NFA Northern Samar Branch Office

Directions

NFA Northern Samar Branch Office "Tiyak ang bigas, panatag ang bukas." ๐ŸŒพ

๐ŸŒพ ๐™ˆ๐™ช๐™ง๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™™๐™š๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ, ๐™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ข๐™–๐™ง๐™ฃ๐™ค๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ก๐™–๐™ก๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ช๐™ก๐™คDumagsa ang mga lehitimong benepisyary...
15/09/2026

๐ŸŒพ ๐™ˆ๐™ช๐™ง๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™™๐™š๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ, ๐™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ข๐™–๐™ง๐™ฃ๐™ค๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ก๐™–๐™ก๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ช๐™ก๐™ค

Dumagsa ang mga lehitimong benepisyaryo sa apat na redemption sites sa Isla ng Samar noong Setyembre 14, 2026, kasabay ng matagumpay na paglulunsad ng Handog ng Pangulo โ€“ Benteng Bigas Meron Na!

Isinagawa ang pagbebenta ng abot-kayang bigas sa Catbalogan City, Samar; Bobon at Rawis, Laoang, Northern Samar; at Borongan City, Eastern Samar, na nagbigay-daan upang mas maraming mamamayan ang magkaroon ng access sa murang bigas.

Patuloy namang nakikiisa ang National Food Authority (NFA) sa mga programa ng pamahalaan at sa mga inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang maihatid ang abot-kaya, maaasahan at may malasakit na serbisyo sa mga Pilipino.

Benteng Bigas Meron Na! ๐ŸŒพ






๐Ÿธ๐Ÿถ๐Ÿธ๐Ÿผ ๐™ฒ๐™ป๐™ธ๐™ด๐™ฝ๐šƒ ๐š‚๐™ฐ๐šƒ๐™ธ๐š‚๐™ต๐™ฐ๐™ฒ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™ผ๐™ด๐™ฐ๐š‚๐š„๐š๐™ด๐™ผ๐™ด๐™ฝ๐šƒ ๐™ฑ๐š๐™ธ๐™ด๐™ต๐™ธ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฐ๐šƒ ๐™ธ๐™ฝ๐š‚๐™ฟ๐™ด๐™ฒ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™พ๐™ฝ ๐™ฒ๐™พ๐™ผ๐™ฟ๐™ป๐™ธ๐™ฐ๐™ฝ๐™ฒ๐™ด ๐šƒ๐™พ ๐šƒ๐™ท๐™ด ๐™ฐ๐™ฝ๐šƒ๐™ธ-๐š๐™ด๐™ณ ๐šƒ๐™ฐ๐™ฟ๐™ด ๐™ฐ๐™ฒ๐šƒIsinagawa noong Septem...
10/09/2026

๐Ÿธ๐Ÿถ๐Ÿธ๐Ÿผ ๐™ฒ๐™ป๐™ธ๐™ด๐™ฝ๐šƒ ๐š‚๐™ฐ๐šƒ๐™ธ๐š‚๐™ต๐™ฐ๐™ฒ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™ผ๐™ด๐™ฐ๐š‚๐š„๐š๐™ด๐™ผ๐™ด๐™ฝ๐šƒ ๐™ฑ๐š๐™ธ๐™ด๐™ต๐™ธ๐™ฝ๐™ถ ๐™ฐ๐šƒ ๐™ธ๐™ฝ๐š‚๐™ฟ๐™ด๐™ฒ๐šƒ๐™ธ๐™พ๐™ฝ ๐™พ๐™ฝ ๐™ฒ๐™พ๐™ผ๐™ฟ๐™ป๐™ธ๐™ฐ๐™ฝ๐™ฒ๐™ด ๐šƒ๐™พ ๐šƒ๐™ท๐™ด ๐™ฐ๐™ฝ๐šƒ๐™ธ-๐š๐™ด๐™ณ ๐šƒ๐™ฐ๐™ฟ๐™ด ๐™ฐ๐™ฒ๐šƒ

Isinagawa noong September 09, 2026 ang 2026 Client Satisfaction Measurement Briefing and Inspection on Compliance to the Anti-Red Tape Act, na pinangunahan ng mga kawani mula sa NFA Central Office โ€“ Corporate Planning and Management Services Department (CPMSD) sa Farmers Hall, NFA Northern Samar Branch Office, Dancalan, Bobon, Northern Samar.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng pamunuan at mga kawani ng NFA Northern Samar Branch Office, kasama ang mga kawani mula sa Unit Offices na lumahok sa pamamagitan ng online platform.

Layunin ng aktibidad na higit na mapalakas ang kamalayan at pagsunod sa mga pamantayan ng Anti-Red Tape Act, gayundin ang patuloy na pagpapabuti ng kalidad, kahusayan, transparency, at pananagutan sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na pinagtitibay ng NFA Northern Samar Branch Office ang pangako nitong maghatid ng mabilis, maayos, tapat, at mahusay na serbisyo para sa mga magsasaka, stakeholders, at publiko.

Serbisyong Tapat. Serbisyong Maaasahan. Para sa Bagong NFA.


Cheers to 50 years of a life beautifully lived, and to many more years of inspiration ahead.Happy, happy 50th birthday, ...
01/09/2026

Cheers to 50 years of a life beautifully lived, and to many more years of inspiration ahead.

Happy, happy 50th birthday, ARD! ๐ŸŽŠ ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰

From: NFA N. Samar Branch

๐๐„๐๐“๐„๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐Œ๐„๐‘๐Ž๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐•๐ˆ๐‚๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐€, ๐๐Ž๐‘๐“๐‡๐„๐‘๐ ๐’๐€๐Œ๐€๐‘!Opisyal nang inilunsad ang Benteng Bigas Meron Na sa Bayan ng Victori...
27/08/2026

๐๐„๐๐“๐„๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐Œ๐„๐‘๐Ž๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐•๐ˆ๐‚๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐€, ๐๐Ž๐‘๐“๐‡๐„๐‘๐ ๐’๐€๐Œ๐€๐‘!

Opisyal nang inilunsad ang Benteng Bigas Meron Na sa Bayan ng Victoria, Northern Samar noong Agosto 18, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maihatid ang abot-kaya at de-kalidad na bigas sa mga mamamayan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Pinangunahan ang paglulunsad ni Municipal Mayor Joey Ardales, kasama ang mga kinatawan at opisyal ng Probinsya ng Northern Samar, Department of Agriculture, Food Terminal Inc., at National Food Authority (NFA) Northern Samar, na kinatawan ni Assistant Branch Manager Marbin C. Malabanan.

Patuloy ang pakikiisa ng NFA sa mga programang naglalayong palakasin ang food security, tiyakin ang sapat na suplay ng bigas, at makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

Sama-sama nating isulong ang isang mas matatag at mas maaasahang food system para sa lahat!


NFA Northern Samar Branch Office  announces the official palay buying price effective August 24-30, 2026.Mga ka-magsasak...
23/08/2026

NFA Northern Samar Branch Office announces the official palay buying price effective August 24-30, 2026.

Mga ka-magsasaka, alamin ang pinakamataas at tamang presyo para sa inyong palay!

Letโ€™s support our farmers and ensure fair market access for quality palay deliveries.


๐ŸŒพ ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—ก๐—™๐—” ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ก ๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ฅ ๐ŸŒพโ€œAng magtanim ay โ€™di biroโ€ฆโ€ ๐ŸŽถ At ito mismo ang pinatunayan ng mga empley...
18/08/2026

๐ŸŒพ ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—ก๐—™๐—” ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ก ๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ฅ ๐ŸŒพ

โ€œAng magtanim ay โ€™di biroโ€ฆโ€ ๐ŸŽถ At ito mismo ang pinatunayan ng mga empleyado ng NFA Northern Samar Branch sa isinagawang Rice Planting Immersion sa Brgy. Macagtas, Catarman, Northern Samar.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ng ating mga empleyado ang hirap, tiyaga, at sakripisyong kaakibat ng pagtatanim ng palayโ€”mula sa paghahanda hanggang sa aktuwal na pagtatanim.

Isang makabuluhang karanasan ito upang higit nating maunawaan at mapahalagahan ang pagsusumikap ng ating mga magsasaka na siyang nagsisiguro na may pagkain sa ating hapag. Bawat butil ng bigas ay bunga ng pawis, tiyaga, at dedikasyon.

Mas naging makabuluhan ang aktibidad sa pakikiisa ng mga empleyado ng NIA-NSIMO at ng Macagtas SWIP Irrigators Association, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at tamang pamamaraan sa pagtatanim ng palay.

Maraming salamat sa ating mga magsasaka at katuwang sa sektor ng agrikultura! Sa bawat pagtatanim, sama-sama nating itinatanim ang pag-asa para sa mas masaganang kinabukasan.

Mabuhay ang ating mga magsasaka! Saludo kami sa inyo!


๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ช๐—˜๐——, ๐Ÿฏ ๐—ก๐—˜๐—ช ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ฅ๐—˜๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—›๐—ฃ! ๐ŸคPatuloy ang pagtutulungan para sa mas matatag na food security at mas ...
16/08/2026

๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ช๐—˜๐——, ๐Ÿฏ ๐—ก๐—˜๐—ช ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ฅ๐—˜๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—›๐—ฃ! ๐Ÿค

Patuloy ang pagtutulungan para sa mas matatag na food security at mas magandang oportunidad para sa ating mga magsasaka.

Noong Agosto 5, 2026, isinagawa ang EPAHP Marketing Agreement Signing sa NIA-NSIMO Conference Room, Dalakit, Catarman, Northern Samar.

23 Marketing Agreements ang na-renew at 3 bagong kasunduan ang nadagdag, tanda ng patuloy na suporta at pagtutulungan ng mga katuwang sa programa.
Sama-sama para sa mas malakas na produksyon, mas malawak na merkado, at mas masaganang ani!

Taos pusong pasasalamat sa NIA NSIMO at sa Irrigators Association sa patuloy na suporta sa NFA!


๐ŸŒพ ๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐ข! ๐ŸŒพNakiisa ang NFA Northern Samar Branch Office, sa pangunguna ni Branch Manager Z...
30/07/2026

๐ŸŒพ ๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐ข! ๐ŸŒพ

Nakiisa ang NFA Northern Samar Branch Office, sa pangunguna ni Branch Manager Zaldy C. Tan, sa Season 5 Rice Derby 2026 Launching na ginanap sa Gap-ang Gymnasium, Dolores, Eastern Samar noong Hulyo 29, 2026.

Dinaluhan din ng mga pangunahing opisyal ang nasabing programa, kabilang sina Department of Agriculture (DA) Regional Director Rodel G. Macapaรฑas at Governor Ralph Vincent M. Evardone, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagsusulong ng mga makabagong teknolohiya at estratehiya sa pagsasaka.

Sa temang "Enhancing Strategy Towards Expanding Productivity in Rice Farming in Eastern Samar," tampok sa Rice Derby ang iba't ibang inobasyon sa rice production tulad ng hybrid rice varieties, adaptive balanced fertilization strategy (ABFS), biofertilizers, drone technology, at iba pang climate-resilient farming technologies na layong mapataas ang ani, mapababa ang gastos sa produksyon, at mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Patuloy nating suportahan ang ating mga magsasaka tungo sa mas maunlad, masagana, at matatag na sektor ng agrikultura.


๐๐„๐๐“๐„๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐Œ๐„๐‘๐Ž๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐•๐ˆ๐‹๐‹๐€๐‘๐„๐€๐‹, ๐’๐€๐Œ๐€๐‘!Opisyal na inilunsad ang programang Benteng Bigas Meron Na sa Bayan ng Villar...
10/07/2026

๐๐„๐๐“๐„๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐Œ๐„๐‘๐Ž๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐•๐ˆ๐‹๐‹๐€๐‘๐„๐€๐‹, ๐’๐€๐Œ๐€๐‘!

Opisyal na inilunsad ang programang Benteng Bigas Meron Na sa Bayan ng Villareal, Samar noong Hulyo 10, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matiyak ang pagkakaroon ng abot-kayang bigas para sa mga mamamayan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Pinangunahan ang paglulunsad ng programa ni Hon. Marilou R. Latorre, Municipal Mayor ng Villareal, Samar, katuwang si Department of Agriculture Assistant Secretary for Agribusiness and Marketing Genevieve Guevarra at DA Regional Field Office VIII Chief Francisco C. Rosaroso. Nakiisa rin ang National Food Authority Northern Samar Branch Office sa pangunguna ni Branch Manager Zaldy C. Tan, bilang pagpapakita ng suporta sa layunin ng pamahalaan na maihatid ang de-kalidad at abot-kayang bigas sa bawat komunidad.

Patuloy na nakikiisa ang National Food Authority sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong tiyakin ang sapat na suplay ng bigas at makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

"๐“๐ข๐ฒ๐š๐ค ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ ๐š๐ฌ, ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š๐  ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ."

๐—•๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€, ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—ฎ! ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ! ๐ŸŒพ๐ŸšPatuloy ang pagbebenta ng โ‚ฑ20 kada kilo na bigas sa FTI Bobon Redempti...
08/07/2026

๐—•๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€, ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—ฎ! ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ! ๐ŸŒพ๐Ÿš

Patuloy ang pagbebenta ng โ‚ฑ20 kada kilo na bigas sa FTI Bobon Redemption Site bilang bahagi ng P20 Rice Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng Department of Agriculture, Food Terminal Inc., at National Food Authority.

Inaanyayahan ang mga kwalipikadong benepisyaryo na samantalahin ang programang ito na naglalayong makapagbigay ng abot-kayang de-kalidad na bigas at makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

Magtungo lamang sa FTI Bobon Redemption Site sa itinakdang araw at oras ng distribusyon. Huwag kalimutang dalhin ang mga kinakailangang dokumento o pagkakakilanlan para sa maayos at mabilis na pagkuha ng inyong alokasyong bigas.

Benteng Bigas, Meron Na! Sama-sama nating isulong ang seguridad sa pagkain para sa bawat Pilipino.


Address

Brgy. Dancalan
Bobon
6401

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Northern Samar Branch Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share