04/10/2026
๐ ๐๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐๐ก๐ ๐ข๐จ๐ฅ ๐ง๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ | ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐ง๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆโ ๐๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sa ating mga minamahal na g**o sa buong Boac, Maligayang Araw ng mga G**o! ๐
Ngayong National Teachersโ Day, buong puso nating kinikilala ang inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, at paghubog sa ating mga kabataan. Higit sa pagbabahagi ng kaalaman, kayo ang nagtuturo ng pagpapahalaga, disiplina, pangarap, at paninindiganโmga aral na dala ng ating mga anak hanggang sa kanilang pagtanda.
Alam natin na hindi madali ang maging g**o. Sa dami ng hamon at responsibilidad, patuloy kayong pumapasok sa inyong mga silid-aralan at nagbibigay ng inyong oras, lakas, at puso para sa ating mga mag-aaral.
Bilang inyong lokal na pamahalaan, patuloy po nating isusulong ang isang suportado, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga g**o at mag-aaral, katuwang ang DepEd, ating mga paaralan, mga magulang, at buong komunidad.
Sa lahat ng ating mga g**oโmaraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo. Ang inyong ginagawa ngayon ay humuhubog sa kinabukasan ng Boac at ng buong bayan.
Mabuhay ang ating mga g**o! Maraming salamat sa inyong tapang, tiyaga, at marangal na paglilingkod.
SULONG BOAC, CARRY ON!
**o