Heneral Antonio Luna

Heneral Antonio Luna

Share

Si Heneral Antonio Luna (29 Oktubre 1866 - 7 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas.

06/06/2025

MAGAPIT BRIDGE isa sa kauna-unahang suspension bridge sa Southeast Asia 🌉🌉🌉

24/09/2020

Pag ang page likes nito naging sampung libo. Ipuputok ko to! Ano G kayo?

Want your business to be the top-listed Government Service in Binondo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

HENERAL ANTONIO LUNA

Si Antonio Luna (29 Oktubre 1866 - 7 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag noong Unang Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na Pilipinong opisyal ng militar noong digmaan. Sinundan niya si Artemio Ricarte bilang kumander ng Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik, at nagbuo ng mga prupesyunal na sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na depensa, na tinawag ngayong Linyang Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong Amerikano sa mga lalawigan sa hilaga ng Talisay.

Si Antonio Luna de San Pedro y Novicio Ancheta o mas kilala bilang Antonio Luna ay ipinanganak noong 29 Oktubre 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensiya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko.

Sa gulang na anim, natuto si Antonio magbasa, magsulat, at mag-aritmetika mula sa kayang g**o na kinilalang si Maestro Intong. Nasaulo niya ang Doctrina Christiana, ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas.

Lumaon ay nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, kung saan nakatanggap siya ng digri sa Batsilyer sa Sining noong 1881.[3] Nag-aral siya ng panitikian at kimika sa Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan napanalunan niya ang unang gantimpala sa isang pagsusulat tungkol sa kimika.

Location

Category

Website

Address


Binondo