you shall recieve”
- Matthew 21:22

🇵🇭 Maka-Bansa
•Tapat nating gampanan ang mga tungkulin bilang mamamayan upang makapag-ambag sa kaunlaran, kapayapaan, at kultura ng Pilipinas.

🌱 Makakalikasan
•Aktibo nating pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan."

❤️ Maka-Tao
•Ipinapakita ko ang pagmamalasakit at paggalang sa dangal ng bawat kapwa nang walang pagtatangi o diskriminasyon.

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 466🙏🏻 Maka-Diyos • “For from Him and through Him and to Him are all things. To Him be the glor...
06/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 466

🙏🏻 Maka-Diyos
• “For from Him and through Him and to Him are all things. To Him be the glory forever. Amen. ”
- Revelation 22:21

🇵🇭 Maka-Bansa
•Ipagmalaki mo ay mahalin mo nang buong puso and pagiging pilipino, pinoy, at mamamayanan ng ating bansa.

🌱 Makakalikasan
•Alagaan, linisan, pagyamanin natin ang ating kalikasam sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikiisa ng bawat kapwa.

❤️ Maka-Tao
•Igalang mo ang bawat tao, ipakita mo ang iyong tamang paggamit ng salita, at ang tama o nararapat na kilos sa isang bagay.

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 465🙏🏻 Maka-Diyos • “The grace of the Lord Jesus be with all. Amen.”- Revelation 22:21🇵🇭 Maka-B...
05/10/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 465

🙏🏻 Maka-Diyos
• “The grace of the Lord Jesus be with all. Amen.”
- Revelation 22:21

🇵🇭 Maka-Bansa
•"I would live in a country run like hell by filipino rather than a country run like heaven by foreigner." Taos puso nating isa puso ang sarili nating bayan at mahalin itong lubusan.

🌱 Makakalikasan
• “Keep the Sea Plastic Free.” Wag natin pabayaan ang ating karagata, dapat natin ito inaalagaan.

❤️ Maka-Tao
• “Igalang mo ang bawat tao, sa paraan na gusto mong igalang sa sarili mo.”

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 464🙏🏻 Maka-Diyos • “Ano man ang inyong ginagawa, gawin niyo ng buong puso, na parang sa pangin...
28/09/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK No. 464

🙏🏻 Maka-Diyos
• “Ano man ang inyong ginagawa, gawin niyo ng buong puso, na parang sa panginoon at hindi sa mga tao.”
– Colosas 3:23

🇵🇭 Maka-Bansa
• “Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang sa salita, kundi sa gawa, respeto, at malasakit sa kapwa Pilipino.”

🌱 Makakalikasan
• “Maliit na hakbang sa pangangalaga ng kalikasan, malaking pagbabago para sa kinabukasan.”

❤️ Maka-Tao
• “Maliit man ang iyong kabutihan, maaari itong maging malaking bagay para sa taong nangangailangan.”

PROJECT SHARE ACE-BOOK NO. 463🙏🏻 Maka-Diyos• “Manalangin bago kumilos, magtiwala bago mangamba, at magmahal dahil ito an...
25/09/2026

PROJECT SHARE ACE-BOOK NO. 463

🙏🏻 Maka-Diyos
• “Manalangin bago kumilos, magtiwala bago mangamba, at magmahal dahil ito ang kalooban ng Diyos.”
— 1 Juan 4:7–8

❤️ Maka-Tao
• “Kung may kaya kang magpagaan ng buhay ng iba, gawin mo—dahil ang kabutihang ipinapasa ay nagiging liwanag sa marami.”

🌱 Makakalikasan
• “Magtanim ngayon, mag-ingat ngayon, dahil ang mundong aalagaan natin ngayon ang mundong mamanahin ng bukas.”

🇵🇭 Maka-Bansa
• “Ang kinabukasan ng bayan ay hinuhubog ng kabataang marunong mangarap, kumilos, at magmalasakit.”

PROJECT SHARE-ACEBOOK NO. 462🙏🏻 Maka-Diyos• “Sa bawat pagsubok, manalig sa Diyos; sapagkat ang pusong may pananampalatay...
25/09/2026

PROJECT SHARE-ACEBOOK NO. 462

🙏🏻 Maka-Diyos
• “Sa bawat pagsubok, manalig sa Diyos; sapagkat ang pusong may pananampalataya ay hindi kailanman nag-iisa.”
— Hebreo 11:1

❤️ Maka-Tao
• “Ang tunay na kabutihan ay hindi nasusukat sa laki ng ginawa, kundi sa pusong handang tumulong kahit walang kapalit.”

🌱 Makakalikasan
• “Ang kalikasan ay hindi lamang ating tahanan; ito ay tahanang ipinagkatiwala sa atin para sa susunod na salinlahi.”

🇵🇭 Maka-Bansa
• “Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang ipinapahayag; ito’y pinatutunayan sa bawat mabuting gawa.”

Address

Purok 2 Brgy. Mamplasan Biñan City Laguna
Binãn
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - Youth Formation - Mamplasan NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category