06/09/2026
STA. ROSA ELEMENTARY SCHOOL
MAY PASOK NA!
Magandang araw, mga mag-aaral, magulang, tagapag-alaga, at mga stakeholder ng Sta. Rosa Elementary School.
📅 Setyembre 7, 2026 (Lunes) — ipagpapatuloy ang face-to-face classes at nakatakda rin ang Unang Markahang Pagsusulit.
📌 Mahalagang Paalala:
1️⃣ Patuloy na isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat isa dahil sa posibleng epekto ng habagat, pag-ulan, pagbaha, at kondisyon ng mga daan.
2️⃣ Maghanda nang mabuti para sa pagsusulit. Balikan ang mga aralin at dalhin ang mga kinakailangang gamit.
3️⃣ Manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng paaralan, DepEd, at Lokal na Pamahalaan para sa anumang pagbabago.
Kaligtasan ang Laging Prayoridad!