LTO Cabuyao / Binan D.O.

Directions

LTO Cabuyao / Binan D.O. The new and official FB Page of LTO Cabuyao / Binan DO

12/10/2026
12/10/2026

𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍, 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐊𝐀𝐘 𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅 𝐀𝐒𝐄𝐂. 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐔𝐒 𝐕. 𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐎

Mainit na pagbati ang ipinaaabot ng LTO CALABARZON kay Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao sa kanyang unang anibersaryo bilang pinuno ng Land Transportation Office (LTO).

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong ng LTO ang 7-Point Reform Agenda, na nakatuon sa pagpapahusay ng serbisyo publiko, pagpapalakas ng integridad at pananagutan, pagpapatupad ng anti-corruption measures, digitalization, at mas pinaigting na road safety enforcement.

Kaisa ang LTO CALABARZON, sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, sa pagsusulong ng Bagong LTO sa Bagong Pilipinas na naglalayong maghatid ng mas mahusay, makabago, transparent, at maaasahang serbisyo para sa bawat Pilipino.

Maligayang unang anibersaryo sa LTO, Chief Asec. Markus V. Lacanilao!

OCTOBER 01 - 07 | PAGKILALA AT PAGPUPUGAY NG LTO CABUYAO DISTRICT OFFICE SA MGA NAKATATANDAPatuloy ang pakikiisa ng LTO ...
07/10/2026

OCTOBER 01 - 07 | PAGKILALA AT PAGPUPUGAY NG LTO CABUYAO DISTRICT OFFICE SA MGA NAKATATANDA

Patuloy ang pakikiisa ng LTO Cabuyao District Office sa paggunita at pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, bilanh pagkilala at pasasalamat sa ating mga nakakatandang empleyado at kliyente.

Maraming salamat po sa inyong mga sakripisyo, dedikasyon, at patuloy na serbisyo. Kayo po ay aming inspirarsyon at huwaran sa paglilingkod. 🫡

Mabuhay po kayo, at maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa ating lipunan! ❤️





07/10/2026

𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎 𝐀𝐓 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐒𝐓𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐔𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐘

STA. ROSA CITY, LAGUNA — Personal na nag-courtesy call ngayong araw si LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena kay Sta. Rosa City Mayor Arlene B. Arcillas sa tanggapan ng alkalde, kasama si LTO Cabuyao District Office Chief Cloyd Deo Librea, kung saan tinalakay ang mga hakbang para mapalakas ang ugnayan ng LTO at ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo at pagpapatupad ng mga programa sa lungsod.

Kabilang sa mga napag-usapan ang TODA Rescue Program, isang inisyatibong nakatuon sa pagpapalakas ng kaalaman at kahandaan ng mga miyembro ng transport sector sa pagtugon sa mga insidente at emergency sa kalsada. Tinalakay rin ang interconnectivity sa pagitan ng LTO at LGU Sta. Rosa upang mapalakas ang koordinasyon at ugnayan sa mga serbisyong may kaugnayan sa transportasyon.

Napag-usapan din ang paglikha ng LTO Sta. Rosa District Office, na layong mailapit pa ang mga serbisyo ng ahensya sa mga residente at motorista ng lungsod at mga kalapit na lugar.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, isinusulong ng LTO CALABARZON ang mga hakbang na tutugon sa pangangailangan ng mga motorista at transport sector, habang pinapalakas ang koordinasyon para sa mas maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.




07/10/2026

Ipagdiwang ang kontribusyon at halaga ng ating mga nakatatanda sa pamilya at lipunan. Kaisa po ang LTO CALABARZON sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week!




Address

154 Areza Town Center Canlalay
Binãn
4024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Cabuyao / Binan D.O. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share