06/07/2026
HULYO 6, 2026 | Lunes
SIMULTANEOUS FLAG RAISING CEREMONY
Paggunita sa Ika-10 Taon ng 2016 South China Sea Arbitral Award
Nakikiisa ang Sitio Mata Elementary School sa idinaos na Sabayang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat ngayong Hulyo 6, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng makasaysayang 2016 South China Sea Arbitral Award.
Sa pangunguna ni Dr. Ana Marie O. Gannaban, School Principal, kasama sina Ginoong John Vincent M. Capitle, School Officer-in-Charge, at Michelle A. Fuentes, School Master Teacher, katuwang ang buong hanay ng mga g**o at mga mag-aaral ng Sitio Mata Elementary School, muling ipinapakita ang pagkakaisa sa pagtataguyod ng kapayapaan, paggalang sa batas, at pagmamahal sa bayan.
Ang Arbitral Award na inilabas noong Hulyo 12, 2016 ay isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Ipinakita nito na ang pagtatanggol sa ating mga karapatan sa karagatan ay maaaring maisulong sa pamamagitan ng mapayapang proseso, pagtalima sa pandaigdigang batas, at matatag na paninindigan sa katotohanan. Higit pa rito, binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating yamang-dagat, pagsuporta sa kabuhayan ng mga mamamayan, at pagtataguyod ng seguridad sa pagkain para sa mga susunod na salinlahi.
Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng makasaysayang desisyong ito, patuloy na isinusulong ng Sitio Mata Elementary School ang pagpapahalaga sa pagiging responsableng mamamayan, paggalang sa tuntunin ng batas, at pagkakaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at pambansang dignidad.