Sangguniang Barangay Biñang 2nd

Directions

Sangguniang Barangay Biñang 2nd Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay Biñang 2nd, Government Organization, Mc Arthur Highway, Bocaue.

PABATID!! 📢📢📢NARITO PO ANG LISTAHAN NG MGA INTERVIEW/VALIDATION FOR SENIOR CITIZENS SOCIAL PENSION. KAILAN: SEPTEMBER 26...
23/09/2026

PABATID!! 📢📢📢

NARITO PO ANG LISTAHAN NG MGA
INTERVIEW/VALIDATION FOR SENIOR CITIZENS SOCIAL PENSION.

KAILAN: SEPTEMBER 26,2016 SATURDAY
SAAN: MUNICIPAL COVERED COURT IGULOT BOCAUE BULACAN
ORAS: 8:30AM

Isang makabuluhang araw para sa mga mapapalad na mag-aaral (4th year college students ) na nabigyan ng pagkakataong maka...
06/09/2026

Isang makabuluhang araw para sa mga mapapalad na mag-aaral (4th year college students ) na nabigyan ng pagkakataong makatanggap ng SCHOLARSHIP ASSISTANCE mula kay Pangulong Ferdinand "BongBong " Marcos Jr. (PBBM).

Ngayong araw, iginawad ni Punong Barangay IGG. YBOYH N. DEL ROSARIO sa kanyang tanggapan ang tseke para sa nasabing scholarship assistance ng mga benepisyaryong mag-aaral bilang suporta at matiyak na sila ay makakapagtapos sa taong 2027.

Ang tulong na ito ay magsisilbing dagdag-gabay upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon at makamit ang kanilang pangarap na makapagtapos.

Narito ang mapapalad na mag-aaral na tumanggap ng scholarship assistance:

1. TRISTAN E. BAUTISTA
2. MICHAEL M.SALCEDO,JR.
3. MA.VEATRIZ CONCEPCION
4. RENEBOY F. REBUTAZO
5. VINCENT G. BUISING

Maligayang pagbati sa ating mga iskolar . Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagkakataong ito upang lalo ninyong pagbutihin ang inyong pag - aaral.

Tandaan: Ang edukasyon ay susi sa mas magandang kinabukasan.

30/08/2026

⚠️ PAALALA SA MGA RESIDENTE

Isinagawa ng Meralco ka Gabi ang pansamantalang pagpatay ng kuryente sa ilang lugar bilang bahagi ng safety measur,
kabilang ang:
📍 J.P. Rizal St.
📍 Governor F. Halili Extension
📍 McArthur Highway (ilang bahagi)
📍 J. Benedicto St.
🔌 Mangyaring hintayin ang abiso mula MERALCO bago muling buksan o ibalik ang power sa mga apektadong lugar.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Unahin natin ang kaligtasan ng bawat isa. 🙏

19/08/2026

📢 ANUNSYO SA LAHAT NG ATING MGA KABABARANGAY

Kasalukuyan pong patuloy na tumataas ang lebel ng tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan. Pinapayuhan po ang lahat na manatiling alerto at maingat, lalo na sa mga lugar at kalsadang posibleng bahain.

Hinihiling po namin ang pakikiisa ng bawat isa na patuloy na mag-monitor sa kalagayan ng inyong lugar at maging handa sa anumang posibleng pagtaas pa ng tubig.

📞 Barangay Hotline:0922-709-0700

Kung kinakailangan po ng tulong o may agarang concern, huwag pong mag-atubiling tumawag o mag-message sa ating Barangay Hotline.

Mag-ingat po tayong lahat. Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat isa. 🙏🌧️

19/08/2026

🚨 PAALALA SA LAHAT NG KABARANGAY! 🚨

Pakitalian po nang maayos ang inyong mga sako ng basura upang hindi ito tangayin ng baha at maiwasan ang pagkalat ng basura sa ating mga kalsada at drainage.
Magtulungan tayo para maiwasan ang pagbabara at paglala ng pagbaha. 🌧️🌊
Disiplina sa basura, malaking tulong sa barangay! 🙏♻️

PABATID!! KUNG SINO MAN PO ANG NAWAWALAN NG SHIHTZU NA ASO magsadya lang po sa tanggapan ng Punong Barangay Biñang 2nd,B...
05/08/2026

PABATID!!

KUNG SINO MAN PO ANG NAWAWALAN NG SHIHTZU NA ASO magsadya lang po sa tanggapan ng Punong Barangay Biñang 2nd,Bocaue Bulacan.

ang aso po ay nakita sa Gov. F. Halili pa JP. Rizal na pagalagala kanina bandang 2:00 ng madaling araw August 5,2026.

sa may-ari magdala lamang po ng pagkakakilanlan na kayo po ang may-ari.

INSPEKSYON SA PRIBADONG LOTENG GINAGAWANG ILIGAL NA TAMBAKAN NG BASURA. Ngayong araw, July 28,2026 nagsagawa ng onsite i...
28/07/2026

INSPEKSYON SA PRIBADONG LOTENG GINAGAWANG ILIGAL NA TAMBAKAN NG BASURA.

Ngayong araw, July 28,2026
nagsagawa ng onsite inspection ang MENRO at Engineering Office sa ayukit St.
kasama sina Punong Barangay Yboyh Del Rosario Jr. at Kagawad sa Committee on Environment Rico C. Navarro sa isang pribadong lote na ginagamit bilang iligal na tambakan ng basura.
Layunin ng inspeksyong ito na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng lugar, matukoy ang mga paglabag sa mga umiiral na batas at ordinansa sa tamang pamamahala ng basura, at makapagpatupad ng naaangkop na aksyon upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating barangay.
Mahigpit na paalala sa lahat ng residente at may-ari ng mga lote na ang iligal na pagtatapon ng basura ay mahigpit na ipinagbabawal.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran at makiisa sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at maayos na Barangay.

"Disiplina sa pagtatapon ng basura, responsibilidad ng bawat isa."

PABATID!!! NARITO PO ANG LISTAHAN NG MGA HNDI PA NAKAKAKUHA NG KANILANG BIRTHDAY INCENTIVES. SA mga hindi pa nakakakuha ...
16/07/2026

PABATID!!!
NARITO PO ANG LISTAHAN NG MGA HNDI PA NAKAKAKUHA NG KANILANG BIRTHDAY INCENTIVES.

SA mga hindi pa nakakakuha ng kanilang Birthday incentive ng 2nd quarter for this 2026
na nag birthday ng APRIL, MAY, JUNE
MAARI NYO pa pong makuha ang inyong Birthday incentives.

SAAN: BOCAUE MUNICIPAL TREASURER'S OFFICE
ito po ay HANGGANG SA JULY 30,2026. NALAMANG PO.

Maraming salamat po!!

PABATID!!!! 📢📢📢NARITO PO ANG LISTAHAN NG MGA  MAKAKATANGAP NG BIRTHDAY INCENTIVES PARA SA 2nd QUARTER NG TAONG 2026. APR...
30/06/2026

PABATID!!!! 📢📢📢

NARITO PO ANG LISTAHAN NG MGA MAKAKATANGAP NG BIRTHDAY INCENTIVES PARA SA 2nd QUARTER NG TAONG 2026.
APRIL, MAY AND JUNE.

KAILAN: JULY 3,2026 FRIDAY
ORAS: 9:00PAM TO 4:00PM
SAAN: SENIOR CITIZENS OFFICE BIÑANG 2ND, BOCAUE BULACAN.

PS: Bring xerox copy OSCA I.D with 3 signature

WEEKLY CLEAN UP DRIVE!! HUNYO 28, 2026BARANGAY BIÑANG 2ND Patuloy ang pagpapatupad ng kalinisan Program sa ating Brgy sa...
27/06/2026

WEEKLY CLEAN UP DRIVE!!
HUNYO 28, 2026
BARANGAY BIÑANG 2ND

Patuloy ang pagpapatupad ng kalinisan Program sa ating Brgy sa pangunguna ng ating Punong Barangay Yboyh Del Rosario Jr. katuwang ang ating masipag na mga Barangay BHW,LLN

Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos at ligtas ang ating komunidad.
iminumungkahi rin na ating makasanayan TAPAT KO LINIS KO!!

Salamat sa dedikasyon at malasakit ng lahat.



Address

Mc Arthur Highway
Bocaue
3018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Biñang 2nd posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share