Sangguniang Barangay ng Rayap

Call Directions Contact the organization

Sangguniang Barangay ng Rayap This is the Official page of Brgy. Rayap, Talim Island, Binangonan, Rizal

πŸ“’ OPISYAL NA ANUNSYO !!! BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARS PROGRAMπŸŽ“πŸ“‘πŸ“šπŸ“ βœ… NAIPAMAHAGI NA ANG TULONG PINANSYAL SA ATING L...
11/10/2026

πŸ“’ OPISYAL NA ANUNSYO !!!
BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARS PROGRAMπŸŽ“πŸ“‘πŸ“šπŸ“

βœ… NAIPAMAHAGI NA ANG TULONG PINANSYAL SA ATING LIMANG ISKOLAR!

🌀Magandang araw po sa lahat ng mamamayan ng Barangay Rayap at Sitio Banaba.

Oktubre 11, 2026, opisyal nang naipamahagi ang tulong pinansyal sa limang (5) karapat-dapat na mag-aaral sa ilalim ng Bagong Pilipinas Barangay Scholars Program β€” mula sa Socio-Civic Projects Fund (SCPF) ng Opisina ng Pangulo.

πŸ’°Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng β‚±20,000.00 para sa kanilang pag-aaral.

πŸ“Έ MGA LARAWAN NG OPISYAL NA PAMAMAHAGI:

Kalakip sa ibaba ang mga larawan kuha ngayong araw:

- ✍️ Paglagda sa Undertaking β€” pangakong magpapatuloy sa pag-aaral hanggang makatapos
​
- πŸ“ Paglagda sa Acknowledgement Receipt β€” opisyal na pagtanggap ng tulong
​
- πŸ’° Pagtanggap ng Peraβ€” patunay na natanggap ang pondo

πŸ“Ang paglalathalang ito ay isinasagawa alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2026-038 β€” upang maging bukas, tapat, at malinaw sa publiko ang paggamit ng pondo ng bayan.

πŸ‘‡ ANG ATING MGA ISKOLAR:

πŸŽ“1. Goiby Duenos
​
πŸŽ“2. Carl Apolinario
​
πŸŽ“3. Jennifer Bolante
​
πŸŽ“4. Grace Ann Arroyo
​
πŸŽ“5. Alona Figura

πŸ“‘Pinili sila ayon sa pamantayan ng Opisina ng Pangulo: ika-4 na taon sa kolehiyo, residente ng Barangay Rayap, mula sa pamilyang nangangailangan.

πŸ’¬ SA LAHAT:

Nauunawaan po namin na marami ang umaasa sa ganitong tulong. Ang nakalaan lamang ay β‚±100,000.00 β€” sapat para sa 5 iskolar bawat barangay sa buong bansa. Maingat na pinili ang mga nakatanggap upang masigurong mapunta ito sa mga karapat-dapat.

πŸ“Patuloy kaming maghahanap ng ibang pagkakataon para sa lahat ng mag-aaral.

"Ang tagumpay ng ilan ay pag-asa ng lahat.
Ang pagsisikap ninyo ang tunay na kayamanan."

πŸ‘‰πŸ» Sangguniang Barangay ng Rayap at Sitio Banaba❣️

08/09/2026

MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT!

Mahigpit po naming ipinapaalala sa lahat ng magulang at residente ng Brgy. Rayap at Sitio Banaba na iwasang magtungo o manatili ang ating mga anak sa paligid at tabing-lawa, lalo na sa mga lugar na malapit sa tubig.

Ito po ay dahil sa hindi inaasahang pagtaas muli ng lebel ng tubig sa Laguna de Bay, na maaaring magdulot ng panganib at sakuna.

Ang paalalang ito ay alinsunod sa mandato at direktiba ng ating Punong Barangay, Hon. Jimmy Celones, bilang bahagi ng ating sama-samang pagsisikap na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Hinihiling po ang mahigpit na pakikiisa at pag-iingat ng bawat isa, lalo na sa pagbabantay sa ating mga anak.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na pag-iingat.

Maging ligtas at laging maging handa!

Magandang araw po sa lahat. Ipinaaalam po na magkakaroon tayo muli ng local power interruption sa darating September 02,...
31/08/2026

Magandang araw po sa lahat. Ipinaaalam po na magkakaroon tayo muli ng local power interruption sa darating September 02, 2026 mula 10:00AM hanggang 3:00PM.

02/08/2026

Congratulations Brgy. Rayap πŸ˜πŸ‘πŸ‘πŸ‘ Napakahusay. 😘🀩
's Cup 2026 Champion

20/07/2026

Happy birthday po Kagawad Victor "boss vic" Antonio.

11/07/2026

Happy birthday po sa ating Hepe, Mr. Jopay Apolinario. πŸ₯‚πŸ»πŸΊ

11/07/2026

Happy birthday to our Senior Citizen, President Arnel "Texboy" San Juan. πŸ₯°πŸ˜˜πŸŽ‚πŸ°πŸ₯ƒπŸ₯‚πŸ»πŸΊ

πŸ₯°
09/07/2026

πŸ₯°

22/05/2026

Happy birthday Brgy. Secretary Valintine Moranas 😘πŸ₯‚πŸ» . Ang buong Sangguniang Barangay ng Rayap ay nagpapasalamat sa inyo po maayos na panunungkulan.

Address

Rayap, Talim Island Binangonan, Rizal
Binangonan
1940

Telephone

+639478486118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Rayap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Rayap:

Shortcuts

Share