Ate J Nieto

Ate J Nieto

Share

A public servant who has an open door for her fellow Bocaueños.

09/12/2025

Ngayong Disyembre 2025 ay ang atin na pong ika-limang taon ng pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay Bloodletting Project sa ating Dakilang Bayan ng Bocaue sa pangunguna po ng ating Mahal na Punong Bayan Mayor Jonjon JJV Villanueva at Pangalawang Punong Bayan Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna.

Ngayong Kapaskuhan ay muli po tayong magdugtong buhay at magbigay ng Dugo sa para sa mga nangangailangan nating kababayan.

Sa darating na ika-20 ng Disyembre, mula 8am-2pm sa Joni Villanueva Sports Complex, Biñang 2nd ay magbigay po tayo ng munting regalo sa mga lubos na nangangailangan ng dugo.

Magkita kita po tayong lahat.




11/09/2025

Masayang Araw Bocaueños..

Muli po kami ay kumakatok sa inyong ginintuang puso upang tayo ay makapagdugtong ng buhay at makapaghatid ng serbisyo sa ating kapwa Bocaueños sa pamamagitan ng Blood Donation.

Sa darating na Ika- 20 ng Setyembre, taong kasalukuyan ay idaraos po nating muli ang proyekto ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Jonjon JJV Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna, ang Dugong Alay, Dugtong Buhay.

Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa upang mas marami pa po tayong matulungan.




Photos from Mayor Jonjon JJV Villanueva's post 21/06/2025

Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng naglaan ng oras upang muli ay makapagabot tayo ng tulong sa mga nangangailangan.. Thanks po Mayor Jonjon JJV Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna sa todong suporta mula noon hanggang ngayon.. Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal.. 🙏🙏🙏

12/06/2025

Te’na po at muling mag-alay ng dugo para sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan.

Isang makabuluhang proyekto na handog ng ating Mahal na Mayor Jonjon JJV Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna kasama ang buong Team Solid Lingkod Bayan para sa Dakilang Mamamayan ng Bocaue.




Photos from Mayor Jonjon JJV Villanueva's post 31/03/2025

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay oras at nagdonate upang patuloy tayong makapagdugtong buhay sa mga nangangailangan..

Maraming Salamat po sa ating butihong Mayor Jonjon JJV Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna sa walang hanggang suporta sa proyektong ito..





28/03/2025

Tara na po mga Bocaueños

Bukas na po ang ating Dugong Alay Dugtong Buhay handog ni Mayor JonJon Villanueva, Vice Mayor Sherwin Tugna at buong Team Solid kasama si Ate J Nieto.. Muli po tayong magkita kita at sama-samang magdugtong buhay sa mga nangangailangan..




Photos from Ate J Nieto's post 14/12/2024

Sa huling buwan po ng 2024 ay ginanap nating muli ang “Dugong Alay, Dugtong Buhay” Bloodletting Program.

Tayo po ay nakalikom ng animnaput-anim (66) na bag ng dugo mula sa ating mga volunteers!
Malaki pong tulong ito sa mga kababayan nating may medikal na pangangailangan s dugo.

Marami pong salamat sa ating mga volunteers at sa lahat ng taong naglaan ng oras at panahon para sa gawaing ito. Maraming salamat po sa ating Punong Bayan Jon Jon “JJV” Villanueva at Pangalawang Punong Bayan Abogado Sherwin Tugna kasama ang bumubuo ng Team Solid sa palagiang suporta.

Salamat po sa Damayang Filipino, maraming salamat din po sa Joni Villanueva General Hospital sa suportang kanilang ibinigay, salamat din po sa ating SK Federation President Miguel Iñigo Dinglasan sa kooperasyon upang ating maisakatuparan ang ating gawain.

Hanggang sa muli po nating bloodletting program, salamat po!

13/12/2024

Magkita kita po tayo mamaya mga Bocaueños!
Lets Donate! 🩸🩸🩸

13/12/2024

Bukas na po ito mga Bocaueños! Sama sama po tayong mag donate ng dugo 🩸🩸🩸

10/12/2024

Bago po matapos ang 2024, kami po ay muling nananawagan sa ating mga Kababayan upang muling makilahok sa ating “DUGONG ALAY, DUGTONG BUHAY” Bloodletting Program.

Tunay nga po na maraming kababayan natin na my medikal na pangangailangan sa dugo ang ating natulungan, sa bawat patak ng dugo ay bagong pag-asa para sa iba.

Sa inisyatibo po ni Ate J Nieto kasama ang Municipal Health Office ng Bocaue, sa pangunguna ng ating Punong Bayan Jon Jon Villanueva at Pangalawang Punong Bayan Abogado Sherwin Tugna, magsama sama po tayong muli! Lets donate!!! 🩸🩸🩸

Kailan: Disyembre 14, 2024 Sabado
Oras: 8:00am - 2:00pm
Saan: Mayor Joni Villanueva-Tugna Sports Center, Biñang 2nd Bocaue Bulacan

Photos from Ate J Nieto's post 21/09/2024

Tayo po ay nakalikom ng 132 bags ng dugo, ito po ang naitalang pinakamataas na bilang sa ating Dugong Alay, Dugtong Buhay.

Marami pong salamat sa lahat ng nagdonate, at naglaan ng kanilang oras. Maraming salamat po sa palagiang suporta ni Jeannie “Ate J” Nieto sa programang ito, kaagapay ang ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating Punong Bayan Jon Jon “JJV” Villanueva at Pangalawang Punong Bayan Abogado Sherwin Tugna.

Mas marami pa po tayong matutulungang mga kababayan nating nangangailangan ng dugo.

Photos from Ate J Nieto's post 21/09/2024

Tara na po.. start na po tayo.. LETS DONATE!

Want your business to be the top-listed Government Service in Bocaue?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Gov. F. Halili Avenue , Turo
Bocaue