Nutrition Office - Bocaue

Directions

Nutrition Office - Bocaue Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nutrition Office - Bocaue, Government Organization, Igulot, Bocaue.

#𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐒𝐚𝐩𝐚𝐭𝐏𝐚𝐫𝐚𝐒𝐚𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓

This is the official and only page of the Municipal Nutrition Office Bocaue

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗚𝗥𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗔𝗖𝗨𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗟𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 (𝗣𝗜𝗠𝗔𝗠) 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚Matagumpay na isinagawa ang Philippine Integrated...
20/09/2026

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗚𝗥𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗔𝗖𝗨𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗟𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 (𝗣𝗜𝗠𝗔𝗠) 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚

Matagumpay na isinagawa ang Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM) Training noong September 15–17, 2026, na dinaluhan ng ating mga masisipag na Nurses, Midwives, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Health Workers (BHW).

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng ating mga health and nutrition workers sa tamang pagkilala, pamamahala, at pagtugon sa acute malnutrition, upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyong pangnutrisyon sa ating mga kababayan.

Taos-pusong pasasalamat kay Sir Domenic N. Alegria, RN, MAN – PSWDO, bilang ating Resource Speaker, sa pagbabahagi ng mahalagang kaalaman, gabay, at karanasan sa buong training.

Maraming Salamat din kay Mayor Jonjon JJV Villanueva sa kanyang patuloy na suporta at malasakit sa mga programa para sa nutrisyon at kalusugan ng ating komunidad.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog, masigla, at maunlad na Bocaue!


ANNOUNCEMENT 📢📢📢Please be informed that the 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 scheduled for today is 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗟𝗟𝗘𝗗 due ...
27/08/2026

ANNOUNCEMENT 📢📢📢

Please be informed that the 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 scheduled for today is 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗟𝗟𝗘𝗗 due to the heavy rains and inclement weather conditions.

This decision is made to ensure the safety and well-being of everyone.

Please stay safe and keep dry.
Thank you for your understanding.

04/08/2026

🤱 National Breastfeeding Month 2026

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month 2026 na may temang:

“Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works.”

Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue, sa pangunguna ni Mayor Jonjon Villanueva, ang mga programang nagtataguyod ng pagpapasuso upang matiyak ang mas malusog na kinabukasan para sa bawat ina at sanggol.





04/08/2026
✨️ MOTHERS CLASS🥦 Barangay Biñang 2nd📅 Hulyo 30, 2026Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na...
04/08/2026

✨️ MOTHERS CLASS
🥦 Barangay Biñang 2nd
📅 Hulyo 30, 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na isinagawa ang Mothers Class sa Barangay Biñang 2nd noong Hulyo 30, 2026.

Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kaalaman ng mga ina hinggil sa wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan ng mag-ina, at pagpapatibay ng mga mabubuting gawi na makatutulong sa pagbuo ng isang mas malusog at masiglang pamilya.

Lubos na pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng mga inang nakiisa at sa Barangay ng Biñang 2nd, sa pangunguna ni Kap. Yboyh Del Rosario, sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon.

Sama-sama nating isulong ang Nutrisyong Sapat para sa Lahat.



📍 LAUNCHING OF THE 90-DAY FEEDING PROGRAM👶 Para sa Undernourished Children at mga Batang Edad 6–23 Buwan📅 Hulyo 29, 2026...
03/08/2026

📍 LAUNCHING OF THE 90-DAY FEEDING PROGRAM
👶 Para sa Undernourished Children at mga Batang Edad 6–23 Buwan
📅 Hulyo 29, 2026
📍 Barangay Batia

Matagumpay na inilunsad ang 90-Day Feeding Program sa Barangay Batia para sa mga batang undernourished at mga batang may edad 6–23 buwan.

Sa pangunguna ni Kap. Ydayle Del Rosario, isinagawa ang programa bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalagayang pangnutrisyon ng mga bata sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbibigay ng masustansyang pagkain at pagbibigay ng wastong gabay sa nutrisyon sa mga magulang at tagapag-alaga.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga katuwang sa tagumpay ng paglulunsad ng programang ito, kabilang ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), mga Mother Leaders at higit sa lahat, sa mga magulang at tagapag-alaga na aktibong nakiisa at nagpakita ng suporta. Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalagang hakbang sa pagtiyak ng mas malusog at mas magandang kinabukasan para sa bawat batang Bocaueño.

Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon para sa isang mas malusog na komunidad.



✨️ MOTHERS CLASS🥦 Barangay Wakas📅 Hulyo 28,  2026Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na isi...
31/07/2026

✨️ MOTHERS CLASS
🥦 Barangay Wakas
📅 Hulyo 28, 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na isinagawa ang Mothers Class sa Barangay Wakas noong Hulyo 28, 2026.

Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kaalaman ng mga ina hinggil sa wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan ng mag-ina, at pagpapatibay ng mga mabubuting gawi na makatutulong sa pagbuo ng isang mas malusog at masiglang pamilya.

Lubos na pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng mga inang nakiisa at sa Barangay ng Wakas, sa pangunguna ni Kap. Ferdinand Morante sa kanilang patuloy na suporta at pakikipag tulungan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon.

Sama-sama nating isulong ang Nutrisyong Sapat para sa Lahat.



🤰 Buntis Party📍 Barangay Tambubong📅 July 28, 2026Matagumpay na isinagawa ang Buntis Party sa Barangay Tambubong noong Hu...
30/07/2026

🤰 Buntis Party
📍 Barangay Tambubong
📅 July 28, 2026

Matagumpay na isinagawa ang Buntis Party sa Barangay Tambubong noong Hulyo 28, 2026 sa pangunguna ni Kap. Pablo Castillo.

Nagkaroon ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis upang maisulong ang kalusugan ng mga buntis at kanilang mga sanggol.

Ang Municipal Nutrition Office ay patuloy na nagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng bawat pamilyang Bocaue.

Maraming salamat sa Barangay ng Tambubong at sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan ng bawat ina at ng susunod na henerasyon.



30/07/2026
30/07/2026

✨️BAHAY - KUBO COOKING CONTEST✨️

Address

Igulot
Bocaue
1308

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nutrition Office - Bocaue posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share