02/10/2026
π£ ABISO SA PUBLIKO | MAG-INGAT SA MGA LPG REGULATOR SCAMMERS
May natanggap na impormasyon ang Mahal Kong Binangonan Page mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang grupo na naglilibot sa Gupiing, Brgy. Lunsad. Ayon sa ulat, nagpapakilala umano ang mga ito bilang representatives ng isang private company at sinasabing pinahintulutan ng Pamahalaang Bayan na pumasok sa mga tahanan upang mag-check ng gasul at kumuha ng serial number.
NAIS PO NAMING LINAWIN NA WALANG INILABAS NA PAHINTULOT O AUTHORIZATION ANG PAMAHALAANG BAYAN NG BINANGONAN PARA SA GANITONG GAWAIN.
Dahil dito, hinihikayat po ang lahat na maging maingat at mapanuri, lalo na sa pagbibigay ng access sa inyong mga tahanan at personal na impormasyon.
Para sa kaligtasan ng inyong pamilya at tahanan, tandaan po ang mga sumusunod:
β’ Huwag basta papapasukin ang sinumang nag-aalok o nagsasabing magsasagawa ng inspection. Kung may kumatok at nagsabing magche-check ng gasul, kalan, hose, safety valve, o iba pang gamit, tiyaking beripikado muna ang kanilang pagkakakilanlan at intensiyon.
β’ Humingi ng malinaw na pagkakakilanlan at dokumento. Kung sinasabing sila ay awtorisado ng Pamahalaang Bayan o ng anumang tanggapan, humingi ng valid ID, pangalan ng kumpanya o tanggapan, at opisyal na dokumentong nagpapatunay sa kanilang authorization. Karapatan po ninyong magtanong at tumangging magpapasok kung hindi kayo kumbinsido.
β’ Huwag agad magbigay ng personal o sensitibong impormasyon. Iwasang ibigay ang serial number, larawan, resibo, detalye, o iba pang impormasyon tungkol sa inyong tahanan hanggaβt hindi malinaw kung sino ang kumokolekta nito at para saan ito gagamitin.
β’ Maging mapanuri sa anumang alok. Kung ang sinasabing inspection ay nauuwi sa pamimilit na bumili ng safety valve, hose, regulator, o iba pang kagamitan, huwag agad pumayag. Suriin muna at humingi ng sapat na impormasyon bago gumawa ng anumang desisyon.
π Kung makaranas ng kaparehong insidente, maaaring makipag-ugnayan sa inyong barangay upang ma-verify ang impormasyon. Kung may kahina-hinalang kilos, pananakot, pamimilit, o anumang insidenteng nagdudulot ng agarang panganib, mangyaring i-report ito agad sa mga awtoridad.
Magtulungan po tayo sa pagpapanatili ng seguridad ng bawat tahanan. Mas mabuting magtanong, mag-fact-check, at maging maingat kaysa magsisi sa huli.
Mag-ingat po tayong lahat at manatiling alerto. Maraming salamat po!
π