OSCA Binmaley

Directions

OSCA Binmaley OFFICE FOR SENIOR CITIZENS AFFAIRS

26/08/2026

PAMAMAHAGI NG BIRTHDAY CASH GIFT PARA SA MGA SENIOR CITIZENS

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley ang pamamahagi ng Birthday Cash Gift para sa mga kwalipikadong Senior Citizens ng bayan na may kaarawan sa Ikalawang Kuwarter ng Taon 2026 (Abril–Hunyo).

Sa kabuuan, 2,794 na Senior Citizens mula sa 33 barangay ng Binmaley ang kabilang sa mga benepisyaryo ng programa:

Bilang ng mga Benepisyaryo bawat Barangay:

Amancoro – 33
Balagan – 54
Basing – 76
Balogo – 80
Baybay Lopez – 71
Baybay Polong – 75
Biec – 88
Buenlag – 108
Calit – 60
Caloocan Dupo – 37
Caloocan Norte – 116
Caloocan Sur – 112
Camaley – 80
Canaoalan – 145
Dulag – 112
Gayaman – 117
Linoc – 99
Lomboy – 100
Malindong – 114
Manat – 66
Nagpalangan – 65
Naguilayan – 123
Pallas – 85
Papagueyan – 64
Parayao – 70
Poblacion – 173
Pototan – 36
Sabangan – 42
Salapingao – 45
San Isidro Norte – 103
San Isidro Sur – 92
Sta. Rosa – 94
Tombor – 59

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagkilala at pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan sa mahalagang ambag ng ating mga Senior Citizens sa kanilang mga pamilya at sa buong pamayanan. Higit sa anumang halaga, ang munting handog na ito ay simbolo ng paggalang, pagkilala, at pasasalamat sa kanilang mga taon ng pagsisikap, sakripisyo, at paglilingkod.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Pedro A. Merrera III, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga programang naglalayong mapangalagaan ang kapakanan at dignidad ng bawat Senior Citizen, bilang bahagi ng isang pamahalaang may malasakit at tunay na nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Ang programa ay pinangunahan sa pakikipagtulungan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Leon C. Castro, Binmaley OSCA Head / OSCAHAP Pangasinan President.

Para sa ating mga Senior Citizens, maraming salamat sa inyong mga taon ng pagmamahal, sakripisyo, at ambag sa ating bayan. Kayo ay mahalagang bahagi ng kasaysayan, kasalukuyan, at kinabukasan ng Binmaley.

BINMALEY PIO (JUlla/CNebrida)

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬!Narito po ang opisyal na iskedyul ng pagpayout ng 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐡...
24/08/2026

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬!

Narito po ang opisyal na iskedyul ng pagpayout ng 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐆𝐢𝐟𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 (𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐭𝐨 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔) sa bawat barangay ng Bayan ng Binmaley. Pinakikiusapan po ang lahat na sundin ang nakatakdang petsa at oras na nakasaad sa schedule.

Para sa mga Senior Citizen na hindi makakapunta at magpapadala ng kinatawan (immediate family), mangyaring ihanda ang mga sumusunod na kinakailangang dokumento:
1. Authorization Letter
2. Photocopy ng Senior Citizen's ID ng claimant with 3 specimen signature
3. Photocopy ng ID ng in-authorize na immediate family with 3 specimen signature
4. Printed picture ng Senior Citizen claimant na hawak ang authorization letter at Senior Citizen ID

Maraming salamat po!

Happy Birthday, Governor Ramon V. Guico III. 🎉- warm greetings from OSCA Binmaley & OSCAHAP Pangasinan.
19/03/2026

Happy Birthday, Governor Ramon V. Guico III. 🎉

- warm greetings from OSCA Binmaley & OSCAHAP Pangasinan.

On behalf of the entire Province of Pangasinan, we extend our warmest and most heartfelt birthday greetings to our visionary leader, Governor Ramon V. Guico III.

Your life and leadership continue to inspire hope among the people of Pangasinan. Through your vision, dedication, and genuine love for public service, you have become a source of strength and pride for every Pangasinense. Your compassion for the people and your determination to bring meaningful progress to our province remind us all that true leadership is rooted in service, humility, and heart.

May this special day be a reminder of how deeply valued and appreciated you are by the people whose lives you touch each day. The Province of Pangasinan stands with you in gratitude and pride.

Maligayang kaarawan po, Gov. Mon-Mon! Patuloy po kayong maging inspirasyon sa bawat Pangasinense! ✌💙

11/03/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝𝐩𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭𝐬’ 𝐖𝐞𝐞𝐤! 👵👴

Ngayong 2026, ipinagdiriwang natin ang ika-30 taon ng “Grandparents’ Week.” Ginugunita ang Linggo ng mga Lolo at Lola tuwing Marso 11–18, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 757, bilang pagkilala at pasasalamat sa mahalagang papel na ginagampanan ng ating mga nakatatanda sa pamilya at lipunan.

Ang pagdiriwang na ito ay nagbibigay-pugay sa kanilang karunungan, pagmamahal, at patuloy na paggabay sa mga susunod na henerasyon.

Kinikilala rin natin ang lahat ng uri ng lolo at lola—mga biological, great grandparents, mga tumatayong lolo at lola sa ating buhay, at maging ang mga wala na sa ating piling—na patuloy pa ring nagbigay ng pagmamahal at inspirasyon sa atin.

Tunay ngang walang papantay sa ating mga lolo at lola! 💛

Isang mainit na pagbati kay Sir Leon Castro, ang ating masipag at kagalang-galang na OSCA Head, sa kanyang pagkakahalal ...
05/12/2025

Isang mainit na pagbati kay Sir Leon Castro, ang ating masipag at kagalang-galang na OSCA Head, sa kanyang pagkakahalal bilang Vice President ng OSCAHAP–Pangasinan.
Ginanap ngayong araw ang halalan sa El Jardine, Lingayen, Pangasinan, kung saan matagumpay siyang napili ng mga kapwa pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Ang kanyang pagkapanalo ay patunay ng kanyang dedikasyon, integridad, at walang sawang paglilingkod sa kapakanan ng ating mga nakatatanda. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon para lalo pang mapaunlad ang mga programa at serbisyong inilalaan para sa ating mga Senior Citizens sa buong Pangasinan.

Muli, ang aming taos-pusong pagbati kay Sir Leon Castro sa karangalang ito.

Address

Poblacion
Binmaley
2417

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OSCA Binmaley posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share