Sangguniang Barangay ng Libid

Call Directions Contact the organization

Sangguniang Barangay ng Libid The official page of Sangguniang Barangay ng Libid (2018 - present)

🙏 O MAHAL NA PATRONANG SANTA URSULA, GABAYAN MO KAMI! 💙🤍Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, buong galak na nakiisa...
09/10/2026

🙏 O MAHAL NA PATRONANG SANTA URSULA, GABAYAN MO KAMI! 💙🤍

Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, buong galak na nakiisa ang Pamahalaang Barangay Libid sa pagdaraos ng Dalaw Patrona bilang pagpupugay at debosyon sa ating minamahal na Mahal na Patrona, Santa Ursula.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Gil “AGA” C. Anore, kasama ang kanyang maybahay na si Kapitana Maribel Anore at si Kagawad Coco Celestial, sama-sama nating ipinagdiwang ang isang makabuluhang sandali ng pananalangin, pasasalamat, at paghingi ng patnubay para sa ating pamayanan.

O Mahal na Santa Ursula, patuloy mo nawa kaming gabayan sa bawat hakbang, palakasin ang aming pananampalataya, at pagkalooban ng kalusugan, kapayapaan, kaligtasan, at pagkakaisa ang bawat pamilya sa Barangay Libid. Nawa'y manatili kang tanglaw at inspirasyon sa aming pamayanan upang patuloy kaming mamuhay nang may pagmamahalan, pag-asa, at pagtitiwala sa Poong Maykapal. 🙏✨

Mahal na Santa Ursula, ipanalangin mo kami! ❤️

🙏 O MAHAL NA PATRONA, GABAYAN MO KAMI! 💙Buong puso at pananampalataya pong nakiisa ang Pamahalaang Barangay Libid sa pag...
09/10/2026

🙏 O MAHAL NA PATRONA, GABAYAN MO KAMI! 💙

Buong puso at pananampalataya pong nakiisa ang Pamahalaang Barangay Libid sa pagdaraos ng Dalaw Patrona sa Pamayanan ng Libid, isang makabuluhang pagkakataon upang sama-samang manalangin, magpasalamat, at humingi ng patnubay at pagpapala para sa ating pamayanan.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Gil “AGA” C. Anore, kasama ang kanyang maybahay na si Kapitana Maribel Anore at si Kagawad Coco Celestial, patuloy nating pinagtitibay ang pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating barangay.

Nawa'y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng ating Mahal na Patrona, at ilayo sa anumang kapahamakan ang bawat pamilyang bumubuo sa ating minamahal na Barangay Libid. 🙏❤️

𝗜𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲🌿👑🏴󠁧󠁢󠁥󠁮󠁧󠁿Mga Ursulino, nagpapatuloy ang ating Dalaw Patrona ngayong ika-8 ng Oktubre...
08/10/2026

𝗜𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲🌿👑🏴󠁧󠁢󠁥󠁮󠁧󠁿
Mga Ursulino, nagpapatuloy ang ating Dalaw Patrona ngayong ika-8 ng Oktubre sa Pamayanan ng Libid bilang bahagi ng ating paghahanda para sa nalalapit na Fiesta Ursulina 2026.
📅 𝗜𝗸𝗮-𝟴 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, 𝟮𝟬𝟮𝟲
🌿 𝟯:𝟬𝟬 𝗡.𝗛. | 𝗣𝗿𝘂𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗯𝗶𝗱
⛪ 𝟲:𝟬𝟬 𝗡.𝗚 | 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗯𝗶𝗱
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Banal na Misa at samahan ang paglalakbay ng ating Prinsesa at Patrona na si Santa Ursula patungo sa Pamayanan ng Libid
𝑽𝒊𝒗𝒂, 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑼𝒓𝒔𝒖𝒍𝒂! 🌿👑🏴󠁧󠁢󠁥󠁮󠁧󠁿

𝗜𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲🌿👑🏴󠁧󠁢󠁥󠁮󠁧󠁿

Mga Ursulino, nagpapatuloy ang ating Dalaw Patrona ngayong ika-8 ng Oktubre sa Pamayanan ng Libid bilang bahagi ng ating paghahanda para sa nalalapit na Fiesta Ursulina 2026.

📅 𝗜𝗸𝗮-𝟴 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, 𝟮𝟬𝟮𝟲
🌿 𝟯:𝟬𝟬 𝗡.𝗛. | 𝗣𝗿𝘂𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗯𝗶𝗱
⛪ 𝟲:𝟬𝟬 𝗡.𝗚 | 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗯𝗶𝗱

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Banal na Misa at samahan ang paglalakbay ng ating Prinsesa at Patrona na si Santa Ursula patungo sa Pamayanan ng Libid

𝑽𝒊𝒗𝒂, 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑼𝒓𝒔𝒖𝒍𝒂! 🌿👑🏴󠁧󠁢󠁥󠁮󠁧󠁿



🙏 PAANYAYA SA MGA KABARANGAY NG LIBID 🙏Sa diwa ng pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa, buong-puso po nating inaanya...
07/10/2026

🙏 PAANYAYA SA MGA KABARANGAY NG LIBID 🙏

Sa diwa ng pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa, buong-puso po nating inaanyayahan ang bawat pamilya at mamamayan ng Barangay Libid na makiisa sa isang natatanging sandali ng biyaya at pananalangin.

Bukas, ika-8 ng Oktubre 3 ng hapon, isasagawa ang Dalaw Patrona, na magmumula sa Binangonan Catholic College, bilang isang makahulugang pagdalaw na naglalayong higit pang pagtibayin ang ating pananampalataya at pagkakabuklod bilang isang pamayanan.

Nawa’y maging pagkakataon ito upang sama-sama nating ialay ang ating mga panalangin, pasasalamat, pag-asa, at mga hangarin sa Maykapal, sa patnubay at pamamagitan ng ating Mahal na Patrona.

Halina’t makiisa. Buksan natin ang ating mga tahanan at puso sa isang pagdalaw na nagdadala ng pananampalataya, pag-asa, at pagpapala. 🙏

Mabuhay ang pananampalataya ng Barangay Libid!

📢 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY!Wala po munang maglabas ng basura ngayong araw. 🗑️❌Wala pong nakatakdang schedule ng p...
07/10/2026

📢 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY!

Wala po munang maglabas ng basura ngayong araw. 🗑️❌

Wala pong nakatakdang schedule ng pagtatapon o kolekta ng basura ngayong araw. Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa na sundin ang itinakdang schedule ng koleksyon ng basura at huwag mag-iwan ng basura sa kalsada o sa labas ng inyong mga tahanan.

Sama-sama po nating panatilihing malinis, maayos at ligtas ang ating Barangay Libid. 💚

Maraming salamat po sa inyong disiplina at pakikiisa!

Aksyon Gawa Abante!

📣 PABATID SA PUBLIKO | SCHEDULE NG 3RD TRANCHE NG RICE SUBSIDY DISTRIBUTION PARA SA MGA SOLO PARENT BENEFICIARIES (MAINL...
06/10/2026

📣 PABATID SA PUBLIKO | SCHEDULE NG 3RD TRANCHE NG RICE SUBSIDY DISTRIBUTION PARA SA MGA SOLO PARENT BENEFICIARIES (MAINLAND BARANGAYS)
📅 Kailan: October 7, 2026 (Wednesday)
⏰ Oras: 1:00 PM – 5:00 PM Only
📍 Saan: Binangonan Auditorium
‼️ MAHALAGANG PAALALA:
• Upang maging mas maayos, mabilis, at organisado ang distribution, ang mga benepisyaryo ay binigyan ng nakatakdang schedule ayon sa barangay at sektor.
Ginawa ang sector-based scheduling upang maiwasan ang pagsisiksikan at mahahabang pila, mapababa ang waiting time, at maging mas maayos ang daloy ng distribusyon. Kaya hinihiling po sa lahat na pumunta lamang sa nakatakdang oras.

⏰ 2:00 PM – 3:00 PM
• Layunan
• Libid
• Libis
• Limbon-limbon
• Lunsad
• Macamot

📋 REQUIREMENTS:
👉 NO STUB, NO RICE. Tiyaking dala ang stub ng benepisyaryo sa pagpunta sa distribution.
👉 Para sa mga benepisyaryong magpapakuha sa representative, kinakailangang dalhin ng representative ang mga sumusunod:
• Authorization letter
• Photocopy ng valid ID ng beneficiary, front and back, na may tatlong (3) specimen signatures ng beneficiary
• Stub ng beneficiary
Basahin po muli ang lahat ng impormasyon mula sa simula upang maiwasan ang kalituhan at masigurong dala ang lahat ng kinakailangang dokumento sa araw ng distribution.

PABATID SA PUBLIKO | SCHEDULE NG 3RD TRANCHE NG RICE SUBSIDY DISTRIBUTION PARA SA MGA PWD (MAINLAND BARANGAYS)📅 Kailan: ...
05/10/2026

PABATID SA PUBLIKO | SCHEDULE NG 3RD TRANCHE NG RICE SUBSIDY DISTRIBUTION PARA SA MGA PWD (MAINLAND BARANGAYS)
📅 Kailan: October 7, 2026 (Wednesday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 5:00 PM Only
📍 Saan: Binangonan Auditorium
‼️ MAHALAGANG PAALALA:
• Upang maging mas maayos, mabilis, at organisado ang distribution, ang mga benepisyaryo ay binigyan ng nakatakdang schedule ayon sa barangay at sektor.
Ginawa ang sector-based scheduling upang maiwasan ang pagsisiksikan at mahahabang pila, mapababa ang waiting time, at maging mas maayos ang daloy ng distribusyon. Kaya hinihiling po sa lahat na pumunta lamang sa nakatakdang oras.
📌 Para sa mga PWD beneficiaries, REPRESENTATIVE NA LAMANG ang kailangang pumunta sa distribution.
⏰ 8:00 AM – 9:00 AM
• Darangan
• Limbon-limbon
• Ithan
⏰ 9:00 AM – 10:00 AM
• Pantok
• Mambog
⏰ 10:00 AM – 11:00 AM
• San Carlos
• Macamot
⏰ 11:00 AM – 12:00 PM
• Calumpang
• Palangoy
⏰ 12:00 PM – 1:00 PM
• Bilibiran
• Tayuman
⏰ 1:00 PM – 2:00 PM
• Pag-asa
• Tagpos
⏰ 2:00 PM – 3:00 PM
• Batingan
• Tatala
⏰ 3:00 PM – 4:00 PM
• Lunsad
• Libis
• Pila-pila
⏰ 4:00 PM – 5:00 PM
• Libid
• Mahabang Parang
• Layunan
📋 REQUIREMENTS:
👉 NO STUB, NO RICE. Tiyaking dala ang stub ng benepisyaryo sa pagpunta sa distribution.
👉 Para sa mga benepisyaryong magpapakuha sa representative, kinakailangang dalhin ng representative ang mga sumusunod:
• Authorization letter
• Photocopy ng valid ID ng beneficiary, front and back, na may tatlong (3) specimen signatures ng beneficiary
• Stub ng beneficiary
Basahin po muli ang lahat ng impormasyon mula sa simula upang maiwasan ang kalituhan at masigurong dala ang lahat ng kinakailangang dokumento sa araw ng distribution.
📲 Umantabay sa mga susunod na anunsyo ukol sa schedule para sa mga island barangays at ibang sektor ng benepisyaryo.

💙

📢 SERVICE ADVISORY – MANILA WATERPara sa mga residente ng Brgy. Libid, Binangonan, Rizal:Ang Manila Water ay magsasagawa...
05/10/2026

📢 SERVICE ADVISORY – MANILA WATER

Para sa mga residente ng Brgy. Libid, Binangonan, Rizal:

Ang Manila Water ay magsasagawa ng maintenance activity sa J. Luna St., Layunan, Binangonan, na maaaring makaapekto sa inyong serbisyo ng tubig.

💧 Maaaring makaranas ng mahinang water pressure o pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng tubig habang isinasagawa ang maintenance activity.

📅 ISKEDYUL

🕙 Mula: 10:00 PM — October 5, 2026 (Lunes)
🕓 Hanggang: 4:00 AM — October 6, 2026 (Martes)

📍 APEKTADONG LUGAR

• Libid, Binangonan

📌 PAALALA:
Kapag naibalik na ang serbisyo ng tubig, pakibuksan muna ang inyong gripo nang ilang sandali hanggang luminaw ang tubig.

Mainam na mag-imbak ng sapat na tubig bago, habang, at pagkatapos ng maintenance activity.

Para sa mga katanungan o concerns, maaaring makipag-ugnayan sa Manila Water Hotline: 1627.

💧 Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

📢 SERVICE ADVISORY | MANILA WATERPara po sa ating mga kabarangay sa Brgy. Libid, Binangonan, Rizal, narito po ang abiso ...
03/10/2026

📢 SERVICE ADVISORY | MANILA WATER
Para po sa ating mga kabarangay sa Brgy. Libid, Binangonan, Rizal, narito po ang abiso mula sa Manila Water tungkol sa isasagawang maintenance activity sa J. Luna St., Layunan, Binangonan.
💧 ISKEDYUL:
📅 Oktubre 3, 2026 (Sabado)
🕙 10:00 PM hanggang 4:00 AM, Oktubre 4, 2026 (Linggo)
📍 Apektadong Lugar: Libid, Binangonan
Maaaring makaranas ng mahinang pressure o pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng tubig habang isinasagawa ang maintenance activity.
⚠️ Paalala: Kapag naibalik na ang serbisyo, pakibuksan muna ang inyong gripo nang ilang sandali hanggang luminaw ang tubig.
📞 Para sa mga katanungan o concern, maaaring makipag-ugnayan sa Manila Water Hotline: 1627.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. 💙

📢 PABATID SA PUBLIKO | UPLIFT SECOND TRANCHENarito na po ang mga listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Second Tranche –...
01/10/2026

📢 PABATID SA PUBLIKO | UPLIFT SECOND TRANCHE

Narito na po ang mga listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Second Tranche – Category 2. 📋

📅 October 2, 2026 (Biyernes)
⏰ 8:00 AM
📍 Municipal Auditorium

Mangyaring suriin ang inyong pangalan sa mga kalakip na listahan at tiyaking dala ang mga kinakailangang dokumento at valid ID sa araw ng payout.

📌 Paalala: Tanging mga benepisyaryong nabayaran noong First Tranche at nakalista sa payroll ang maaaring ma-accommodate.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. 🙏

Address

Liwanag Street , Libid
Binangonan
1940

Telephone

+639354607230

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Libid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Libid:

Shortcuts

Share