04/08/2026
โจ Integrity begins with Values. Excellence starts with Ethics. ๐ฎโโ๏ธ๐ต๐ญ
Nagsagawa ng regular na pagpupulong ang People's Law Enforcement Board (PLEB) โ Boac, kung saan tinalakay ang daloy ng programa at mga paghahandang kaugnay ng pagsasagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign sa Boac Municipal Police Station.
Matapos ang isinagawang pagpupulong, nagtungo ang mga miyembro ng PLEB sa Boac Municipal Police Station upang isagawa ang nasabing IEC Campaign.
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang propesyonal, may integridad, at people-centered na kapulisan, matagumpay na isinagawa ng People's Law Enforcement Board (PLEB) โ Boac ang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign sa Boac Municipal Police Station noong Agosto 3, 2026.
Tinalakay sa programa ang mahahalagang paksa hinggil sa Police Ethics and Values, kabilang ang PNP Core Values, Law Enforcement Code of Ethics, Morality, Integrity, at ang Judicious Use of Authorityโmga prinsipyong nagsisilbing matibay na pundasyon ng tapat, responsable, at makataong paglilingkod sa sambayanan.
Lubos namang ipinamalas ng Boac Municipal Police Station, sa pamumuno ni PCPT Randolph A. Piรฑon, OIC-Chief of Police, ang kanilang mainit na pagtanggap at suporta sa nasabing aktibidad, bilang patunay ng kanilang patuloy na pangako sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng serbisyo publiko.
๐ค ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐
, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.