Barangay Palangoy Drrmo

Directions

Barangay Palangoy Drrmo Official page ng Barangay Palangoy DRRMO

MALAWAK NA BAGYONG ‘ROSAL’, BAHAGYANG HUMINA HABANG NASA SILANGAN NG BATANES!🌀UPDATE: Bahagyang humina ang Typhoon   [ ]...
22/10/2026

MALAWAK NA BAGYONG ‘ROSAL’, BAHAGYANG HUMINA HABANG NASA SILANGAN NG BATANES!🌀

UPDATE: Bahagyang humina ang Typhoon [ ] habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa Philippine Sea, as of 2:00 PM ngayong Huwebes, Oktubre 22, 2026.

Namataan ang bagyo sa layong 370 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging 165 km/h at pagbugsong hanggang 205 km/h. Kumikilos ito sa bilis na 15 km/h.

Patuloy na subaybayan ang mga susunod na update at abiso ng DOST-PAGASA hinggil sa galaw at lakas ng bagyo.

HILAGANG LUZON, NAGSISIMULA NANG MARANASAN ANG EPEKTO NG SUPER TYPHOON ‘ROSAL’! 🌧️UPDATE: Nagsimula nang maranasan sa il...
21/10/2026

HILAGANG LUZON, NAGSISIMULA NANG MARANASAN ANG EPEKTO NG SUPER TYPHOON ‘ROSAL’! 🌧️

UPDATE: Nagsimula nang maranasan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ang pag-ulan kaugnay ng Super Typhoon [ ], na patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

As of 8:00 PM ngayong Oktubre 21, namataan ang bagyo sa layong 670 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, taglay ang lakas ng hanging 205 km/h at pagbugsong hanggang 250 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Inaasahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Batanes at Calayan, Cagayan. Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto, mag-ingat sa posibleng epekto ng pag-ulan, at patuloy na subaybayan ang mga abiso ng DOST-PAGASA habang papalapit ang bagyo.

𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜 𝗢 "𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟", 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 2026 🌀 : Itinuturing na pinakamalakas na tropica...
21/10/2026

𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜 𝗢 "𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟", 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 2026 🌀

: Itinuturing na pinakamalakas na tropical cyclone sa buong mundo ngayong 2026 ang Super Typhoon Champi o Super Bagyong sa batay sa peak sustained wind speed, matapos umabot sa tinatayang 296 km/h ang lakas ng hangin nito, ayon sa ulat ng The Weather Network noong Oktubre 20.

Batay naman sa datos ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na inilathala ng Ventusky, naitala ang 296 km/h na sustained winds at pagbugsong umaabot sa 361 km/h ngayong Oktubre 21.

Dahil sa pambihirang lakas nito, nalampasan ni Champi ang Hurricane Polo na dating nangunguna sa talaan ng pinakamalalakas na tropical cyclone ngayong taon batay sa sustained wind speed.

Gayunman, mahalagang tandaan na maaaring magkaiba ang ranggo ng mga bagyo depende sa pamantayang ginagamit, kabilang ang lakas ng hangin at pinakamababang central pressure.

Samantala, patuloy na binabantayan ang direksiyon at lakas ng Super Typhoon Champi. Pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa posibleng epekto nito sa Pilipinas.

Sources: The Weather Network, JTWC via Ventusky, at Typhoon2000.

SUPER BAGYONG 'ROSAL', UMABOT NA SA 215 KM/H ANG LAKAS NG HANGIN; TINATAHAK NA DIREKSYON UMANGAT PATUNGONG TAIWAN AT RYU...
20/10/2026

SUPER BAGYONG 'ROSAL', UMABOT NA SA 215 KM/H ANG LAKAS NG HANGIN; TINATAHAK NA DIREKSYON UMANGAT PATUNGONG TAIWAN AT RYUKYU ISLANDS! 🌀

BREAKING: Lalo pang lumakas ang super typhoon { } mula 195 km/h, ngayon ay nasa 215 km/h na ang taglay na lakas ng hangin. Kitang-kita ang nangangalit nitong mata habang patungo sa direksyon ng Taiwan at Ryukyu Islands.

Good news dahil mas lumayo pa ang inaasahang tatahaking direksyon ng super bagyo kesa sa naunang inaasahan. Ngunit dahil sa lawak nito, simula Huwebes ay mararamdaman na sa at ilang bahagi ng ang masungit na panahon na may pabugso-bugsong hangin.

Antabayanan pa ang mga susunod na updates sa bagyo dahil magbabago pa ang mga datos ukol dito.

SUPER BAGYONG CHAMPI, PUMASOK NA SA PAR ; SIGNAL NO. 1, ITINAAS SA ILANG LUGAR SA LUZON 🌀 : Pumasok na sa Philippine Are...
20/10/2026

SUPER BAGYONG CHAMPI, PUMASOK NA SA PAR ; SIGNAL NO. 1, ITINAAS SA ILANG LUGAR SA LUZON 🌀

: Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Champi at pinangalanan itong Bagyong Rosal, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Oktubre 20.

Batay sa 4:00 PM weather bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng Super Typhoon Rosal sa layong 1,270 kilometro silangan ng Central Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 195 km/h malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 240 km/h. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

⚠️ SIGNAL NO. 1, ITINAAS SA ILANG LUGAR

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa banta ng malalakas na hangin dulot ng bagyo. Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ang , ilang bahagi ng at , hilagang-silangang bahagi ng , at hilagang-silangang bahagi ng .

🌧️ MGA LUGAR NA INAASAHANG UULAN

Ayon sa PAGASA, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa trough o extension ng Super Typhoon .

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maaaring makaranas ng mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms. Posible ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa kapag nakaranas ng malakas na pag-ulan.

🌀 ANO ANG SUSUNOD NA GALAW NG BAGYO?

Ayon sa PAGASA, inaasahang kikilos ang Super Typhoon Rosal pahilagang-kanluran hanggang Miyerkules, Oktubre 21, bago kumilos sa pangkalahatang direksiyong hilagang-kanluran hanggang Biyernes, Oktubre 23.

Posible itong manatili sa kategoryang super typhoon habang nasa Philippine Sea, bagama't inaasahang unti-unti itong hihina sa mga susunod na araw. Posible ring magbago ang forecast track nito.

📌 PAALALA: Hindi awtomatikong nangangahulugang magla-landfall sa Pilipinas ang pagpasok ng bagyo sa PAR. Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga nasa hilaga at silangang bahagi ng bansa, na manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng PAGASA.

SOURCE: DOST-PAGASA
PHOTO: Satellite image mula sa Zoom Earth

SUPER TYPHOON CHAMPI, PAPASOK NA SA PAR NGAYONG ARAW BILANG ROSAL 🌀 Bahagyang lumakas pa ang Super Typhoon   habang kumi...
19/10/2026

SUPER TYPHOON CHAMPI, PAPASOK NA SA PAR NGAYONG ARAW BILANG ROSAL 🌀

Bahagyang lumakas pa ang Super Typhoon habang kumikilos pa-kanluran-hilagang-kanluran sa Philippine Sea, ayon sa Tropical Cyclone Advisory No. 6 ng DOST-PAGASA.

Batay sa datos alas-10:00 ng gabi nitong Lunes, Oktubre 19, namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 1,680 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay nito ang lakas ng hanging 195 km/h malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 240 km/h. Umaabot hanggang 720 kilometro mula sa sentro ang malalakas hanggang typhoon-force na hangin nito.

Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR ngayong Martes, Oktubre 20, sa umaga o hapon. Kapag nakapasok na, papangalanan itong . Posible pa itong lumakas habang nasa Philippine Sea bago magsimulang humina pagsapit ng Huwebes.

⚠️ MGA POSIBLENG EPEKTO SA PILIPINAS

Maaaring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa hilaga at silangang bahagi ng Northern Luzon at ilang bahagi ng Bicol Region ngayong umaga. Sa kasalukuyang pagtataya, Signal No. 2 o 3 ang pinakamataas na posibleng itaas.

Inaasahan din ang malalakas na pag-ulan sa Extreme Northern Luzon, habang maaaring maranasan ang malalakas na hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao simula Miyerkules.

Posible ring maging mapanganib ang kondisyon ng karagatan sa hilaga at silangang baybayin ng Luzon, gayundin sa silangang baybayin ng Visayas at Mindanao.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, maghanda sa posibleng epekto ng bagyo, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA.

Source: DOST-PAGASA

NAPAKALAKING SUPER BAGYONG TATAWAGING 'ROSAL', HALOS KASING-LAKI NG PILIPINAS 🌀UPDATE: Lumakas na muli bilang super bagy...
19/10/2026

NAPAKALAKING SUPER BAGYONG TATAWAGING 'ROSAL', HALOS KASING-LAKI NG PILIPINAS 🌀

UPDATE: Lumakas na muli bilang super bagyo ang bagyong na tatawaging sa pagpasok nito bukas. Kita sa satellite image ang lawak ng sirkulasyon at kaulapan nito na halos sinlaki na ng buong Pilipinas mula itaas hanggang ibaba.

Tinutumbok ng super bagyo ang direksyon ng hilagang Taiwan at Extreme Northern Luzon. Hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng pagtaas ng Wind Signal No. 3 o 4 sa Extreme Northern Luzon.

Posibleng mamayang gabi na magtaas ng Wind Signals sa ilang bahagi ng at dahil sa lawak ng bagyo, ayon sa PAGASA. Lahat ay inaabisuhang mag-antabay sa PAGASA para sa mga susunod na update ukol sa nasabing sama ng panahon.

HINDI ito direktang tatama sa kalupaan ngunit posibleng makaapekto sa ilang bahagi ng Northern Luzon sa mga susunod na araw.

ANG LAWAK NG SUPER BAGYO SA LABAS NG PAR! 🌀⚠️Kita ang patuloy na paglawak ng mga kaulapan mula sa palibot ng Super Typho...
18/10/2026

ANG LAWAK NG SUPER BAGYO SA LABAS NG PAR! 🌀⚠️

Kita ang patuloy na paglawak ng mga kaulapan mula sa palibot ng Super Typhoon sa labas ng PAR na nagbabadya nang pumasok sa PAR sa Martes at tatawaging .

Inaasahang direktang maaapektuhan ng bagyo ang sa darating na Huwebes at Biyernes.

BAGYONG CHAMPI NA TATAWAGING ‘ROSAL’, UMABOT NA SA CATEGORY 4 HABANG PAPALAPIT SA GUAM! 🌀BREAKING: Nagkaroon ng rapid in...
17/10/2026

BAGYONG CHAMPI NA TATAWAGING ‘ROSAL’, UMABOT NA SA CATEGORY 4 HABANG PAPALAPIT SA GUAM! 🌀

BREAKING: Nagkaroon ng rapid intensification o tila’y sumabog sa lakas ang bagyong may international name na bago ito inaasahang dadaplis o direktang tatama sa isla ng Guam bukas ng umaga, Linggo, 17 October 2026.

Maraming OFW ang nakatira sa Mariana Islands na inaasahang hahagupitin ni ‘Champi’ na tatawaging pagpasok sa Martes sa PAR (ngunit HINDI direktang tatama).

Next week ay posibleng makaapekto ang trough o extension ng super bagyo sa eastern portions ng bago nito inaasahang tutumbukin ang direksyon ng Taiwan at Extreme Northern Luzon sa Huwebes.

Posible pang magbago ang mga datos na ito kaya’t manatiling updated.

Sa mga OFW sa Guam, gawin ang mga kinakailangang paghahanda.

📸: Himawari via Windy | 17 October 2026
PHILIPPINES WATCH

BAGYONG MAY INT’L NAME NA ‘CHAMPI’, NAGBABADYANG PUMASOK SA PAR NEXT WEEK BILANG SUPER TYPHOON 🌀⚠️Lumakas at isa nang Tr...
15/10/2026

BAGYONG MAY INT’L NAME NA ‘CHAMPI’, NAGBABADYANG PUMASOK SA PAR NEXT WEEK BILANG SUPER TYPHOON 🌀⚠️

Lumakas at isa nang Tropical Storm Category at may international name na ngayong ang binabantayang bagyo sa labas ng PAR o sa silangan ng .

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 km/h at pagbugso ng hangin na umaabot sa 110 km/h. Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Inaasahang unang hahagupitin ng bagyo ang bilang isang malakas at mapaminsalang bagyo o TYPHOON Category sa weekend.

Mataas din ang tsansang pumasok ito sa PAR sa Martes (Oct. 20), bilang SUPER TYPHOON Category at tatawagin sa local name na .

Mababa naman ang tsansang tumama ito sa bansa, ngunit patuloy na babantayan ang magiging kilos nito dahil hindi inaalis ang posibilidad na maapektuhan pa rin nito ang next week.

Patuloy na umantabay sa mga susunod pang update hinggil sa lakas at galaw ng nasabing bagyo sa mga susunod na araw.

Address

Camia Street, Barangay Palangoy
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Palangoy Drrmo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share